V. Takdang Aralin
C. Paglalapat
Panuto: Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng pagkamasunurin.
- Magbigay ng mga sitwasyon na nagpapakita ng pagiging masunurin.
IV. Pagtataya
D. Paglalahat
Maraming paraan upang maipakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa, Isa na rito ang pagmamahal at pagsabuhay sa mga natatanging kaugaliang Pilipino, tulad na lamang ng pagiging masunurin.
Panuto: Sundin ang mga sumusunod na tagubilin upang maisagawa ng tama ang hinihingi ng bawat isa.
1. Gumuhit ng isang bilog na katamtaman ang laki sa gitna ng iyong papel.
2. Sa loob ng bilog, isulat ang iyong buong pangalan
3. Gumuhit ng limang dayagonal na linya sa paligid ng labas ng bilog.
4. Sa dulo ng bawat linya, gumuhit ng parisukat.
5. Magsulat ng limang magandang katangiang Pilipino na sa tingin mo ay iyong taglay.
Ang pagkamasunurin ay isa sa mga magandang kaugaliang Pilipino. Ito ay naisasagawa sa pamamagtan ng pagsunod sa mga utos ng mga nakatatanda sa atin. Gaya na lamang ng ating mga magulang at mga guro.
B. Panlinang na Gawain
Narito ang ilang lararawang nagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino. Sabihn kung anong ginagawa ng mga nasa bawat larawan at tukuyin kung anong kaugaliang Pilipino ang inilalarawan.
Pagmamahal sa Bansa: Pagmamahal sa mga kaugaliang Pilipino - Pagkamasunurin
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
I. Layunin
Pagganyak
Bilang mga bata na nasa ikatlong baitang, paano niyo maaaring ipakita ang inyong pagmamahal sa ating bansa?
Pagkatapos ng leksyon, 75% ng mga mag - aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman na ang pagmamahal sa mga kaugaliang Pilipino ay isang paraan para maipakita ang pagmamahal sa bayan
b. Nakatutukoy ng magandang kaugalian at hindi.
c. Nakasusunod sa mga panuto bilang patunay ng pagkamasunurin.
II. Paksang Aralin
Pagmamahal sa Bansa: Pagmamahal sa mga kaugaliang Pilipino - Pagkamasunurin
- Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 3: Patnubay ng Guro
- Kagamitan: Mga larawang nagpapakita ng mga natatanging kaugaliang Pilipino.(Pagkamagalang, Pagkamadasalin, Pagkamasunurin)