Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
1. Ano ang pinakamataas na kabundukan sa buong Timog Amerika?
2. Ano pinakamababang punto ng buong Timog Amerika?
3. Ano ang pinakamataas na talon sa buong mundo?
4. Ano ang ikalawang pinakamahabang ilog sa buong mundo?
5. ___________ay ang mga mamamayan na namuhay noong mga 3000 taon na ang nakalilipas sa isang pook sa timog-kalagitnaang Mehiko ng kasalukuyang panahon.
6. __________ sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa pre-Columbian na Amerika gayun din sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito.
7. __________ ay ang pinaniniwalaang panginoon ng kagubatan ng mga mayans, na diyos ng mais.
8. Mga hayop na pinagkukuhanan ng mga Incas ng tela para pang gawa ng mga kasuotang pang tag lamig.
9. Mga hayop na pinagkukuhanan ng mga Incas ng tela para pang gawa ng mga kasuotang pang tag lamig.
10. Ano ang pinakamataas na bundok sa Hilagang Amerika?
11. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kanilang kalinangang ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Sila ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw. Sino sila?
12. __________ANG MGA TINATAWAG NA ANAK ARAW NA MAMULA MULA ANG MGA BALAT AT ANG ARAW ANG KANILANG SINASAMBANG DIYOS.
13. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang __________.
14. __________ AY ISANG DISTRITONG PEDERAL.
15. __________ NAKAGAWA NG MGA ISTATWA NA GAWA SA JADE.
Ang kasaysayan ng Timog Amerika ay isang pag-aaral ng nakaraan, partikular ang nakasulat na tala, kasaysayang pinasa sa salita lamang, at mga tradisyon na pinasa mula sa salinlahi hanggang salinlahi sa lupalop sa katimugang hating-daigdig at (pangunahin sa) kanluraning hating-daigdig. May kasaysayan ang Timog Amerika na nagtagal sa iba't ibang pagbuo ng kulturang tao at kabihasnan. Habang ang sanlibong taon na malayang pagsulong ay naabala ng kapanyang kolonisasyon ng mga Kastila at Portuges noong ika-15 siglo at sumunod na mga demograpikong pagbasak, nanatiling iba angmestiso at katutubong kultura mula sa mga nagkolonya.
Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. AngImperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. Ilang bahagi ng kalinangang Astek ang gumamit ng mga sakripisyong tao at ang paniniwala sa mga nilalang na mitikal. Ang mga Astek ay may lubhang tumpak na kalendaryong binubuo ng 365 mga araw. Mayroon din silang isang kalendaryong pangrelihiyon na binubuo ng 260 mga araw.
Sa pamamagitan ng trans-Atlantikong pangangalakal ng mga alipin, naging tahanan ang Timog Amerika (lalo na sa Brazil) ng mga milyong katao sa diyaspora ng mgaAprikano. Ang paghahalo ng mga lahi ang nagdulot sa bagong kayarian nglipunan. Ang tensyon sa pagitan ng mga kolonyal na mga bansa sa Europa, katutubong mga tao at nakatakas na mga alipin ang humubog sa Timog Amerika mula ika-16 na siglo hanggang ika-19 na siglo. Kasama ang himagsikan para sa kalayaan mula sa mga Kastila noong ika-19 na siglo, sumailalim muli ang Timog Amerika sa isang pagbabagong panlipunan at pampolitika na nagtagal hanggang unang bahagi ng 1900.
Ang mga Olmek ay mga mamamayan na namuhay noong mga 3000 taon na ang nakalilipas sa isang pook sa timog-kalagitnaang Mehiko ng kasalukuyang panahon. Ang mga Olmek ang unang kabihasnan sa sinaunang lugar na kilala ngayon bilangMesoamerika. Natuklasan at ginamit ng mga mamamayang Olmek ang maraming mga likas na yaman sa kanilang pook, kabilang ang mga goma atmais. May mga dose-dosenang mga "mahiwagang" mga ulong bato ang natuklasana sa teritoryo ng mga Olmek, at hindi pa ganap na nauunawaan ng mga arkeologo ang layunin ng mga ito.
Namuhay ang mga taong nagsasalita ng Wikang Maya sa Guwatemala at Timog Mehiko sa loob ng may 3,000 mga taon. Dating mga mangangalap ng pagkain, mga maninila, at mga mangingisda ang mga Maya, bago naipakilala sa kanila ang pagsasaka ng kapit-bahay na mga tribo (hindi nalalaman ng mga arkeologo kung kailan talaga naganap ang pagpapakilala sa pagbubukid). Naniniwala silang si Yum Kaax (literal na "panginoon ng mga kagubatan"), ang diyos ng mais. Umunlad ang mga Maya bilang mga magsasaka.
Ang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa pre-Columbian na Amerikagayundin sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito. Ito ay simulang itinatag noong yugtong Pre-Klasiko (c. 2000 BCE hanggang 250 BCE) ayon sa kronolihiyang Mesoamerikano. Marami sa mga siyudad ng Maya ang umabot sa pinakamataas na antas ng pag-unlad sayugtong Klasiko(c. 250 CE hanggang 900 CE) at nagpatuloy sa kabuuan ng Pagkatapos-na-Klasikong yugtong hanggang sa pagdating ng mga Kastila sa Timog Amerika.
Kanal at daanan ng tubig na ipinagawa ng Inca
Ang incas ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika. matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.
Itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya. Ang paghahandog at pagaalay ng sakripisyo na may dasal ay isang malaking bahagi ng seremonyang panrelihiyon ng mga inca.
Samahang Panlipunan ng mga Inca kung saan pinangangalagaan ang isang pangkat ng pamilya na namumuhay nang magkakasama sa isang lipunan
Pagsasaka
CHICHA - Beer mula sa mais
Pinagkukunan ng tela para sa kasuotang panlamig
Mamula-mula ang mga balat ng Inca