Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Isang heneral na pumalit na pinuno sa pagkamatay ni Sunni. Naging mabuting pinuno, mahinahon at malambot ang puso at higit na may kasanayan sa pamamahala. Pinaunlad ang kalakalan sa ibang bayan. Itinaguyod ang relihyong Islam at sa kanyang pamumuno ay naging sentro ng kultura ang Timbuktu noong ika-16 na siglo.
Ang ekonomiya ng songhai ay batay sa isang clan system. Ang clan na kinabibilangan ng isang tao ay ang kanilang magiging hanapbuhay. Ang pinaka karaniwan ay mga metalworkers, mangingisda at karpintero. Ang nasa ibabang bahagi ng caste ay binubuo ng mga non-farm working immigrants, na minsan ay binibigyan ng espesyal na mga pribilehiyo at nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng mataas na posisyon sa lipunan. Ang nasa pinakamataas na bahagi naman ay mga noblemen at direct descendants ng mga orihinal na Songhai people. At sinusundan ng freemen at mga mangangalakal. Sa ibaba naman ay mga bihag ng digmaan at alipin na obligado sa paggawa, lalo na sa pagsasaka.
Ang Songhai Empire , na kilala rin bilang Songhay Empire, ay isang estadong mula sa Songhai na matatagpuan sa kanlurang Africa . Mula sa kalagitnaan ng ika-15 na siglo hanggang sa huling bahagi ng ika-16 na siglo, ang Songhai ay isa sa mga pinakamalaking Islamic empires sa kasaysayan. Ito ang tinuturing pinakamalaki at pinakamakapangyarihang imperyo sa kanlurang Aprika. Ang imperyo na ito ay may parehong pangalan sa nangungunang ethnic group dito, ang Songhai. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Gao, isang estadong mula din sa Songhai na umiral mula noong ika-11 siglo.
Ang mga Songhai ay nanirahan sa Gao noong 800 CE , ngunit hindi naitatag ang lungsod bilang kanilang kabisera hanggang sa ika-11 siglo, sa panahon ng paghari ni Dia Kossoi . Noong ika-13 siglo, ang Gao ay sinakop ng Mali Empire. Nanatili ang Gao sa ilalim ng kontrol nito hanggang sa ika-15 siglo. Ang Songhai ay humiwalay sa mga Mali at bumuo ng isang hukbo. Nagpalawak ng teritoryo at namahala sa rutang pangkalakalan. Ang mga Songhai noon ay kilala sa kanilang lakas at galing sa pakikipagdigma.
Naghari mula 1464-1492. Sinalakay ang Timbuktu at ang mga karatig na lungsod (Gao at Djene) noong 1468. Pinaunlad niya ang Timbuktu bilang sentro ng kaalaman at kulturang Muslim sa Aprika. Siya ay naging pinuno ng Songhai sa loob ng 30 taon. Naging kahalili niya sa pamumuno ang kanyang anak ngunit 'di rin ito nagtagal dahil siya'y napatalsik sa puwesto ni Askia Muhammad.