PILIPINO ang tawag sa lahi natin ngayon.
Pero ano nga ba
ang lahing pinagmulan
ng mga Pilipino?
Ano ang itinuro
sa atin noong
elementarya tayo?
WAVES OF
MIGRATION THEORY
ni Henry Otley Beyer
Diumano, sa TATLONG LAHI
nagmula ang mga Pilipino:
1. NEGRITO – dumating raw sa Pilipinas sa pamamagitan ng LAND BRIDGES.
2. INDONES – dumating sa Pilipinas gamit ang mga bangka
3. Malay – dumating sa Pilipinas gamit ang mga mas sopistikadong mga bangka at may dala ring teknolohiya ng paggamit ng bakal.
ANO ANG TOTOO?
WALANG EBIDENSIYA ang Waves of Migration Theory ni Beyer.
ALIN ANG MAY EBIDENSIYA?
Ang DISCOVERY ng grupong pinamumunuan ng American anthropologist na si
ROBERT FOX noong 1962.
Ang TAONG TABON:
1. mga labi (bahagi ng bungo at panga) ng sinaunang tao sa Tabon Cave, Palawan.
2. may tanda na 21,000 to 22,000 taon nang nakaraan
3. nadiskubre nito lang na ang Taong Tabon ay babae
4. gumagamit ng mga stone tools o kagamitang gawa sa bato
Ayon sa Pilipinong anthropologist na si FELIPE LANDA JOCANO:
1. Nabuhay ang Taong Tabon bago pa ang migrasyon ng mga dayuhang tao.
2. May pagkakatulad ang Taong Tabon sa mga sinaunang tao na natagpuan sa ibang bahagi ng Southeast Asia, Australia at Papua New Guinea.
3. Ibig sabihin, isa ang sinaunang Pilipinas sa pinuntahan ng mga Austronesian at dito naglinang o nagpaunlad ng kultura, paglalayag at pagtatanim, hanggang sa pumunta sa Madagascar hanggang Easter Island.
4. Ang Taong Tabon ang itinuturing na pinakamatandang labi ng tao noong panahong iyon, hanggang sa madiskubre ang mas matandang labi ng tao: ang TAONG CALLAO.
TAONG CALLAO:
1. Natagpuan sa Callao Cave, Cagayan (2007).
2. Natagpuan ng grupo ng anthropologist na si Armand Mijares.
3. Mas matanda ang Taong Callao (67,000 taon) kaysa Taong Tabon.
4. Ayon kay Armand Mijares, may pagkakatulad ang Taong Callao sa mga Aeta.
Samakatuwid, kabilang ang Pilipinas sa may pinakamatandang kabihasnan ng mga tao.
Tayo ay AUSTRONESIAN.
1. Grupo ng mga tao na nagsasalita ng wikang Austronesian, isang malaking mother language.
2. May 1,000 hangang 1,200 na mga wikang Austronesian. Sinasalita ng 27 milyong tao.
3. Ang mga Austronesyano ay matatagpuan sa Southeast Asia, Pacific, Oceania at East Africa.
SA PARTIKULAR, MAKIKITA ANG MGA AUSTRONESYANO SA MGA KATUTUBO NG:
1. Taiwan
2. Pilipinas
3. East Timor
4. Indonesia
5. Malaysia
6. Brunei
7. Cocos Islands
8. Polynesia
9. Micronesia
10. Madagascar
11. Singapore
12. New Zealand
13. Hawaii
14. Melanesia
15. Southern Thailand
16. Vietnam
17. Cambodia
18. Hainan Province of China
19. Sri Lanka
20. Myanmar
21. South Africa
22. Suriname
23. Andaman Islands
24. Easter Island (Rapa Nui)
PAANO NGA BA LUMAGANAP ANG MGA AUSTRONESIAN?
1. OUT-OF-TAIWAN THEORY nina PETER BELLWOOD at ROBERT BLUST.
Nakabatay sa paglaganap ng wikang Austronesyano.
Pinaniniwalaang nagmula sa Taiwan, o Timog Tsina, at tumungo sa Batanes, Pilipinas.
Ang paglaganap ng Austronesian sa Southeast Asia, Pacific, Oceania at East Africa ay dumaan lahat sa Pilipinas.
2. ISLAND ORIGIN THEORY ni WILHELM SOLHEIM II
Tinawag ring "Nusantao Maritime Trading and Communication Network" (NMTCN) Theory
Paglaganap ay bunga ng paglalayag, kalakalan at komunikasyon sa iba't ibang bahagi.
Nakabatay sa archeological data.
Sa Bismarck Islands, Papua New Guinea nagsimula ang paglaganap.
3. ISEA (ISLAND SOUTHEAST ASIA) ORIGIN THEORY ni MARTIN RICHARDS
SUNDALAND – Island Southeast Asia na lumubog dahil sa pagbaha noong patapos na ang ICE AGE.
Nakabatay sa INTERDISCIPLINARY RESEARCH (genetic study, climate change, artifacts, etc.)
Ang natira sa lumubog na Sundaland ay ang mga islang bumubuo sa Pilipinas at Indonesia.
Tinataya na dahil sa pagkatunaw ng yelo ay tumaas ang sea level sa pagtatapos ng Ice Age kaya't lumubog ang Sundaland at lumipat ng lugar ang mga Austronesyano mula sa ISEA.
Posibleng sa Pilipinas namayagpag ang mga Austronesyano at kumalat sa Southeast Asia, papuntang Taiwan, Pacific, Oceania, at East Africa.
ALIN PA MAN ANG TOTOO SA NABANGGIT NA MGA TEORYA, IISA ANG MALINAW: NA ANG MGA PILIPINO AY NAGMULA SA LAHING AUSTRONESYANO.
KULTURA AT WIKANG AUSTRONESYANO
EKONOMIYANG AUSTRONESYANO
PAGLALAYAG at PANGINGISDA
bangka, wangka, vaka, balangay, barangay, balanghai
AGRIKULTURA
Saan ang Rice Terraces na ito?
Tellalang Rice Terraces, Bali, Indonesia
SINO ANG MGA AUSTRONESYANO?