Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang karapatang pantao ay ang payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. Lahat ng tao ay ipinagkaloob ng katwiran at dapat magpalagayan ang isa't isa sa diwa ng pagakatiparan.
Bawat bata ay may karapatang maisilang at mabigyan ng pangalan; dapat mahalin, ingatan at palakihin. May kanya-kanya din silang talino at lakas upang magamit sa pagtanggol ng sarili
Ang edukasyon ang isa sa mga batayang karapatan ng bawat tao. Kailangan ng edukasyon upang matuto ang tao na bumasa at sumulat, malaman ang kanyang kapaligiran, mapag-aralan ang lipunan, at makipagtalastasan sa iba.
Mahalaga ang edukasyon tulad ng kahalagahan ng pagkain at tahanan, na mga pangunahing sangkap sa buhay. Kung ang pagkain ang kailangan para sa kalusugan at tahanan para sa katawan, ang edukasyon ay kinakailangan para sa isipan.
Bilang isang demokratikong bansa, marami ang ipinaglalaban ang kanilang karapatang magpahayag ng kanilang sarili. Ayong sa ikatlong artikulo ng 1987 na konstitusyon ng ating bansa "Hindi dapat magpatibay ng batas na nababawas sa kalayaan na pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan."
ang karapatan sa pagkain ay nararapat lamang na ibigay sa bawat mamamayang Pilipino kung kaya't magpapatuloy ang mga ito sa pagsulong ng panukalang ang lahat ng mamamayan ay kinakailangang tugunan ang pangangailangan at karapatan sa pagkain.
Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tungkol din sa pakikibahagi sa mga tungkulin, kapwa sa pamilya at sa lipunan. Kung nahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang kahusayan at kahinaan ng isang indibidwal, ito’y maaaring mauwi sa diskriminasyon at limitadong pagkakataon para sa indibidwal.