Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Panitikan sa Panahong Kontemporaryo

Katangian ng Panahon:

Sa panahon ng kontemporaryo...

  • Ang mga manunulat ay naglantad ng mga totoong pangyayari upang mamayani ang realismo. Inilarawan nila ang mga masasama at magagandang pangyayari sa lipunan tulad ng karahasan at kahirapan, prostitusyon, at pagtaas at pagbaba ng krimen.
  • Nagpatuloy parin ang Liwayway sa paglalathala ng mga akdang likha ng mga manunulat. Ang mga komiks at magasin man ay nagbago ayon sa Bagong Republica.
  • Pebrero 7, 1986: Nauso ang mga rally at mga pamamalakad laban sa pamahalaan. Dito tumanyag ang salitang "Parliament of the Street". Ito ay nagkaroon ng epekto sa liderato ni Pang. Marcos. Nagkaroon ng Snap Election upang humaba ang kanyang termino. Subalit tumutol ang mamamayan at nagkaroon ng "Peoples Power Revolution" o "EDSA Revolution", ito ay nabuo sa tulong ng dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos.

  • Pebrero 24, 1986: Naluklok si Gng Corazon Aquino (maybahay ni Benigno Aquino), kapalit ang napatalsik na dalawampung taong diktaturyang pamahalaan ni Pang Marcos. Siya ang kaunaunahang babaeng Pangulo ng bansa.

Nagpatuloy ang pagpapayaman ng panitikan lalo na ng ipinalabas ni Pangulong Aquino ang Exec. Order No. 335 noong Septyembre 1998 na nagpapabisa ng paggamit ng wikang Filipino sa mga liham-korespondensiya, memorandum, mga pulong, magin sa Senado at Kongreso.

Ang Carlos Palanca Memorial Award naman ay nagpapatuloy sa pagkikilala sa mga manunulat at pagbibigay ng gawad taun-taon.

Ang mga dulang Pilipino naman ay nagningning dahil sa pagkalat nito. Mula sa mga paaralan hanggang sa mga tanghalan tulad ng CCP at Metropoltan Theater.

Ang mga nag-aalab na damdamin naman ng mga manunulat ang nagbunsod ng Writers Union of the Philippines o UNPII o Unyon ng mga Manunulat na Pilipino. Upang ilabas ang mithi, ang magasin na tumugon sa uhaw na mga mambabasa sa mga akdang buhay.

Pagkaraan ng walong (8) taon....

  • Enero 17, 1981: Ibinaba ni Pangulong Marcos ang kautusan na nag aalis ng Batas Militar kasabay ng Bagong Republika. Sa panahong ito,inilunsad ng pamahalaan ang simulaing "Isang Bansa, Isang Diwa". Ito ang kabuuan ng ideolohiyang Pilipino na nais palaganapin ang Bagong Republika. Ito ay naglalayong magpakoon ang bawat tao ng pagkaunawa at pagkakilanlan sa lipunang ginagalawan.

  • Agosto 21, 1983: Nagkaroon ng bahid ng kadiliman ang sanay pagtuloy na pag unlad ng pinaslang si Benigno Aquino sa Ninoy Aquino International Airport (dating Manila International Airport). Nabahiran ang mga tula, maikling kwento, nobela, dula at kahit mga awitin ng masalimuot na damdamin.

Ang mga sumunod na nangyari ay nagpakita kung paano pinilit ng bagong pamahalaan linisin ang bahid ng kasakiman ng dating pangulo.

  • Itinanghal ang Pilipinas na "Bagong Bansa sa Bagong Demokrasya: Moral Recovery" na binigyang pansin ni Pangulong Fidel V. Ramos.
  • "Erap Para sa Mahirap" naman ang pilosopiyang ginamit ni Pangulong Joseph Estrada na ginawang "Angat Pinoy 2004". Ang layunin nito ay maiangat ang antas ng pamumuhay. Ngunit dahil sa pagkasangkot sa katiwalian, napatalsik si Pang Estrada na pinalitan ni Pangulong Gloria Arroyo.
  • Siya ang nagbiga diin sa pagkakaroon ng "New Moral Order"
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi