Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
- nagaganap ang pakikipagkalakalan ng mga bansa sapagkat walang sinumang bansa ang may kakayahang tugunan ang lahat ng kanyang pangangailangan sa produkto at serbisyo.
- Kakapusan sa likas na yaman at iba pang sangkap pamproduksyon ang kadahilanan nito.
- Ang mga bansang kalahok sa sistema ng pakikipagpalitan ng serbisyo o kalakal ay tunay na may pakinabang sa gawaing nabangit.
- Ang proseso ng palitan ay nagbibigay direksyon at kontrol sa pamilihan.
- Layunin ng bawat kalahok sa pakikipagpalitan ang episyenteng pagpoprodyus o paglikha ng kalakal o serbisyo.
- ang kasabihang ito ay maaari ring tumukoy sa relasyon ng mga bansa sa larangan ng pakikipagkalakalan. Ang kalakalang panlabas ay hindi lamang tumutukoy sa kabuhayan. Mayroon ding aspektong politikal at panlipunan.
- Isang paraan upang makamit ito ay ang paghahati-hati ng gawain at
- Ang mga pakinabang na dulot ng pagkakaroon ng pagkakahati-hati sa paggawa ay ang pagkakaroon ng teamwork na nagpapaunlad sa produktibidad ng manggagawa; at paglinang sa kasanayan at pagiging dalubhasa sa isang tiyak na gawain.
- May mga teorya na nagpapaliwanag ng batayan ng kalakalang panlabas. Ito ay batay sa prinsipyo absolute advantage at comparative advantage.
- ito ay nakabatay sa konsepto ng opportunity cost.
- Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halagang isinusuko sa bawat pagpili ng produkto o serbisyo na lilikhain dahil sa kakapusan.
- Ito ay nagsasaad na may lubos o ganap na kalamangan ang isang prodyuser sa paglikha ng produkto o serbisyo kumpara sa ibang prodyuser kung ito ay may kakayahang lumikha ng produkto mula sa kaunting sangkap pamproduksyon at sa mas mababang halaga ng produksyon.
- Production Possibilities Para sa dalawang Prodyuser
- sa ganitong kalagayan inilalarawan na ang mga pakinabng na makakamit ng mga prodyuser ay epekto ng pagkakaroon nito ng espesyalisasyon at pagiging dalubhasa sa isang gawaing pang-ekonomiya. Samakatuwid, ang kalakalang mas nakadepende sa pattern ng comparative advantage nito ay mas nakikinabang kaysa absolute advantage ng bawat isa.
- Sa katunayan, ang pagpapalitan ng kalakal at serbisyo ay maghihikayat sa mga prodyuser upang magamit ang kanilang likas na yaman sa pinakaepisyenteng pamamaraan.
Ginto ang unang ginamit na pamantayan ng mga bansang nakikipagkalakalan hanggang dekada 1930, ang panahon ng Great Depression. Ang ibig sabihin nito, ang halaga ng bawat yunit ng pambansang salapi ay batay sa tiyak na halaga ng ginto na ginamit upang ito ay malikha.
Isa pang pamantayan ng pandaigdigang pananalapi ay ang hindi tiyak na antas ng palitan o flexible exchange rate system. Ang antas ng pagpapalitan ng lokal na salapi laban sa dayuhang salapi ay itinakda ng demand at suplay nito sa pamilihan. Kapag ang demand para sa dayuhang salapi ay mataas, ang antas ng pagpapalitan ay tumataas din.
Ang pinangasiwaang antas ng palitan o managed exchange rate ay pamantayang kasalukuyang pinaiiral ng maraming bansa. Sa ilalim ng sistemang ito, ang pamahalaan at ang mga nangangasiwa sa pambansang pananalapi ay namamagitan o nakikialam sa kalakaran ng mga pamilihan ng dayuhang salapi upang ang paiba-ibang antas ng palitan ay maisaayos.
Upang mapangalaagaan at maproteksiyunan ang ekonomiya at lipunan mula sa dayuhang mamumuhunan at kompetisyon, may dalawang tampok na mekanismona nagsisilbing hadlang sa malayang kalakalan: ang taripa at quota.
Upang matiyak na matagumpay ang kalakalang panlabas, ang pamahalaan ay naglunsad ng programang magiging katuwang at katulong nito sa paghahangad na lubusang mapaunlad ang kalakalang panloob at panlabas. Ang ilan ay ang mga ss:
1. Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A 7721)
-Mapalawak ang operasyon ng mga dayuhang bangko, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito sa bansa.
-Binigyang pahintulot nito ang pagpasok, pangasiwa, at pamamahala ng kanilang sangay rito sa ating bansa.
-Binigyang pahintulot ang mga dayuhan na makabili o magtatag ng kanilang sangay upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagdating ng dayuhang pamumuhunan.
Ang taripa ay espesyal na buwis na ipinapataw lamang sa mga kalakal na inaangkat. Ang pagpataw ng buwis sa mga angkat na kalakal ay nagpapataas ng presyo nito. Kapag lubhang mataas ang taripang ipinapataw sa isang kalakal, posibleng napipigil ang pag-aangkat o kaya tuluyang napahihinto ang operasyon ng kalakalang ito.
Ang quota naman ay tumutukoy sa bilang o dami ng kalakal o produktong inaangkat o iniluluwas. Ang pagpataw ng quota ay naglalayong mapangalagaan ang lokal na produkto sa pagdagsa ng maraming produktong dayuhan. Sa ganitong paraan, patuloy na natatangkilik ang sariling produkto at ang paglinang sa pagiging entreprenyuryal at malikhain ng mga tao.
• Balance of Payment (BOP) - nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.
-nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
• Balance of Trade (BOT) – makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na iniaangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas.
2. Foreign Trade Service Corps (FTSC)
- Naglulunsad ng iba’t-ibang estratehiyang pamilihan upang lubusang makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa.
- Sumasabay sila sa kasalukuyang kalakaran sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagsali sa mga trade exposition o trade exhibit.
• Pag-aangkat at pagluluwas ng kalakal at serbisyo - mahalagang salik sa kalakalang panlabas.
• Naturan- nagsisilbing buhay ng pakikipagkalakalang pandaigdigan.
• Luwas- produktong nagmula sa sariling bansa at ipalalabas.
• Angkat- produkto o serbisyong nagmula sa ibang bansa at ipapasok sa sariling bansa.
3. Trade and Industry Information Center (TIIC)
- Nangangasiwa sa operasyon ng Bureau Research Center kung saan ito ay nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya, kalakalan, industriya, pamahalaan at kapakanan ng mga mamimili na nais mamuhunan.
4. Center for Industrial Competitiveness (CIC)
- Naglulunsad ng mga programang magtataas sa antas o kalidad at produktibidad ng manggagawa upang sila ay maging kompetitibo sa pandaigdigang pamilihan ng manggagawa, produkto at serbisyo