- Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang akitin ang mambabasa.
- Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos at malinaw.
- Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip...
- gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simula.
- gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba.
- gumamit ng magkatulad na kalagayan.
- banggitin ang pinagmulan ng mga inilalahad na kalayagan.
- Tapusin nang naangkop.
- Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at ang wakas.
- Gawing maikli lamang.
- Iwasan ang unang panauhan sa pagsusulat.
- Isulat nang payak lamang.
- Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagpapasya.
- Sunduin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat-kaisahan (unity), linaw (charity), pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin (emphasis).
EDITORYAL O PANGULONG TUDLING
Vol XLVII, No. 48
PhP 0.00
Paano mo maaring maipahayag ang iyong opinyon o pananaw?
Editoryal o Pangulong Tudling
- Pasalita
- Pasulat
- Karikatura
Ano nga ba ang editoryal?
Kahalagahan ng Editoryal
Bakit mahalaga ang isang editoryal?
- Ang editoryal ay bahagi ng pahayagang nagsasaad ng kuru-kuro ng pahayagan tungkol sa isang isyu. Ito ang tinig ng pahayagan, nagbibigay ng kaalaman, nagpapakahulugan, humihikayat, at kung minsa'y lumilibang sa mambabasa.
- Ito ay naglalaman o naglalahad ng mga reaksyon, pananaw, at kuro-kuro ng editor o patnugot ng pahayagan tungkol sa mainit na isyu o mainit na pangyayari sa bansa.
- Ito ay maaring ukol sa edukasyon, pulitikal, sining, pamahalaan, at napapanahong paksa.
- Ito rin ay matuturing paninindigan ng isang pahayagan, organisasyon, grupo, o institusyon tungkol sa iba't-ibang isyu kaya matuturing itong politikal sapagkat ang lahat ay may opinion.
1. Ito'y naglalaman ng isang
masusing pagbibigay ng
kuru-kuro o pala-palagay sa
mahahalaga at
napapanahong isyu.
2. Naglalayon itong
magpabatid, magbigay ng
kahulugan, at makalibang.
Ang sumulat ay nagbibigay
ng kuru-kuro alinsunod sa
patakarang pinaiiral ng
patnugutan.
3. Kailanman, ang editoryal ay
hindi namumuna o nanunuligsa
upang makasira kundi upang
magkaroon ng pagbabago.
4. Nagbibigay ng impormasyon at
kaalaman.
5. Hinihiyakat ang mga
kinauukulan na kumilos.
6. Minumulat ang mga mata ng
mambabasa.
Ang opinyon free yan… Ok lang magbigay ka kahit kelan, kahit saan, kahit sa anong paraan basta tandaan mo lang maging sensitibo ka sa pagbibigay nito. Kung alam mong makakasakit ka try mong itago na lang yan, o kung talagang di mapigilan ang matabil mong dila, try mo lang na ayusin o pagandahin, yung tipong di ka makakasakit pero naibigay mo ung gusto mong iparating.
-Bob Ong
Layunin ng Editoryal
Bahagi ng Editoryal
Uri ng Editoryal
Ano ang gustong gawin ng isang editoryal?
Ano ang iba't-ibang bahagi ng editoryal?
Ano ang iba't-ibang uri ng editoryal?
- Magpabatid o Magpakahulugan
- Manghikayat
- Magbigay-puna
- Magbigay-puri
- Manlibang
2. Nagpapakahulugan
Binibigyan katuturan ang mga isyu at pinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ang kanilang layunin.
Halimbawa: Ano ang kabutihang maidudulot ng pagplaplano ng pamilya?
1. Nagpapabatid
Ipinaaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang kahalagahan niyon o magbigay linaw ang ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
Halimbawa: Ano ang nilalaman ng Memorandum?
Paghahanda sa Pagsulat ng Editoryal
Ano ang kailangan ko sa isang editoryal?
Panimula
- Balitang batayan
- Tala o detalye ng paksa
- Reaksyon sa balita
- Maikli lamang
Katawan
- Naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban o sang-ayon sa paksa.
- Kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa
- Layunin ng sumulat ng editoryal
Pangwakas o Panapos
- Maaring isang pagpapatibay sa mga kuro-kuro,
- Mga tagubilin o mga mungkahi sa tinatalakay na isyu.
3. Nakikipagtalo
Ang tanging layunin ay hikayatin ang mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.
Halimbawa: Dapat magplano ng pamilya.
4. Namumuna
Kapwa iniharap ng sumulat ang mabuti at masasamang katangian ng isang isyu.
Halimbawa: Ang aborsyon, dapat bang bigyan ligalisasyon?
- Magkaroon ng tiyak at kawili-wiling paksang tatalakayin
- Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa tatalakaying paksa
- Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa.
6. Nagpaparangal
Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa.
Halimbawa: Sergio Osmena Sr., kapurihan ng Cebu
5. Naghihikayat
Binibigyang-diin nito ay ang mga mabisang panghihikayat.
Halimbawa: Itaguyod ang proyekto ng Punong-Guro.
Panimula ng Editoryal
Paano maaring simulan ang editoryal?
- Anekdota
- Kasabihan
- Sawikain o salawikain
- Impormasyon mula sa balitang narinig o nabasa
- Isang awtobiyograpiya
- Isang tanong
- Isang kwento
- Isang karanasan
7. Nagpapahayag ng Natatanging Araw
Ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon.
Halimbawa: Pasko na naman
8. Panlibang
Sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa'y
sentimental at karaniwang maikli lamang.
Halimbawa: Bagong teknolohiya
9. Panagano
Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo at hindi nagpapaliwanag.
10. Bakasan
Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba't ibang paaralan
at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan
Halimbawa: Pagtaas ng matrikula, wag pairalin
Ano ngayon ang mga dapat kong gawin?
Mga Palatuntunan sa Editoryal