Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Wastong Gamit ng mga Bantas

at

Malaking Titik

WASTONG GAMIT NG MALAKING TITIK

WASTONG GAMIT NG MGA BANTAS

1. Tuldok ( . ) period – (a) hulihan ng mga pangungusap na pasalaysay, pautos at pakiusap.

Halimbawa

Itinatag ang isang bagong pamahalaan pagkaraan ng digmaan. (pasalaysay)

Sumigaw at pumalakpak ka. (pautos)

Pakihayag mo ito nang may paggalang. (pakiusap)

(b) hulihan ng salitang pinaikli o dinaglat

Hal.

Hen. (Heneral) , Bb. (Binibini), G. (Ginoo), Hul. (Hulyo), Pang. (Pangulo), Gng. (Ginang)

1. Sa mga pangngalang pantangi :

(c) inisyal ng pangalan

Hal.

C.P.G. (Carlos P. Garcia), M.A.R. (Manuel A. Roxas)

a. Pangalan ng tao (Emilio Aguinaldo)

b. Pangalan ng pook (Kawit, Cavite)

c. Tiyak na pangyayari at panahon

(Araw ng Kalayaan , Hunyo 12, 1898), Lunes, Oktubre)

d. Tiyak na pangkat at wika o wikain (Pilipino, Filipino)

e. Tiyak na mga salitang nauukol sa relihiyon (Hesukristo, Panginoon, Allah, Banal na Bibliya, Katoliko)

f. Tiyak na pantawag (Lupang Hinirang)

2. Tandang Pananong (?) question mark –inilalagay sa dulo ng pangungusap na patanong.

Hal. Handa ka bang maging modelo sa nakararami? Bakit o bakit hindi?

2. Sa mga katawagan:

a. Katawagan sa tao (Heneral Luna, Pangulong Marcos)

3. Tandang Padamdam (!) exclamation point – (a) hulihan ng pangungusap na padamdam.

Hal. Mabuhay ang Pilipinas! Isang bansa ang isinilang!

b. Katawagan sa matataas na opisyal

Hal. Iwinagayway ng Pangulo ang watawat

Ipinaliwanag ng Heneral ang kahalagahan ng watawat.

c. Mahahalagang salita sa katawagang binubuo ng tambalang-salita kasama ang pangngalang pantangi (Ingat-Yaman, Pangalawang Pangulo)

(b) hulihan ng mga kataga at mga ekspresyong nagsasaad ng matinding damdamin.

Hal. Naku! Yehey!

d. Katawagan sa kilalang tao

(Utak ng Katipunan, Ama ng Wikang Pambansa)

e. Dinaglat na katawagan (Col. Francisco, Pang. Duterte)

4. Kuwit (,) comma – (a)paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay sa talaan.

Hal. Ang mga pangulo ng Ikatlong Republika ay sina Roxas, Quirino, Magsaysay, Garcia, Macapagal at Marcos.

(b)hulihan ng panimulang salita, parirala o sugnay.

Halimbawa:

Oo, malaya na tayo.

Noong hulyo 4, pinasinayaan ang bagong republika.

Bagaman ang Unang Republika ay nagsasarili, hindi ito kinilala sa ibang bansa.

(c)paghihiwalay ng bayan at lalawigan o ng bayan at lungsod.

Hal. Imus, Cavite Diliman, Quezon City

(d)petsa upang ihiwalay ang araw sa taon

Hal. Disyembre 25, 2016 Hulyo 4, 1946

(e) bating-panimula at bating-pangwakas ng liham

Hal. Mahal kong kaibigan, Lubos na gumagalang,

3. Sa pamagat

a. Mahahalagang salita sa pamagat ng aklat, awit, tula, pelikula at iba pa (Hal. Kasaysayan ng Pilipinas, Sa Aking mga Kababata),

b. Pamagat ng aralin kung ito’y tumutukoy sa wika ng isang bansa

(Hal. Ingles, Filipino, French)

7. Panipi (“ ”) quotation mark – (a)upang ihiwalay at ikulong ang tahasang sinabi sa ibang bahagi ng pangungusap

Hal: “Hindi kinukupkop ang kriminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

(b) Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.

Hal.

Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”

4. Sa mga pangungusap:

a. Sa simula ng anumang uri ng pangungusap

hal. Masayang-masaya ang buong bayan.

Ating ipagdiwang an gating paglaya!

b. Sa simula ng pangungusap sa loob ng panipi

Hal. “Mabuhay ang Pilipinas!” sigaw ng lahat.

Inihayag ni Pang. Aguinaldo “Tayo ay malaya na.”

c. Sa simula ng bawat linya ng tula o salawikain

Hal.

Ang hindi magmahal sa sariling wika,

Mahigit pa sa hayop at malansang isda.

(f)sa bilang na higit sa tatlong numero

Hal.

Umabot na sa 1,112,000 ang bilang ng buhay na nasawi.

Tinatayang P 6,411,700 ang naging pinsala sa ari-arian.

(g)paghihiwalay ng tuwirang sinabi ng nagsasalita sa iba pang bahagi ng pangungusap

Hal. ”Malaya na tayo sa wakas mula sa mga dayuhan,” ang winika ng bawat Pilipino nang araw na iyon.

(h)paghihiwalay ng pangngalan o salitang pantawag

Hal.

Pilipino, ipaglaban mo ang iyong kalayaan!

Bangon, Pilipinas!

11. Tutuldok-tuldok (. . . ) ellipsis – (a)ipinahihiwatig ang isang pahayag na walang katapusan.

Hal. An gating bilang ay binubuo ng 1,2,3,4 . . .

(b)ilahad ang mga bagay na nauunawaan na

Hal. Ang titik n gating alpabeto ay a,b,c, . . . z.

8. Gitling ( - ) hyphen – (a)pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig

Hal. tag-ulan pag-ibig mag-alay

(b)pagitan ng panlaing ika at tambilang

Hal. ika-3 Republika ika-10:00 n.h.

(c)pagitan ng salitang inuulit.

Hal. araw-araw dala-dalawa masayang-masaya

(d)paghahati ng salita sa pangungusap na hindi sapat sa linya

Halimbawa: Ang makasaysayang pangyayari ay dinalu-han ng mga panauhin sa iba’t ibang panig ng ating daigdig.

10. Panaklong ( ( ) ) parenthesis – (a) Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Hal. Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

(b) Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.

Hal. Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao

(c) Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon

Hal. Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

5. Tuldok-kuwit (;) semi-colon- ginagamit upang pagdugtungin ang dalawang sugnay na di-makapag-iisa na walang pangatnig.

Hal. Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan

6. Tutuldok (:) colon –(a)Paglalahad ng mga bagay sa isang talaan

9. Kudlit (‘) apostrophe – ginagamit na panghalili sa isang kinaltas na titik.

Hal. Ako’t ikaw ay Pilipino (ako at ikaw)

(e)sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal

Hal. karatig-bayan makapukaw-damdamin

(f) pagitan ng panlapi at pangngalang pantangi

Hal. maka-Pilipino taga-Amerika

(g) pagitan ng di at ng pang-uri

Hal. di-mabuti di-maganda

(c)nagsasaad ng oras na tambilang at bahagi ng Bibliya

Hal. ika- 8:00 n.u. Salmo 3:5

(d)paglalahad ng pangalawang pamagat (subtitle) ng isang babasahin

Hal. Tanglaw 6: Batayang Aklat sa Filipino

(e)bating panimula ng liham-pangangalakal

Hal. Kagagalang-galang na Tagapangasiwa:

(f)paglalahad ng isang mahalagang kaisipan

Hal. Tandaan:__________________

Babala: ___________________

Inihanda ni:

G. Kit Jolex Santos

Hal. Ang suliranin n gating bansa ay ang sumusunod :

a. rekonstruksyon

b. kahirapan

c. katahimikan

(b) paglalahad ng isang mahaba at pormal na pahayag

Halimbawa:

Ang proklamasyon ng bansa ay nagsasaad na: “Isang bansa ang isinilang! Mabuhay ang Pilipinas! Pagpalain nawa ng Diyos at bigyan ng mabuting kapalaran ang mamamayang Pilipino at panatilihin silang ligtas at malaya!”

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi