Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Batay sa pag-aaral ni Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay may kaugnayan sa pakikibahagi o paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalung-lalo na ang panghahalay. Kadalasang ang tema ng mga mahahalay na palabas na ito ay nakapagpapababa sa pagkatao ng mga babae. Sila’y sinasaktan o pinahihirapan sa karamihan nito. Wari ba’y kinamumuhian sila kung tratuhin sa mga palabas na ito. Ang mga kalalakihang nanonood ng palabas na malaswa ay nagkakaroon ng pagkamanhid sa pananaw nila sa mga kababaihan. Nagiging animo’y mga bagay lamang ang mga ito. Nagiging mababaw din ang pagtingin nila sa kasal. Ang pinakamalala, ang panghahalay ay hindi na nila tinitingnan bilang isang krimen. Ayon pa rin kay Iyoob (2008) may mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay nakararanas lamang ng sekswal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya at pang-aabuso sa sarili (masturbation) at hindi sa normal na pakikipagtalik. Sa Amerika, isa sa itinuturong nagiging dahilan ng diborsyo o paghihiwalay ang tinatawag na sexual dysfunction na kaugnay nito.
Ang mga emosyonal at pangkaisipan na epekto ng pre-marital sex ay nakababahala din. Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon para sa isang babae ay maaaring maging sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina, ayon sa sikolohistang si Joan Kinlan. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng depresyon o labis na kalungkutan. Pakiramdam nila ay marumi sila at nagamit. Maraming mga kabataan ang hindi nakakayanan ang ganitong pakiramdam kung kayat nalululong sa alak o bawal na gamot.
Ayon sa pinakahuling sensus, may 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa grupong kinse hanggang bente kwatro anyos. Tatlumpung porsyento (30%) ng mga sanggol na ipinanganganak sa bansa ay isinisilang ng grupong ito. Bago pa man sila tumuntong ng bente anyos, dalawamput limang porsyento (25%) ng mga kabataang
babae ay nagiging mga ina na. Maaaring dahil sa kahihiyan at sa pangamba sa mabigat na responsibilidad na kaakibat ng maagang pagbubuntis, nakagagawa ang maraming kabataang babaeng isang kalunos-lunos na krimen: ang pagpapalaglag o aborsyon.
Ang sekswalidad ay ang kabuuang katauhan ng isang indibidwal o nilalang. Ito rin ang pagakakaranas sa sarili kung ano ka bilang tao, lalaki man o babae. Ang kasarian ay tumutukoy sa pagiging lalaki o babae. Malaki ang impluwensiya ng sekswalidad ng tao, babae o lalaki man, sa pagkilala at lubusang pag-unawa ng sarili. May kinalaman ito sa paghahanap ng kahulugan niya bilang tao o ng kanyang
true self.
1. Tinatanggap nila at pinauunlad ang kanilang pagkababae o pagkalalaki. Ipinagmalaki nila ito at hindi ikinahihiya.
2. Ginagampanan nila ang mga natatanging tungkulin na inaasahan sa kanila bilang babae o lalaki.
3. Iginagalang nila ang kasarian ng iba. Kinikilala nila ang prinsipyong magkatuwang ang babae at lalaki; hindi nila tinitingnan na mas mataas o mababa ang isang kasarian.
4. Nagpapasalamat sila sa Diyos sa pagkakalikha sa
kanila bilang lalaki o babae.
1. Tanggapin ang pagiging babae at lalaki. Alamin ang kahalagahan mo bilang babae o lalaki.
2. Magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga kaibigan, pareho man o katapat ang kasarian.
3. Magbasa ng mga makabuluhang magasin at manood ng mga palabas sa telebisyon o sine na may kinalaman sa iyong pagiging babae at lalaki.
4. Sumali sa laro o isports na magpapalakas ng iyong pangangatawan at kaisipan.
5. Higit sa lahat, isipin na ang Diyos ay may layunin kung bakit nalikha kang babae at lalaki. Igalang ang layunin ng pagkalikha ng Diyos
sa iyo.
Marami na ang pag-aaral tungkol sa masamang epekto ng pornograpiya sa kalusugan ng isipan, lalung-lalo na sa mga kabataan. Ano ba ang pornograpiya? Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa. Ayon sa mga eksperto, ang epekto nito sa maraming tao ay nagsisimula sa mababaw hanggang sa lumala at maging sugapa na dito.
Ang Sekswalidad ng Tao
Ano nga ba ang sekswalidad? Ang sekswalidad ng tao
ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Hindi
ka magiging ganap na tao maliban sa iyong ganap na pagiging
babae o lalaki. Maaari ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o
pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao.
Halimbawa, may kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki
sa papel na ginagampanan mo sa pamilya at sa lipunan. Sa
pamilya, babae lang ang maaaring maging ina, ate, lola, o tiya;
at lalaki lang ang puwedeng maging ama, kuya, lolo o tiyo. May mga gampanin din na kakaiba sa lalaki o babae ayon sa dikta o pamantayan ng lipunan o kulturang kinamulatan.
Ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa iyo nang ikaw ay ipanganak –o noong una kang makita sa ultrasound imaging ng iyong magulang - ay ang iyong pagiging lalaki o babae. Ito ang unang itinatanong sa doktor ng mga magulang mo at
itinatanong naman sa magulang mo ng ibang tao tungkol sa iyo. Ngunit ang pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay hindi nakikita lamang sa pisikal o bayolohikal na kakanyahan niya. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang mismong katauhan niya. Gayonpaman kailangang tanggapin at igalang natin ang ating katawan,
dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng ating pagkatao.
Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o
pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap
ang pagkababae o pagkalalaki. Kung hindi mapag-iisa ang
sekswalidad at pagkatao habang nagdadalaga o nagbibinata,
magkakaroon ng kakulangan sa kaniyang pagkatao pagsapit ng sapat na gulang (adulthood). Sa isang taong nasa sapat nang gulang, ang kakulangan na ito ay maaaring magkaroon ng manipestasyon bilang kawalan ng kumpiyansa sa sarili, mga karamdamang sikolohikal o karamdaman sa
pag-iisip, at mga suliraning sekswal. Sa ngayon nasa proseso ka ng pag-iisa o pagbubuong ito. Kailangan mo ang masusing pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat na pagpapasiya at
angkop na pagpili upang makatugon sa hamong ito.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng
tao bilang tao. May dalawang daan patungo dito – ang pag-aasawa at ang buhay na walang asawa (celibacy).
“Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang
magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng
pagmamahal sa mundo ang likas na nagpapadakila sa tao.”
(Banal na Papa Juan Paulo II)
Ang pornograpiya rin ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang
makuha ang kanilang mga bibiktimahin. Ang pedophiles ay mga lalaki o babae nanasa hustong gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga bata at paslit. Nilalason nila ang isipan ng mga bata sa pamamagitan ng pornograpiya upang maging madali sa kanilang akitin ito na pumayag sa kanilang mga sekswal na pagnanais. Dagdag pa sa panganib ng pornograpiya sa internet at sa mga piniratang palabas na tinda sa mga bangketa, karamihan ng mga pelikulang drama o aksyon na ipinalalabas sa mga sinehan at sa telebisyon ay mayroong mahalay na eksena. Ito nga ang nanghihikayat sa mga kabataan na panoorin ang mga ganitong palabas. Maging sa pelikulang pampamilya ay mayroong eksenang sekswal ang tema. Maging ang ilang mga cartoon o anime na palabas mula sa Hapon ay mayroong malalaswang paglalarawan sa kababaihan, halikan at mga eksenang sekswal ang nilalaman. Ang mga mahahalay na eksenang ito ay pumupukaw ng mga damdaming sekswal sa mga kabataang wala pang kahandaan para dito. Ang mga damdaming sekswal na ito ay nakalilito at labis para sa kanilang murang edad.
Sa tamang panahon, ang mga isdang salmon ay
nangangailangang iwan ang karagatan upang maghanap
ng ilog. Mula dito sila’y lumalangoy pasalubong sa agos ng
tubig paakyat ng bundok. Sinasagupa nila ang
rumaragasang tubig at lumulundag paakyat sa mga talon.
Kadalasan sa labis na pagod, marami ang namamatay.
Ngunit ang mga natitirang buhay ay nagpapatuloy hanggang makarating sa kanilang destinasyon, ang pinag-ugatan ng ilog at sapang kanilang nilangoy. Sa malinis na tubig sila’y nagpapares-pares, babae at lalaki. Magsasanib ang punla ng lalakingsalmon at ang itlog ng babaing salmon at sa maikling panahon ay mapipisa ang mgaitlog sa malamig na tubig at magkakaroon ng maraming supling na salmon nalalangoy pabalik sa dagat. Marahil maitatanong mo kung bakit ginagawa ito ng mga salmon. Ang mga salmon, ikamatay man, ay patuloy na susundin ang dikta ng kanilang kalikasan
(instinct), sa pagkakataong ito ay nangingibabaw ang tinatawag na sex drive o katutubong simbuyong sekswal.
Edukasyon sa Pagpapakatao -
Modyul 13
Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng emosyon. Kapag nakakilala ka ng isang tao na sa iyong pamantayan ay nakaaakit, natural lamang na an g una mong naging batayan ng paghuhusga ay ayon sa iyong mga pandama. Maaaring sa una ang nakapupukaw ng iyong interes sa kaniya ay ang ganda ng kaniyang mukha, katawan, kilos, pananamit o kaya’y talento at hindi ang kaniyang pagkatao; dahil nga hindi mo pa naman siya lubos na nakikilala. Katunayan nga minsan dahil hindi naman kayo nagkakaroon ng pagkakataon na magkasama, at lubos na magkakilala, nawawala rin
kaagad ang interes mo sa kaniya. O kaya naman naroon Ang mahalaga, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang iyong nararamdaman ay paghanga lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.
lang ang interes kapag kasama mo o nakikita siya. O di kaya’y may nakita kang bagay na hindi mo nagustuhan sa kaniya. Nalaman mo halimbawa na mabaho pala ang hininga niya.
May mga pagkakataon naman na ang paghanga ay mas masidhi o sabi nga “intense”. Hindi ka makakain, hindi makatulog, palagi mo na lamang siyang naiisip. Gusto mong lagi
siyang nakikita. Gusto mong lagi siyang nakakasama. Wala kang makitang kapintasan, perpekto ang tingin mo sa kaniya. Nakatutunaw ang mga tingin niya at nakakapaso ang dampi ng palad niya. Siguradong-sigurado ka na siya na ang mamahalin mo habang buhay. Pagmamahal na nga kaya ito? Huwag malungkot o madismaya kung sabihin man sa iyo ng mga nasa hustong edad at nakaranas na nito – hindi ito ang tunay na pagmamahal na pinaghahandaan mo.
Sa panahon ngayon, ang unang paghanga sa katapat na
kasarian ng isang nagdadalaga o nagbibinatang tulad mo ay para
sa mga artista, mga mang-aawit o mga sikat na atleta o mga
celebrity. Paano nga kasi, ang pang-araw-araw na buhay ng
maraming tao ngayon ay nakababad sa media: sa telebisyon, sa radyo, sa pelikula, magasin, sa internet at ngayon, pati sa mga naglalakihang billboards sa kalsada. Kahit saan ka pumunta, ang media ay isang reyalidad na hindi maiwasan. Ang pamantayan tuloy ng kung ano ang kaakit-akit at kaibig-ibig ay kadalasang ayon sa impluwensya ng media. Kaya nga, madalas ang mga nagiging “crush” mo o
hinahangaan ay iyong may pagkakahawig o may pagkakatulad sa isang celebrity na iniidolo. Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal. Ang totoo maaari naman talaga itong maging simula o pundasyon ng isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon. Kailangan lamang ng tamang
integrasyon ang nararamdamang senswalidad at damdamin.
Anuman ang itinakdang kasarian, babae o lalaki ka man ay may mga natatanging gawain na nakaatang. Masasabi na may malaking kaugnayan ito sa pagkakamit ng kaganapan ng bawat indibidwal. Tinawag ng Diyos ang tao upang magmahal at buong pusong maghandog sa pamamagitan ng pinagsanib na katawan at ispiritu na taglay ng bawat isa. Ang katawan ng tao, kasama ang kanyang itinakdang kasarian – ang pagiging lalaki at pagiging babae, ay hindi lamang instrumento sa pagpaparami at pagtiyak ng pagpapatuloy ng bawat salinlahi, kundi ito rin ay daan sa pagpapahayag natin ng pagmamahal. Dahil dito, ang tao ay nagiging handog sa kanyang kapwa. Dito nabibigyang kaganapan ang kahulugan ng ating buhay at pagiging tao.