Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ito ang kolektibong katawagan sa mga entidad o institusyong tagapagbalita: radyo, telebisyon at diyaryo na nadagdagan ng dalawa pang anyo, ang pelikula at Internet.
Ito ang tagasilbing tagapamagitan ng dalawang ibayong entidad pulitikal na partikular sa bansa: Burukrasya at ang kalakhan ng mamamayang siya namang nagsisilbing paunang tapagtaguyod ng anumang produktong iniaalok ng midya, partikular na ang impormasyon sa porma ng balita, patalastas at paglilibang.
Pangunahing wika na ginagamit sa ng media sa kasalukuyang panahon.
Ang paggamit ng wikang Filipino ng media ngayon, at ang kaakibat na pagpapalaganap nito, ay hindi dahil sa pagnanais ng media na mapalaganap ang wikang pambansa kundi upang maabot nito ang pinakamalawak na antas ng mga manonood at tagapakinig , para tumaas ang ratings ng isang programa, at sa gayo’y magkamal ng malaking salapi ang mga prodyuser.
Dahil ang estilong mga ito ay neo realismo, binibigyang diin ang makatotohang paglalahad ng lahat ng uri ng realiidad sa Pilipinas, saan mang sulok ng bansa ito manggaling.Dahil dito, nakakaambag ito sa paglago ng wikang Filipino dahil sa mga bagong salitang kaakibat ng mga bagong paksaing na ito. Mas mahalaga,nagagamit ng indie film ang wikang Filipino sa paglalahad ng mga katotohanang personal at panlipunan sa paraang nagbibigay ng impormasyonat pagkaunawa at gumagamit ng perspektibang kritikal sa mga paksaing ito,bagay na hindi nagagawa ng pelikulang komersiyal.