Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ang Iliad

ni Homer

Pangunahing Tauhan ng

Iliad

Sino nga ba si Homer?

Isang makatang Griyego na kilala sa kanyang akdang Iliad at Odyssey.

Isang tulang epiko na nagsasalaysay sa labanang Troyano at Griyego.

Ang Iliad at Odyssey

Ang Iliad

ILIAD

ay isang tulang epikong tungkol sa salaysay ng pagsakop ng mga Griyego sa lungsod ng Troy. Mula ito sa Gresya, na isinulat ni Homer, at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga bayaning Griyego noong kanilang kapanahunan. Ito ang pinakamaaga at pinakatanyag na akda mula sa panitikan ng Gresya. Hinango ang pamagat ng Iliada mula sa Ilium (o Ilion), ang isa pang katawagan para sa Troy.

Ang Troy

Ang Troya ay isang makapangyarihang kaharian na nasa dagat na Mediterranean, isang lungsod sa hilaga-kanluran ng Asya Menor. at umunlad sa ilalim ng matagal na pamumuno ni Haring Priam.

ANG TROY

Sa kasalukuyan, ito ang pangalan ng isang pook na pang-arkeolohiya sa Hisarlik na nasa loob ng Anatolia, malapit sa dalampasigan na tinatawag sa ngayon bilang lalawigan ng Çanakkale sa hilaga-kanlurang Turkey.

Ang maalamat na Pader (moog) ng Troy

Ang Mycenaean

ANG GRESYA

Sa loob ng Gresya ay nakahimlay ang isang kahariang tinatawag na Mycenae, na pag-aari ng mga Mycenaean, na pinamumunuan ni Haring Agamemnon. Nagsimula siya ng isang kampanya upang puwersahin at gipitin ang mga lungsod o mga kahariang Griyego at sumali sa kaniya sa pagsalakay sa Troya, upang makuha ang maraming mga yaman nito.

Perseus

Ayon sa matandang mitolohiya ng mga Griyego, siya ang kauna-unahang hari at tagapagtatag ng sibilisasyong Mycenean.

Siya ay anak ni Zeus sa prinsesang si Danae.

Odyssey

ODYSSEY

Ang Odyssey ay tulang epiko ng Greece. Inilalarawan nito ang karanasan ni Odysseus sa kaniyang sampung taon na pagsusumikap na makauwi sa Ithaca matapos ang Digmaang Trojan.

Mga Pangunahing Tauhan na karamihang mula sa lahi ni Zeus

Pangunahing Tauhan

Gresya

  • Menelaus - Hari ng Sparta
  • Helen ng Sparta - Asawa ni Menelaus
  • Agamemnon - Hari ng Mycenae
  • Achilles - Anak ni Thetis at Peleus, isang magiting na mandirigmang Griyego na lumaban sa mga Troyano.
  • Patroclus - malapit na kaibigan ni Achilles
  • Odysseus - Hari ng Ithaca, isa sa mga nakipaglaban sa Digmaan ng Troy
  • Ajax, Nestor, Diomedes

Troy

  • Haring Priam - Hari ng Troy
  • Paris - isa sa mga anak ni Haring Priam, tagapagpasya ng mga Diyosa, Dumakip kay Helen ng Sparta
  • Helen ng Troy
  • Hector - Anak ni Haring Priam, magiting na mandirigma ng Troy, katunggali ni Achilles
  • Criseis
  • Briseis

Diyos at Diyosa ng Olympus

Mga Diyos at Diyosa

  • Zeus - Hari ng mga Diyos ng Olympus
  • Hera - Asawa ni Zeus, Reyna ng mga Diyos ng Olympus
  • Athena - Anak ni Zeus kay Metis, Diyosa ng Karunungan at Digmaan
  • Aphrodite - Diyosa ng kagandahan at pag-ibig
  • Eris - Diyosa ng sigalot at pighati
  • Apollo - Diyos ng Propesiya, araw at liwanag, salot at paggaling, at musika at panulaan
  • Poseidon - Kapatid ni Zeus, hari ng Karagatan
  • Hermes

Unang Bahagi

THETIS

PELEUS

Nagalit si Zeus at nakaisip ng Paraan upang malutasan ang sigalot.

APPLE OF DISCORD

(Ginintuang Mansanas ng Hindi Pagkakasundo)

"Para sa pinakamaganda sa lahat"

Unang Bahagi

Kasalang Peleus at Thetis

(mga magulang ni Achilles)

Pinag-agawan ng tatlong makapangyarihang Diyosa ng Olympus na sina Hera, Athena, at Aphrodite

Inutusan ni Zeus ang kanyang anak na si Hermes na hanapin si Paris upang mamili kung kanino ibibigay ang ginintuang mansanas

Eris - Diyosa ng sigalot at pighati

Imbitado ang lahat ng Diyos at Diyosa ng Olympus sa Pagdiriwang Maliban kay Eris

Ang Pagmamanipula ng Tatlong Diyosa

Ang Pagmamanipula ng Tatlong Diyosa

Pinangakuan ni Hera si Paris na kung siya ang pipiliin ay pagkakalooban niya ito ng malawak na kapangyarihan bilang isang kilalang hari.

Samantalang si Athena ay pinangakuan ang binata ng walang hanggang karunungan at gagawin itong isang magiting na mandirigma sa lahat.

At si Aphrodite naman ay nangakong kanyang ipagkakaloob sa binata ang pinakamagandang babae sa buong mundo na walang pagsalang iibig sa kanya; lingid sa kaalaman ng binata na ang babaeng tinutukoy ay si Helen ng Sparta na asawa ni Haring Menelaus, ang hari ng Sparta.

Ang Pakikipagsapalaran ni Paris

Bilang pagtugon sa kahilingan ng kanyang ama na si Haring Priam na hananapin ang kanyang kapatid na si Hesione ay tinungo ni Paris ang Gresya. Kabilang sa kanyang ekspedisyon ay ang dumaan muna sa Sparta bilang imbitasyon ni Haring Menelaus sa kanya bilang kabayaran sa mabuting pagtanggap ng prinsipe nang ang grupo ni Menelaus ay nagawi sa Troy para sa digmaan at upang magkaroon ng kasunduan at kapayapaan sa bawat panig.

Ang Pakikipagsapalaran ni Paris upang Hanapin si Helen

Nagkaroon ng masayang pagdiriwang sa pagtanggap ng mga Spartan sa mga Troyano at naghanda sila ng piging maging ang kanilang mga masasarap na alak ay ibinigay din sa kanilang mga panauhin.

Bilang bahagi ng kasunduan ni Aphrodite sa binatang si Paris ay inutusan niya ang kanyang anak na si Eros, ang Diyos ng Pag-ibig.

Malugod na tinanggap ng Hari ng Sparta ang mga Troyano.

Sinamantala ng dalawang nag-iibigan ang pagkakataon na wala si Haring Menelaus upang magniig at tumungo sa Troy. Bukod pa rito ay ninakaw rin ni Paris ang lahat ng mga kayamanan ni Haring Menelaus at iniuwi sa Troy.

Bahagi pa rin ng plano ni Aphrodite ay nagpadala siya ng mensahero kay Haring Menelaus upang ipasabi na ang kanyang ama na Hari ng crete ay patay na.

Agad na umalis si Menelaus patungong Crete at ipinamahala kay Helen na reyna ng Sparta ang pamamahala sa lungsod-estado; lingid sa kanyang kaalaman ang pagtataksil ng kanyang asawa at ni Paris

At dito nagsimula ang magulong pakikidigma ng mga sundalong Griyego laban sa mga mandirigma ng Troy, na kung ating iisipin ay nagmula lamang sa gulong nilikha ng ginintuang mansanas.

Ikalawang Bahagi

Ang pagsiklab ng Digmaang Troyano at Griyego

Pinulong ni Haring Agamemnon ang lahat ng magigiting na hari at mandirigma ng Gresya. Ngunit batid ni Nestor, hari ng Pylos, na hindi sila magwawagi sa mga Troyano kung wala si Odysseus, hari ng Ithaca na kilala sa kanyang taktika at pag-iisip, at ang magiting na mandirigma sa buong kapuluan ng Gresya na si Achilles.

Habang nagluluksa ang magkapatid na si Menelaus at Agamemnon sa pagkamatay ng kanilang ama, ay nakatanggap ng balita si Menelaus tungkol sa kataksilan ng kanyang asawa at ng Prinsipe ng Troy na si Paris

ODYSSEUS

ACHILLES

Ikalawang Bahagi

Nagkasundo ang magkapatid ng isang digmaan laban sa mga Troyano na may magkaibang hangarin; Ang hangarin ni Menelaus ay makapaghiganti samantalang si Agamemnon ay may hangarin na sakupin at palawigin pa ang kanyang nasasakupan (ang Mycenea)

Lubos na nagalit si Menelaus at nagplano ng paghihiganti.

AJAX

PATROCLUS

Ngunit sa pag-aamok ng dalawang panig ay dalawang babae mula sa lungsod ng Troy ang kanilang nabihag - Si Chryseis at Briseis - na parehong may malaking gampanin sa kwento ng Iliad.

Pagkamatay ni Patroclus - ang matalik na kaibigan ni Achilles

Salot na lumaganap sa kampo ni agamemnon

Napakatatag ng lungsod ng Troy sapagkat napatatag at napakatibay ng moog na pader na nakapalibot sa lungsod, kung kaya sa loob ng siyam (9) na taon ng pakikidigma ng mga Griyego ay nabigo silang pasukin at talunin ang lungsod na ito.

Si Hector at Achilles

Pagkamatay ni Hector

Pagbabalik sa Digmaan ni Achilles

Pagtatapos ng Ikalawang Bahagi:

Ang pagmamakaawa ni Haring Priam kay Achilles

Ikatlong Bahagi

Dambuhalang Kabayong gawa sa Kahoy

Ikatlong Bahagi

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi