Loading…
Transcript

Di-Ganap na Kompetisyon

a.)may hadlang sa pagpasok ng prodyuser sa industriya

b.) may kumokontrol ng presyo

c.) mabibilang ang dami ng mamimili at nagbibili

Maari itong uriin bilang:

Monopolyo

-Ang industriyang may iisang prodyuser lamang ng produkto o serbisyo na walang malapit na kapalit at ang pagpasok ng mga potensyal na kakompetisyon ay lubhang mahirap.

1. Kakayahang hadlangan ang kakompetensya

-Taglay ng monopolyo ang puwersa na kontrolin ang bilihan ng produkto

-Maaari nitong pigilan ang mga kalaban sa pagkamit ng mas malaking tubo sa maraming paraan

2. Iisa ang prodyuser

-Makapangyarihan ang prodyuser na ito sapagkat kontrolado niya ang mga bilihin at kaya niyang itakda ang presyo sa pagnanais niya

-Walang direktang kakompetensya ang mga monopolista

3. Walang pamalit

-Ang mga produktong ipinagbibili dito ay mga walang kauri o malapit na kapalit, kaya madali nilang nakokontrol ang demand ng produkto

Mga Dapat Tandaan:

  • Patent-ang eksklusibong karapatan ng imbentor na magprodyus at magbenta ng bagong produkto o makinarya sa isang takdang panahon
  • Copyright-isang legal na proteksyon na ipinagkakaloob sa gumagawa at naglalathala ng mga aklat, computer software, video at komposisyong musikal laban sa pangongopya ng iba
  • Franchise-pahintulot mula sa pamahalaan
  • Monopolista-tawag sa nag-iisang prodyuser ng produkto sa pamilihan
  • Batas sa Intellectual Property Rights-batas upang mapangalagaan ang karapatan ng taong nagbibigay ng kontribusyon sa kaalaman. Kasama rito ang paggawad ng eksklusibong karapatan sa pagbebenta ng mga produkto ng tuklas-kaalaman

Pagtatakda ng Presyo at Lebel ng Produksyon

  • May kapangayarihan ang mga monopolista na kontrolin ang presyo at dami ng produkto.

-Isinasaalang-alang ang mga gastusing pamproduksiyon.

-Hindi laging hinahangad ng monopolista ang pinakamataas na presyo upang matamo ang pinakamalaking tubo sa pagsu-supply ng produkto.

-Inaalam ang lebel ng produksiyon na may pinakamalaking tubo sa paraang MR=MC.

-Ang pagpepresyo ng produkto ay batay sa lebel kung saan matatamo ang pinakamalaking tubo.

*optimum level-kung saan matatamo ang pinakamalaking tubo at ang MR at MC ay pantay

*break even-sitwasyon kung saan ang prodyuser ay walang nakamit na tubo

Monopsonyo

-Kabaligtaran at katumbas ng monopolyo sa panig ng demand

-Maraming nagsusuplay o nagbebenta ngunit mayroon lamang iisang mamimili o konsyumer ng produkto na may kumpletong kontrol sa panig ng demand ng pamilihan

-Sa monopsonyong pamilihan, maipapakita ng konsyumer ang kanyang kapangyarihan at puwersa sa pamilihan

Mga Katangian ng Monopsonyo

1. Kailangan ang mga produkto o serbisyo

-Karaniwan itong mga serbisyong panlipunan

2. Iisa ang konsyumer

-Maraming suplayer ngunit isa lamang ang mamimili sa pamilihan

-Dito nakikita ang tunay na kapangyarihan ng konsyumer sa pamilihan

3. May kakayahang magtakda ng presyo

Halimbawa sa Monopsonyong istruktura ng Pamilihan

Maraming Salamat!

a. Monopolyo

b. Monopsonyo

c.Monopolistikong kompetisyon

d. Oligopolyo

Mga Katangian ng Monopolyo