Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang pag-unlad ay bunga ng pinagsama-samang pamamaraan (Cumulative Process).
Bumuo siya ng modelo ng equilibrium theory na nagsasaad na ang pangangailangan ay kapantay ng panustos sa lahat ng pamilihan.
Naniniwala siya na ang pag-unlad ay bunga ng pagsisikap, gawi at pagpapahalaga ng tao sa buhay at kalikasan.
Sinaliksik ni Keynes ang dahilan ng krisis ng paghina ng ekonomiya ng bansa noong panahon ng "great depression" noong 1930. Ayon kay Keynes, hindi laging mabisa ang pamilihan sa pagsagot sa lahat ng suliranin ng ekonomiya ng isang bansa. Ayon sa kaniya, maaring hindi maging sapat ang pamumuhunan sa isang ekonomiya upang patuloy na paunlarin ito. Maaaring mabigyan ng solusyon ang suliranin kung ang pamahalaan ay makikialam sa pamamagitan ng tamang alituntunin sa pananalapi at pinansiyal. Binigyang-pansin din Keynes na ang paggastos ng pamahalaan o pagbabawas ng buwis ay magbubunga ng tiis at trabaho na siyang magpapalago sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Naniniwala siya na malaki ang bahagi ng pamahalaan upang maiwasan ang mga krisis sa pananalapi, interes at paghahanapbuhay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng epektibong mga batas pangkabuhayan at maayos na pagkontrol ng pagpapautang at pananalapi.
Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng produksiyon ng isang ekonomiya.Iminungkahi ni Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na magpasiya kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free trade. Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at mamimili ay makakabuti sa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan.
Si Ricardo rin ang nagpaliwanag ukol sa batayan sa pakikipagkalakalan ng mga bansa, ang kaisipan tungkol sa comparative advantage kung saan ang isang bansa ay gagawa lamang ng mga produkto na higit na mababa ang gastos at ang ibang produkto na mataas ang gastos sa paggawa ay angkatin na lamang.( tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o ng isang bansa upang makabuo ng isang partikular na produkto o serbisyo sa imas mababang halaga kaysa sa ibang bansa.)
Kung patuloy na gagamitin ang lupa, lalong bababa ang pakinabang na nakukuha dito hanggang sa tuluyang humina ang produksyon nito. Ayon kay Ricardo, ito ang "Batas ng Lumiliit na Dagdag na Pakinabang (Law of Diminishing Return)." Magkakaroon ng pagtaas ng upa sa lupa, pagbaba ng tubo ng kapital, at pagtigil ng pamumuhunan na magdudulot ng suliraning pang-ekonomiya.
Ayon kay David Ricardo, naniniwala siyang darating ang panahon na hihina ang pag-unlad ng mga kapitalista. Hihina ang produksiyon ng paggawa dahil kakaunti ang lupa at likas na yaman. Lumalaki ang populasyon kasabay ng paglaki rin ng mga pangunahing pangangailangan ng tao lalo na sa pagkain. Ang mga lupang dating hindi nagagamit ay pakikinabangan na ng tao upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.