Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila sa mga panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.[1]
Tumutukoy ang terminong Negrito sa ilang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga lugar sa Timog-Silangang Asya.[3] Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang mga Aeta (o Ita), Agta, Ayta, Ati, Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa Pilipinas, ang Semang ng peninsulang Malay, ang mga Mani ng Taylandiya at 12 tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indiya.
Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.
Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga naging Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Bikolano, Kampampangan, mga Panggasinense, Ifugao, at iba pa.
Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon.[kailangan ng sanggunian] Ang mga armas nila ay itak, kris, balaraw at lantaka
Ang Tatlong Pangkat na Dumating sa Pilipinas.
Pangatlong Pangkat
Malay
Unang Pangkat
Mga Negrito
Pangalawang Pangkat
Indones
Ang Tatlong Pangkat na ating tinalaky ay ang ating mga ninuno. Sila ang unang mga tao na dumating sa Pilipinas bago pa man tayo sakupin ng mga Espanyol.