Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ghana o ibig sabihin na "lupain ng mga itim" sa Africa.
Ang mga sinaunang tao sa Ghana ay mga Soninke. Sila ay masisipag na negosyante at ang kanilang paninda ay asin, ginto, at bakal na kanilang ipinagpalit naman sa garing (ivory) at mga alipin.
Ang paggamit ng bakal ay nakatulong nang malaki sa pagpapaunlad ng imperyong Ghana. Noong 300 BCE, ang mga tagagamit, tulad ng mga sandatang kahoy, buto at bato. Ito ang dahilan ng pangunguna ng Ghana sa larangan ng militar at sa loob ng 300 taon ay napasakamay ng Ghana ang malaking bahagi ng Kanlurang Africa.
Ang mga pangunahing lungsod
ng Ghana ay binubuo ng
Djenne, Timbuktu at Koumbi.
Lumaganap ang islam sa buong hilagang Africa noong 700CE. Naging Muslim din ang ma Berber. Noong 1055CE, isang pangkat ng mga Berber, ang mga Almoravid, ang sumakop sa Ghana, ngunit umabot ng dalawangpu't isang taon bago nila nasakop ang lungsod ng Koumbi. Sinira nila ito at ang iba pang lungsod ng imperyo. Sapilitan nilang kinolektahan ng taunang buwis ang mga tao at pinasanib sa Islam. Dulot nito, maraming taga-Ghana ang lumikas sa ibang pook upang hindi mapilit na sumapi sa Islam.
Ang Koumbi ay ang kabiserang lungsod ng Ghana. Dito matatagpuan ang palasyo ng hari pook tanggulan, mga gusaling napapaligiran ng matataas na pader at ang sentro ng kalakalan na kinaroroonan ng mga pamilihan at tirahan ng mga negosyanteng mga muslim, maharlika, at manggagawa.
Ang Timbuktu ang sentro para sa mga caravan na tumatawid sa Sahara. Ito rin ang sentro ng kalakalan at edukasyon.
Maikli ang panahon ng pananakop ng mga Almoravid sa Ghana. Nag-aklas sakanila ang mga tao at naitaboy sila mula sa Ghana. Dahil dito ay muling naging isang sentrong pangkalakalan ang Ghana, Gayunman, hindi ito pinamumunuan ng isang haring katutubo, kung kaya't iba't ibang pinuno ng mga tribo ang namahala sa mga bahagi ng matandang imperyo. Noong 1420CE, ang Ghana ay naging bahagi na lamang ng imperyong Mali.
Ang Djenne ay sentro ng koleksyon ng ginto at alipin.
Dahil sa pakikipagugnayan ng mga taga-Ghana sa mga mangangalakal ng Arab, marami sa kanila ang nahikayat sa Islam. Malaya ang mga iskolar ng muslim na mangaral ng mga ideya mula Sankoran at Silay nagtayo ng mga paaralan sa mga lungsod ng imperyo.,
Nakikipaglaban at nagtatrabaho para sa kanilang hari at imperyo ang mga taga-Ghana.