Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
ANG
KABIHASNANG
ROMA
MEMBERS:
NORERTE,ALDRIN A.
ANCHETA, RICH NASHVILLE
AQUINO, ED ZACHARY
LUMABAN, YVAN
MONTERO, VINCE DANIEL
ACOSTA, ELLAINE GRACE
- Ang Roma ay itinatag ng dalawang magkakapatid na kambal na sina Romulus at Remus. Ang ina ng kambal ay si Rhea Silvia na anak naman ng haring si Numitor. Naging banta ang pamumuno ni Numitor sa buhay ng kaniyang kapatid kaya sya ay pinatay ni Amulius. Natakot din ang huli na baka maagaw ng kambal ang tronong nakuha nya kaya ipinag-utos nya sa kanyang alipin na ilagay sa basket ipaanod ito sa ilog Tiber. Nasagip at inaruga ang mga sanggol ng isang babaing lobo. Kinalaunan ay nakita sila ng mag-asawang sina Fausulus at Acca Larentia at pinalaki hanggang sa wastong edad. Binalikan nila ang kanilang amain na si Amulius at pinatay ito.
- Pinaniniwalaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkapatid kaya pinatay ni Romulus si Remus. Sinimulan niyang itatag ang lipunan noong Abril 21, 53 BCE na nasa tabing-ilog ng Tiber at pinagalanan itong Roma.
-Ang mamamayan ay naghahalal ng dalawang konsul na may kapangyarihan tulad ng hari. Ang pamumungkulan ay nagtatagal ng isang taon dahil sa maaari nilang kontrahin ang pasya ng bawat isa, nahati ang kapangyarihan ng mga ito, at humina ang sangay ehekutibo. Kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan sa oras ng kagipitan. Higit na makapangyarihan na tinatamasa ng diktador kaysa sa mga konsul.
PATRICIAN - Sa salitang Latin na patres na ang ibig sabihin ay "mga ama".
PLEBEIAN - Sa salitang Latin na plebeius na ang ibig sabihin ay "karaniwang tao o mamamayan".
PATRICIAN
PLEBEIAN
BATAS
- Tanyag na pinakamahusay na lehislador ang mga romano. Ang kauluhan ng Twelve Tables ay batas para sa lahat, patrician o plebeian. Nakasaad dito ang mga karapatan ng nga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.
- Si Livius Andronicus ang nagsalin ng Odyssey sa Latin samantalang sina Marcus Palutus at Terrence ang mga unang manunulat ng comedy. Sina Lucretius at Catullus ay iba pang manunulat na Romano. Si Cicero ay isang manunulat at orador na nagpahalaga ng batas Isanaad niya na ang atas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o wasakin ng pera kailanman.
- Nagpagawa sila ng nga daan at tulay upang pagdugtungin ang buong imperyo. Karamihan sa mga ito ay gimagamit pa rin sa kasalukuyan. Halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Roma at timog Italya. Nagpatayo rin sila ng mga aqueduct upang makaabot ang tubig sa lungsod.
- Natuklasan nila ang paggamit ng semento at stucco, isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Bilang palamuti, gumagamit sila ng isang marmol na kanilang inangkat mula sa bansang Greece. Sa mga Etruscan nila natuturuan ang paggawa ng arko na kadalasang makikita sa mga templo, aqueduct, at ia pang mga gusali. Ang gusaling Basilica ay isang bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng Assembly. Nagsisilibing tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap ng mga pampublikong paliguan at pamilihan na nasa forum, ang sentro ng lungsod. Ang Coliseum, isang amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator, ay isa sa mga gusaling ipinatayo ng hanggang sa kasalukuyanay makikita pa rin sa Roma.
TUNIC TOGA
LALAKI
STOLA PALLA
TUNIC - kasuotang pambahay
TOGA - kasuotang panlabas
STOLA - pantahanang kausotan
na pangibabawan
PALLA - isang pantakip na
kasuotan
BABAE
- Ang Digmaang Punic ay sa pagitan ng Roma at Carthage ay teritoryong itinatag ng mga Phoenecian sa Hilagang Africa. Ang alitang ito ay naganap dahil sa pagnanais ng Roma na mapalawak ang teritoryo at makontrol ang kalakalan sa Mediterranean.
- Dinaig ng Roma ang Carthage nang sila ay gumawa ng malalakas ng plota at sinanay ang mga sundalo na naging bihasa na tagapangasiwa nito. sa pagkapanalo ng Roma, sinako nila ang Sicily, Sardinia, at Corsica na lalong nagpalawak sa kanilang nasasakupan.
- Ang digmaang ito ay sinimulan ni Heneral Hannibal ng Carthage na nagtangkang sakupin ang Roma. Ngunit hindi ito ay natuloy dahil sinalakay ni Scipio Africanus ang hilagang Africa na dihalang sapilitang pagbalik ni Hannibal sa kanyang nasasakupan upang sagipin ito. Sa kasamaang palad, natalo si Hannibal sa digmaan na dahilan ng kanyang pagpayag sa pagwasak ng kanilang plota at pagsuko sa bansang Espanya na may kaakibat sa pagpayag ng taunang buwis sa bansang Roma.
- Nauwi ito sa pagwasak ng mga lungsod ng Carthage dahil sa pag-atake ng mga sundalong Romano. Dahil sa pagkatalo sa digmaan, ipinagbili ang lahat ng mamamayan ng Carthage bilang alipin at tuluyang sinakop ng Roma ang lahat ng lungsod at mga nasasakupan nito sa Hilagang Africa.
- Si Julius Caesar ay isa sa mga pinakadakilang Heneral ng Roma na nagawang mapalawak ang nasasakupan ng Republika sa pamamagitan ng matagumpay nyang pananakop. Idineklara siyang diktador ng Roma mula noong 46 BCE hanggang 44 BCE.
- Nilunasan nya ang mga suliranin ng Roma. nagpagawa siya ng magagandang kalsada, inayos ang ibat' ibang sangay ng pamahalaan, binigyan ng karapatan naging mamamayan ng Roma ang lahat ng taong nakatira sa Italya, naglagay ng mga kinatawan ng mga probinsya sa Senado, at sinakop na ituloy ang repormang agraryo na sinimulan ng sawimpalad na sina Tiberius at Gaius. Noong 44 BCE, nagawa niyang palusutin sa Senado ang proklamasyon bilang habangbuhay na diktador ng Imperyong Romano subalit mauwi ito sa kaniyang kamatayan nang paslangin siya nina Brutus at Gaius Cassius.
Julius Pompey Marcus
- Noong 60 BCE, binuo ni Julius Caesar, Pompey at Marcus Licinius Crassus ang unang Triumvirate. Ito ay unyon ng tatlong makapangyarihang tao na nangasiwa ng Republika ng Roma. Sa pagkamatay Julius Caesar, naging tagapagmana niya ang kanyang apo sa pamangkin ma si Octavian. Kasama sina Mark Anthony, Marcus Lepidus, at Octavian sa pagbuo ng ikalawang Triumvirate ng naglalayong maialik ang kaayusan sa Roma.
Mark
Marcus Octavian
- Umabot nang mahigit 200 na taon ang Pax Romana at ito ang natatanging panahon ng
pag-iral ng katahimikan, katatagan, at kasaganahan. Ang pamamahala, ang pagpapatupad ng batas, ang pangangalakal, ang panitikan, at sining ay nagsaiunlad noong panahong Pax Romana. Nakilala sina Virgil, Horance, at Ovid bilang dakilang makata. Naging tanyag din si Tacitus nang sinulat niya ang "Histories at Annals" tungkol sa imperyo sa pamamalakad ng mga Julian at Flavian Caesar. Si Livy namanay naging kilala isinilat niya ang kasaysayan ng Rome sa kaniyang "From the Founding of the City".
-Ito ay nagbunga sa sapilitang pagtaas ng buwis ng mga tao sa mismong Italya. Ito ay para tustusan ang mga luho ng nga opisyal. Dahil dito, nalugi ang maliliit na mga mangangalakal ng Italya at naghirap din kahit ang may malalakas ng na negosyo. Bumaba ang bilang ng mmga tao dahil sa mga sakit na dala ng mga sundalong galing sa digmaan.
- Noong 284 BC, hinati ni Emperador Dioctletian ang Imperyo ng Roma. Ipinagkatiwala niya ang kanlurang bahagi kay Heneral Maximian samantalang pinamunuan niya ang silang bahagi. Hindi gaanong pinagtuunan ng pansin ni Diocletian ang kalaban ng imperyo sapagkat nakatuon ang kanyang pansin sa paglutasng mga suliranin tulad ng kawalan ng trabaho, imlasyon, at kawalan ng mamumunuhan. Kaya unti-unting sinakop ng mga araro ang ilan sa mga nasasakupan ng imperyo na dahilan ng pagbagsak nito.