Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

TUWAANG

PINAGMULAN

TAGPUAN

  • Kaharian ni Batooy
  • Tahanan ni Batooy sa Lugar ng Pinaggayungan
  • Kaharian ng Kuaman

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nag-ngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kanyang kapatid na si Bai.

Lumapit si Bai na may dalang nganga at sila'y ngumuya. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin at pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang sapagkat kinakabahan si Bai sa mga mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kanyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng Binata ng Pangavukad sa kanyang paglalakbay.

Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang binalita sa kanya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala nila ang isa’t-isa.

Siya ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata, ngunit tinanggi niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saanman siya mapadpad, at sinunog niya ang mga bayan ng pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap siya ng pagtataguan sa mundong ito.

Pagkatapos magkwento ng dalaga ay biglang dumating ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.

Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ng kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kanyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kanyang binato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kanyang kanang bisig, at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kanyang patung, at binato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata.

Matapos ang labanan ay binuhay niya ang mga namatay gamit ang kanyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kanyang bayan sakay ng kidlat. Si Tuwaang ay nagpahinga ng limang araw.

Kinailangan niya muling lumaban matapos ang limang araw, dahil may isang dayuhan na pumapatay sa kanyang mga tauhan. Naglaban sila at natalo niya ang dayuhan. Binuhay niya muli ang kanyang mga tauhan at nagpahinga siya ng limang araw.

Pagkalipas ng limang araw, tinipon ni Tuwaang ang kanyang mga tauhan, at dinala ang mga ito sa kalupaan ng Katuusan. Sumakay sila sa sinalimba, at pumunta sa Katuusan, kung saan ay walang kamatayan.

TAGPUAN

  • Tahanan ng Dalaga ng Monawon
  • Kawkawangan

Sinasabing ang pagkatuklas at paggamit ng bakal ang nagbibigay-daan sa lalong pag-unlad ng pamumuhay ng mga unang Pilipino. Ang mga kagamitang bakal ay nakatulong sa kanila sa pagbubungkal ng lupa, pagputol ng mga punungkahoy upang gawing bahay at iba pang kasangkapan at paggawa ng mga sandata. Sa panahon ng metal ay natuklasan din nila ang iba't ibang di-metalikong mineral tulad ng luwad, graba, guano, quartz at iba at dulot nito ay nakagawa sila ng mga seramika, pataba sa lupa at mga kasangkapan sa pagluluto. Meron ding mga kutsilyo, magarang sandata, talim ng sibat, espada at gulok at mga alahas at mga palayok ang natuklasan.

Sa mga Manobo, si

Ipememehandi ang diwatà ng

kayamanan, at itinuturing

na kapantay ng pinaka-

mataas nilang bathala.

Nakatira siya sa kaitaasan,

kung saan umaapaw sa

baryang pilak ang mga sapa,

at gawa sa ginto ang mga parang. Nag-aalay ang mga tao ng pera, nganga, damit, at mga hayop kay Ipememehandi upang mapabuti ang kanilang buhay.

Sa mga Blaan, ang almúgan ay

mahiwagang ibong nakapagsasalita at

nagtatakda ng lupang pagtataniman.

Nagdadala ang lalaki ng apat na

kawayang may 60 cm ang haba sa

gubat. Kapag lumikha na ng tunog

ang almúgan, ihihilera ng lalaki

ang kawayan sa lupa nang nakaturo

sa direksiyong pinagmumulan ng tunog. Kapag matuwid ang mga kawayan, magiging mabuti ang ani ng lupang iyon. Kapag yumuyuko ang mga ito, kailangan maghanap ng ibang lugar na mapagtataniman.

Batis:

  • http://lucas-lipunan.blogspot.com/2009/10/filipinong-lipi.html
  • https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/epiko-at-kasaysayan-nito/
  • http://www.kasal.com/html/philippine-wedding/wedding-custom/manobo-wedding.html
  • myorangeonlinenotebook.files.wordpress.com/2010/09/epikong-bagobo.doc
  • http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Tuwaang
  • http://www.encyclopedia.com/humanities/encyclopedias-almanacs-transcripts-and-maps/manuvu-upland-bagobo
  • http://en.wikipilipinas.org/index.php/E._Arsenio_Manuel
  • http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2015/11/15-Rebyu-Malban.pdf
  • http://manobotribe.blogspot.com/2008/07/maniniwala-ba-kayo-kung-sa-pagbabasa-ng.html
  • http://www.digilearn.com.ph/epub/books/gs7_ap01/Text/ch001-2.html
  • http://www.stuartxchange.com/NgaNga
  • http://www.lasieexotique.com/mag_betel/mag_betel.html
  • http://www.gmanetwork.com/news/story/269198/scitech/science/pinoy-scientists-find-ikmo-has-health-benefits
  • https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/9/96/Pulangi_river_in_valencia.jpg
  • http://1.bp.blogspot.com/-GF4cjwrCrhA/Uk1lQTA6h6I/AAAAAAAAAI4/xWesXJmHgIQ/s1600/i-download+(4).jpg
  • http://www.choosephilippines.com/do/history-and-culture/3950/pilipinas-anito
  • http://www.choosephilippines.com/do/history-and-culture/3847/pilipinas-diwata/
  • http://1.bp.blogspot.com/-WG9lQY45wwY/Ue42VKZ6D3I/AAAAAAAAJLg/SszpT8skYjk/s1600/solution.jpg

TRADISYON

Isang kaugalian sa kasalan ay binubuo ng mga pag-aari na kalimita’y lupa, ginto, salapi o alin mang mamahaling bagay na ibinibigay ng lalaki sa magiging asawa. Isang paraan ito diumano ng pagtulong sa bagong-kasal para makapagsarili. Subalit ang lahat nang ito ay ibinibigay depende sa kakayahan ng pamilya ng lalaki at sa katayuang panlipunan ng mapapangasawa.

Inilalarawan ng mga epiko ang mga lipunang lumikha sa kanila. Sinasalamin nila ang isang lipunang pantribo. Kasangkapan ang mga epiko sa paglilipat sa susunod na salinlahi ng mg sinaunang kaugalian at karunungang pantribo, tulad ng tamang pamamahala sa ugnayan ng iba’t-ibang antas ng lipunan at ng mga magkakamag-anak; ang tamang paraan ng panunuyo at ng pagwawakas ng mga kasalanan. Nagbibigay din ang mga epiko ng mahalagang kabatiran tungkol sa pamamahay, pananamit at pati sa pagsisilang o panganganak, na kailangang-kailangan para mabuhay at sumagana ang tribo.

Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay ang kaingin. Ang pangunahing hanapbuhay ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang mangisda, mangangaso at kumuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa isang sagana at matiwasay na pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng permanente ay natuto at nakuntento na lang sa pagtatanim ng niyog at pagcocopra.

Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani, baylan,mga manggagawa at mga alipin. Ang mga bagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at nagtatanggol sa pamayanan; ang mga baylan ay ang mga babae o lalaking pari at manggagamot; ang mga manggagawa ay ang mga magasasaka at ang mga alipin ay ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. Pati mga katutubo ay pwede ring maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang pagkakasala.

  • Magbibigay ng dote ang pamilya ng dalaga sa pamilya ng binata.
  • Ang datu ng binata ay magbibigay ng kagun (plato, karayom na may sinulid, beads at barya), bilang kapalit, ang datu ng dalaga ay magbibigay ng delundun (pera) upang mapagkasunduang kasal.
  • Bago makapasok ang pamilya ng binata sa tahanan ng dalaga, kailangan nilang sundin ang kahilingan ng isang ed-ipal, miyembro ng pamilya ng dalaga.
  • Pagkakasunduan ng dalawang datu ang kayamanan ng dalaga. Ang datu ng dalaga'y hihingi ng ibatu (bayad noon ng ama ng dalaga sa ina), bata (isa o limang sentabos na ibibigay sa nakatatada atga espirito, lihilihi (babasaging plato para sa dalaga upang maiwasan ang malas), purangan (bayad sa pagpapalaki ng mga magulang), tugenan (bayad sa pangangalaga sa dalaga) at pemuka (walong piso).
  • Ibibigay ng pamilya ng lalaki ang tenges (headcloth) sa pamilya ng babae, sunod ang seru (pagpapalitan ng pagkain ng mga miyembro ng pamilya at mga datu)

Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga buntis na sila ay dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos lumubog ang araw. Ito ay dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa dugo ay nasa paligid at nag-aabang sa biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang kanilang pinagbubuntis.

TRADISYON

Nakapaloob sa mga epiko ang kahiwagaan ng mga diwata o anito at mga mabubuting espiritu at paniniwala sa iba’t ibang diyos. Gayundin ang mga elemento, lalo na ang hangin, ang mga hayop at mga bungang-kahoy, lalo na ang nganga, at iba pang bagay na may mahiwagang kapangyarihan ang tumutulong sa bida upang maisakatuparan niya ang kanyang mga di-pangkaraniwang gawain.

Sa mga Bukidnon, ang pámahándi ang anitong tagapangalaga ng mga kalabaw at kabayo. Siya rin ang gabay ng mga manghahabi at tagapagbantay sa kayamanan ng mga tao.

Sa mga Mëranaw, ang tónong ay tagapangalagang espiritu na tumutulong sa mga tao. Maaari itong mag-anyong tao, hayop, o nilalang na hindi nakikita.

Epiko ng mga Manobo

TRADISYON

Noon at ngayon

Ang pagngunguya ng nganga ang buhay ng mga mandirigma o mga bayani sapagkat dito sila kumukuha ng karagdagang lakas matapos ang mahabang pakikipaglaban.

TRADISYON

Sa Duyong Cave at Rato Puti Cave, matatagpuan sa Lipuun Point, Palawan, natagpuan ang mga relikya ng mga libing na mula pa noong Panahong Neolitiko (2680 BC). Kasama dito ay mga pinagbalatan ng Areca at bakas ng apog na pinaniwalaang ginamit sa pagnganganga.

Noon at ngayon

Ang tradisyong ito ay nagpatuloy hindi lamang sa Mindanao, kundi pati rin dito sa Cordillera. Ito ay nagsisilbing pampalipas oras at upang maibsan ang gutom at pagod.

Ayon sa pag-aaral, ang pagngunguya ng nganga ay nakakatulog upang maiwasan ang sintomas ng pagtatae at sakit sa sikmura ngunit maaaring magdulot ng kaser sa bunganga.

Sa Panahon ng Metal, natuto ang mga tao na magpanday ng bakal upang gawing kagamitan at armas. Natuto na rin ang mga tao na gumawa ng alahas at palamuti.

MIDSAKOP TABPOPAWOY

(Dumalo Si Tuwaang sa Isang Kasalan)

Aral:

  • Matalino man ang matsing, napapaglamangan din.
  • Ang mga panauhin ay iginagalang.
  • Ang isang marangal na tao ay tumutupad sa kanyang mga pangako.
  • Hindi dinadaan sa bilang ang lakas.

MANGOVAYT BUHONG

NA LANGIT

(Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit)

TAUHAN

  • Tuwaang
  • Dalaga ng Monawon
  • Gungutan
  • Binata ng Sakadna
  • Tagapagbantay ng mundong ilalim
  • Tiya ni Tuwaang
  • Mga panauhin

ARAL

  • Ang tunay na kapamilya ay maaalahanin sa kapakanan ng kanyang kapamilya.
  • Minsan, para sa mga binata, masakit ang pagtanggi ng kanilang nililigawan sa alok na pagpapakasal.
  • Hindi kailanman magtatagumpay ang kasamaan.

TAUHAN

  • Tuwaang
  • Dalaga ng Buhong na Langit
  • Bai
  • Binata ng Pangumanon
  • Batooy
  • Binata ng Pangavukad

Ang epiko ng Tuwaang ay nagmula sa lambak ng Ilog Kuaman. Ito ay konektado sa pinakamahabang ilog sa Bukidnon, ang Ilog Pulangi.

Ito ay isinalin ni E. Arsenio Manuel noong 1956 sa mga tribo ng Manobo sa Gitnang Mindanao.

Ito ay ginagawang libangan tuwing may libing, kasal, ritwal ng pagpapasalamat para sa saganing ani o sa isang matagumpay na pangangaso.

Mayroong higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon, dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

EPIKO ng TUWAANG

Ang bawat awit ng epiko ng Tuwaang ay ipinakikilala ng mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi.

Ang tabbayanon ay ang nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit at ang bantangon ay nagpapabatid ng simula ng pag-awit.

Group 4

Bondoc, Danielle Frederick

Lucero, Juan Miguel

Pang-ag, Lourriecel

Rivera, Jaime

Ms. Verna Liza Bautista

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi