Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading content…
Loading…
Transcript

Ang teknikal na pagsulat ay karaniwang mayroong limang (5) teknik: Definisyon, Klasipikasyon, Partisyon, Deskripsyon ng mga mekanismo at Deskripsyon ng mga proseso.

Definisyon:

May pangangailangan ang teknikal na sulatin sa pagbibigay definisyon ng mga teknikal na ginagamit sa loob ng texto.Maaring hindi pamilyar sa mga mambabasa ang mga salitang ginagamit.Mayroon dalawang uri ng definisyon: ang informal at formal.

1.Informal na Definisyon

Kinapapalooban lamang ito ng pagtutumbas ng isa o dalawang salitang singkahulugan ng terminong teknikal na ginagamit sa report. Ito ang mga singkahulugang salita na pamilyar sa mambabasa.

2.Formal na Definisyon

Ito ay may tatlong bahagi: Termino,

Kategorya at Katangian. Ang termino ay tumutukoy sa salitang binibigyang kahulugan; ang kategorya ay kung saan kabilang na grupo o antas ng termino; at ang katangian ay kung ano ang kaibhan ng termino sa kapareho nitong grupo.

Klasifikasyon

Ito ay sistematikong proseso ng paghihiwa-hiwalay ng mga material ayon sa kanilang uri o klase. Bukod sa paguuri-uri ng mga datos o paksa, ay may mga pagkakahawig ng yunit ay pinapangkat din bilang subtapik o subklas na nasa ilalim ng mas malaking Klase.

Partisyon

Ang paghimay-himay ng isang aytem tungo sa mga aspekto,bahagi o hakbang ay may tinatawag na partisyon.

Deskripsyon ng mekanismo

Ito ay pagtitipon o pagkakabit ng mga de-tanggal(movable) na bahagi upang makabuo ng isang dienyo o gamit na siyang layunin nito. Ang halimbawa nito ay ang pagbubuo ng cellphone, refrigerator, aircon. Nakasulat ditto kung paano sila mabubuo at paano magagamit.

Deskripsyon ng proseso

Kinapapalooban ng mga hakbangin upang makalikha ng isang bagay. Upang ang mga hakbang ay epektibong magamit, gumamit ng viswal na pantulong. Ang pagtatalakay sa ekwipment at material na gagamitin ay kasama sa deskripsyon ng proseso.

The End

Pangunahing Teknik

sa Teknikal na Pagsusulat

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi