Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Kantahin ang bahay kubo ng sabay sabay
Bunga ng mga halamang gulay na nakukuha sa ilalim ng lupa.
Ang kamote ay may creamy texture at matamis na lasa.
Ang gabi ay kilala bilang bungang ugat na madalas sinasahog sa maraming putahe. Ang halaman nito ay may katamtamang taas, may malalapad at hugis puso na dahon, at may maputing bulaklak. Madali itong tumubo saan mang lugar sa bansa lalo na sa mga mapuputik na lupa.
Ang ube o ubi ay isang uri ng halamang-ugat na inaani mula sa ilalim ng lupa. Kulay lila ang matamis na halamang-ugat na ito na karaniwang ginagamit sa paghahalaya.
Ang luya ay isang bungang-ugat na kilalang pampabango o pampalasa sa mga pagkain. Kilala itong natural na halamang gamot na ginagamit na noong una pang panahon.
Ang patatas ay isang karaniwang halaman na tinatanim sa mga taniman sa maraming lugar dahil sa bungang-ugat nito na maaaring kainin. Itinatanim ito sa matataas na lugar, partikular sa kabundukan ng Cordillera at Mindanao. Ang halaman ay maliit lamang at may bulaklak na maaaring kulay puti o lila.
Mga gulay na ang bunga ng tanim ang iniluluto at ating kinakain.
Ang ampalaya ay kabilang din sa mga bungang gulay. Ito ay masustansiyang gulay subalit ito ay mapait kapag kinain.
Ang Okra ay isang halaman na kilalang gulay na nakakain ang mga buto. Ito ay madulas kapag iyong kinain.
Ang upo ay malambot kapag kinain. Ang gulay na ito ay gumagapang kadalasan ang mga nagtatanim nito ay naglalagay ng balag upang dito na tumubo.
Ang halaman ng kalabasa ay gumagapang at nagbubunga ng bilugan at may madilaw na laman. Ito ay pinakakilala dahil sa bunga nito na karaniwang gulay sa bansa. Namumulaklak ito ng dilaw at madaling tumubo sa maraming maiinit na lugar kabilang na ang Pilipinas.
Ang sitaw ay namumulaklak na parang paru-paro. Mahahaba ang bunga ng sitaw.
Ang talong ay isang kilalang gulay na karaniwang kinakain ng mga Piipino. Ito ay mula sa maliit lamang na halaman na nababalutan ng nakatutusok na balahibo.
Mga gulay na madahon na ating kinakain. Maaari itong kainin ng luto o sariwa.
Ang pechay ay isang pinaka paboritong kainin ng mga Pilipino.
Ang kangkong ay isang halamang nabubuhay sa lupa at matubig na lugar. Ginagamit ito bilang pansahog sa mga ilang potahe na ulam.
Ang letsugas ay isang kilalang gulay na madahon at karaniwang sangkap sa mga salad at palaman sa tinapay.
Ang malunggay ay isang halaman na kilala dahil sa mga dahon nito na maaaring kainin bilang gulay. Nagbibigay ng masustansyang dahon, prutas at maraming tao ang itinuturing na ito ay tree of life.
Ang talbos ng kamote ay masustansyang gulay na hindi mahirap itanim o alagaan upang tumubo ng maayos.