Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
1. Pastoral
2. Elehiya
3. Soneto
4. Oda
5. Awit
6. Dalit
Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. paglagay ng komplikado sa simple
Sa Pilipinas ito’y tulang naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalag sa gawain at pamumuhay sa bukid.
halimbawa: halika sa bukirin ni Milagros B. macaraig
Isang tula ng pamamanglaw na medaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa. Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandal ay agad lumipas.
Halimbawa: Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus
Isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa: Soneto ng buhay ni Fernando B. Monleon
Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula.
Halimbawa: Tumangis si Raquel
Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot, at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punung-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang sinisinta.
Halimbawa: May isang pangarap ni Teodoro Gener
Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol ang dalitsamba at dalitbansa ay itinututring nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan.
Halimbawa: Halika sa Bukirin niMilagros Macaraig
Sukat
Tugma
Talinghaga
kariktan
Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8, 12, at 16 na pantig o sukat.
Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, a-b-b-a, o kaya ay a-a-b-b.
ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, tugma at hindi tula ang binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.
ito y ang malinaw at di malilimutang impresyong na nakikintal sa isipan nang mambabasa. Mahusay ang tula kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.
Ang tinig ng ligaw na gansa
nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi,
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.
Salamat :)