Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Lubusan na ngang nasakop ng mga Hapones ang Maynila noong Enero 2, 1942. Agad namang ipinahayag ni Heneral Masaharu Homma (Ang Japanese Military Administraitor o ang Japanese Military Commander Of The Philippines) na ang kawalang-bisa ng kapangyarihan ng Amerika at ang kanilang patakaran sa pananakop.
Sa Corregidor ang unang dinadaanan ng mga barko kung papasok ng Manila Bay, Philippines. Pinangalanan ito ng mga Espanyol na Corregidor. Mula sa salitang corregir. Ang ibig sabihin ng corregir ay to correct. Dahil, sa Corregidor tinitignan kung tama ang mga dokumento na mga pumapasok na barko.
Ang Pambansang Asamblea na dating nasa ilalim ng Pamahalaang Commonwealth ay hinahayaang manatili ng mga Hapones. Ngunit ang Pamahalaang Commonwealth ay wala nang kalayaan at kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas. Ang pamunuang militar ng mga Hapones na ang namamahala sa paggawa at pagpapatupad ng mga kautusang pampangasiwaan at nagpapatibay ng batas.
Isang linggong walang tigil na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa Corregidor simula noong Abril 29, 1942. Ito ang kaarawan ng kanilang pinuno na si Emperor Hirohito o Emperor Showa. Dahil sa walang tigil na pag-ulan ng mga bala at canyon noong Mayo 4, 1942, para sa mga sundalo ito ang pinakamahirap na araw na naranasan ng mga sundalo.
Ngunit noong Mayo 5, kahit ibinuhos na ng mga Pilipino at Amerikano ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor, sila ay natalo ng mga Hapones.
"Pagbagsak ng Buong Bansang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones"
Noong Mayo 6, 1942, sa pagsuko ng Corregidor. Tuluyan ng napasakamay ang buong Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Halos 12,000 sundalong Pilipino ang sumuko.
Ngunit kahit halos 12,000 sundalong Pilipino ang sumuko,
Hindi parin nagwakas ang digmaan.
Sino ang pinuno ng mga Hapones noong nagaganap ang labanan at pagbobomba sa Corregidor?
Ngunit, kahit napasakamay na ng mga Hapones ang buong Pilipinas, talagang matibay ang hangarin ng mga Pilipino na mmit ang kalayaan. Sinikap nilang makamit ito. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya.
ang gerilya
Sagot:
Si Emperor Hirohito o Emperor Showa.