Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga
ASSESSMENT
CONCLUSION
1-3. Maliban sa bunga, layunin at kahihinatnan, magbigay pa ng 3 batayan sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
4. Ayon kay ( ), 5. ito ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin.
6 - 7. Dalawang paraan na kinakailagan sa pagtataya ng dahilan ng pagkilos.
8. Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.
9. "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."
10. Ang pagsagawa sa bagay na ito ay bunga ng damdamin.
11. Ayon sa kanya, ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa 12. ( )
13 - 17. Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga
18 - 20. Bakit hindi sapat ang bunga para sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos?
- Ano ang 3 bagay na pinagbabatayan kung ang kilos ay mabuti o masama?
- Ano ang iyong napagtanto matapos matutunan ang araling ito?
- Nakatulong ba ito sa pagtukoy sa mga kilos na ginagawa (mabuti o masama) sa tunay na buhay kapag ikaw ay nagkakaroon ng conflict?
REVIEW
Ano ang iyong mga natutunan sa mga
naunang modyul (Modyul 5 & 6) na sa
tingin mo ay mailalapat mo sa susunod
na modyul?
ICE BREAKER
Hatiin ang buong klase sa 4. Mag-isip ng mga sitwasyon na kung saan ikaw ay nahihirapang magpasiya kung ang kilos na iyong gagawin ay mabuti o masama. Ilahad din kung ano ang iyong magiging tugon dito. Gawin ito sa pamamagitan ng skit.
PAUNANG PAGTATAYA
GAWAIN 1
OBJECTIVES
BUNGA AT KAHIHINATNAN
- Mailahad ang mga batayan ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga.
- Masuri kung paano ginagamit ang tatlong bagay na ito kapag may conflict.
- Ang bunga ay maaaring hindi rin agarang makita lalo na kung mas mahaba ang oras at proseso ng paggawa ng isang kilos.
- Sa kabila ng katotohanang likas sa tao ang kabutihan at nakaukit sa kaniyang puso ang kapakanan kaysa sa kabutihang panlahat.
- Scheler - nakasalalay sa pagpili ng pahahalagaan ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao.
- Hindi ang layunin o bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
- Layunin - dahil magiging masalimuot ang paghahanap ng pamantayan
- Bunga - dahil kailangan pang hintayin ito bago malaman kung mabuti o masama ang kilos
ANG PAGPAPAHALAGA BILANG BATAYAN SA PAGHUSGA NG KABUTIHAN O KASAMAAN NG KILOS
ANG PAGNANAIS: KILOS NG DAMDAMIN
ANG GINTONG ARAL (THE GOLDEN RULE)
- Pagnanais - isang kilos na bunga ng damdamin.
- Ginagawa niya ito dahil sa tingin niya ay makabubuti ito sa sarili niya at sa iba.
- Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad.
"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo."
LIMANG KATANGIAN NG MATAAS NA PAGPAPAHALAGA
- kakayahang tumatagal at manatili (timelessness or ability to endure)
- mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga (indivisibility)
- lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga
- nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction)
- malaya sa organismong dumaranas nito
PANININDIGAN
- Kaligayahan - binibigyang-halaga o ninanais natin ang anumang bagay na nagbibigay ng ganitong uri ng damdamin.
- Max Scheler - ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga (values) - obheto ng ating intensiyonal na damdamin.
- Ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
- Nasasalamin sa ating mga kilos at pasiya ang mga bagay na may halaga sa atin.
ANG KAUTUSANG WALANG PASUBALI (CATEGORICAL IMPERATIVE)
- Dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari niyang gawing pangkalahatang batas ang paninindigan.
- Paninindigan - ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.
- Itinatakda nito ang kilos bilang isang tungkulin at mabuting dapat gawin.
- Ayon kay Confucius, mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng tao.
- Itinuturing niya na matibay na batayan ng moral na kilos ang reciprocity o reversibility.
- Lukas 6:31 - "Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila."
- Propeta Muhammad (Hadith) - "Wala ni isa man sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga't hindi niya ninanais sa kaniyang kapatid ang nais niya para sa kaniyang sarili."
- Ang gawain ay mabuti kung ito ay reciprocal (pagkakatugunan).
- "Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin."
- Ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin ito.
- Bilang batayan sa pagkamabuti o pagkamasama ng isang kilos, inoobliga ng Kautusang Walang Pasubali na gawin ang tungkulin sa ngalan ng tungkulin.
- May mga kilos ang tao na dahil sa kaniyang hilig (inclination) at hindi dahil ito ay isang tungkulin (duty).
- Ang pagganap sa tungkulin ay ginagawa dahil sa ito'y tungkulin, na siyang itinuturing na mabuting kilos.
DALAWANG PARAAN PARA SA PAGTAYA NG DAHILAN NG KILOS
2. Gawin sa sarili ang gagawin sa iba (reversibility)
- Maaari bang ilapat ang paninindigang ito sa iba tulad ng paglapat mo nito sa iyong sarili?
- Inaasahan na dapat mangibabaw ang paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa kanilang pagkatao bilang taong may dignidad, hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang layunin mismo.
- Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang pagbibigay-halaga sa kaniya bilang rasyonal na indibidwal.
1. Maisapangkalahatan (universability)
- Maaari bang maging paninindigan ng iba ang paninindigan ng isa sa parehong sitwasyon?
- Maaari bang ilapat ang paninindigan sa isang sitwasyon sa mga kapareho nitong sitwasyon?
- Ang paninindigan ay tungkulin na kailangang gampanan.
- Ayon kay Kant, anuman ang sitwasyon, kailangan mong bumuo ng isang paninindigan bilang tugon mo sa sitwasyon.
- Ang pangkalahatang paninindigan ay maaaring maging paninindigan ng iba sakaling maharap sila sa parehong sitwasyon.
design by Dóri Sirály for Prezi