Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ang Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga / Technical Translation: Revisiting the Practice and Essentials

Higit kailanpaman, ngayon ang panahon ng pagsasalin. Bunga ito ng mabilisang pagbabagong ibinunsod ng industriyalisasyon nang ika-20 siglo na lalong umigting sa paglakas ng globalisasyon ng ika-21 siglo, isang puwersang tuluyang nagpalobo at nagpalawak sa pangangailangan sa pagsasalin ng mga teksto at dokumentong maituturing na may katangiang teknikal.

Panimula

Sapat na ba ang maisalin ang kaalaman? Ano nga ba ang pagsasaling teknikal?

Sapat na ba ang maisalin ang kaalaman? Ano nga ba ang pagsasaling teknikal?

Itinuturing na informative / referential ang mga tekstong teknikal, inaasahan na ang pagsasalin ay maging “teknikal” din ang dating; ibig sabihin, dapat “walang puso;” o ayon nga sa isang kaibigan, dapat ay “wakabu” o walang kabuhay-buhay; o sa isang salita, “boring.”

Kinakailangan na ang pagsasalin ng mga tekstong teknikal ay hindi mabahiran ng anumang damdamin; hindi dapat magkaroon ng katangiang expressive o affective. Maisalin lamang nang tama ang mga impormasyon—“sapat na.”

Isocrates

Isocrates

Some thoughts on the power of communication

(436-338 BC)

Sa pilosopong si Isocrates kung kaya’t masasabing hindi katanggap-tanggap ang alinman sa dalawang bersiyon ng salin. Maaaring sabihing interesting ang rendisyon ng salin dahil ito ay kakaiba, subalit, mahalagang ikonsider ang layo o lapit nito sa intensiyon ng teksto. Mananatili pa rin ang tanong: “sapat nga bang maisalin lamang ang impormasyon o ang nilalaman ng isang teksto?”

Bersiyong SALIN

Bersiyong SALIN 1

Bersiyong SALIN 2

Pansinin na nagbago ang tono ng materyal mula sa pagiging akademiko ng orihinal na bersiyon, naging kolokyal na halos may pagkabalbal ang naging tono ng dalawang bersiyon. Di maikakaila na dahil nabago ang varayti ng lengguwahengng ginamit, nagbago rin ang antas ng lengguwaheng na kalimitang nagbubunga ng pagbabago ng tono ng anumang sitwasyong pangkomunikasyon.

Samakatwid, kahit pa totoong nanatili ang ideya at nilalaman ng artikulo ng dalawang bersiyon, tiyak na ipagpapalagay pa rin ng marami na isa ang pagsasaling teknikal ay isang gawaing sadyang nakapokus lamang sa impormasyon, terminolohiya, at estruktura ng mga pangungusap.

Ang malala pa, may mga pangyayaring kapag napansing marunong magsalita ng wikang Filipino ang isang indibidwal, binibigyan na kaagad ng proyekto para sa pagsasalin. Basta nagpi-Filipino, puwede nang magsalin. Bunsod ito ng nakagawiang paniniwala na madali lamang ang anumang gawaing pagsasalin. Na ang pagsasalin ay simpleng pagtutumbas lamang ng mga salita mula sa simulaang lengguwaheng patungo sa anumang tunguhang lengguwaheng.

Bakit ko ibinabahagi sa inyo ang karanasan kong ito? Simple. Sapagkat, kagaya ng nabanggit na, kailangang matutuhan nating lumihis sa tradisyonal o kombensiyonal na pananaw na ang pagsasaling teknikal ay kinakailangan ding nakabatay sa mga tekstong teknikal na isinulat ng mga isteryotipo ng mga ekspertong teknikal.

Mga uri ng tekstong teknikal

Ayon pa nga kay Zethsen (2001), “Kinakailangang maging malay ang isang tagasalin sa realidad na kung tutuusin, wala naman talagang maituturing na tekstong teknikal dahil hindi naman ito isang genre; sa halip, ang mayroon lamang ay iba’t ibang uri ng mga tekstong gumagamit ng teknikal na lengguwaheng, at mga tekstong nag-uugat sa iba’t ibang disiplina.”

Halimbawa ng mga alam na nating tekstong teknikal

Narito ang ilang kalimitang halimbawa ng mga alam na nating tekstong teknikal:

(1) mga teksbuk,

(2) gabay at/o manwal,

(3) encyclopedia,

(4) mga artikulong syentipiko at akademiko,

(5) mga patakaran o pamamaraan,

(6) at iba pa.

Pansinin na higit na malawak ang saklaw ng mga tekstong nabanggit sa ikalawang batch ng mga uri ng materyal na kalimitang isinasalin. Marapat din sigurong sabihing mayroon din itong posibilidad na magkaroon ng katangiang interdisiplinari at multidisiplinari. Nangangahulugan kung gayon na hindi na lamang kung gaano katumpak ang nagging salin ng mga termino, o kung gaano kawasto ang mga mensahe at impormasyong isinalin, o kung napanatili ba ang estilo ng orihinal na teksto sa salin ang dapat maging konsiderasyon sa pagsasalin.

Estrukturang gramatikal ng materyal

Bagama’t kadalasang tinutukoy ang mga tekstong teknikal batay sa mga espesyalisadong termino o “register” na taglay nito, at sa katangian ng estrukturang gramatikal ng materyal gaya ng:

(1) laging nasa ikatlong panauhan,

(2) mahahaba at komplikado ang mga pangungusap,

(3) mahihirap ang mga salitang ginagamit at/o

malalim ang mga konseptong tinatalakay, at

(4) kalimitang gumagamit ng mga di-karaniwang anyo ng pangungusap, hindi maikakaila na higit pa sa mga nabanggit ang katangian ng inaasahang produksiyon ng mga tekstong teknikal.

I-Google Translate mo na lang!

I-Google Translate mo na lang!

Sa totoo lamang, madalas ipagpalagay na gawaing pagsasalin. Dagsa ang komersiyo subalit walang nagpapatrol. Libre nga naman kasi ang pagsasalin lalo na kapag Google translate ang gagamitin. Bunga nito, kung hindi lumalaganap ang “maling salin,” nawawalan naman ng gana ang mahuhusay sa pagsasaling teknikal dahil naririyan ding sila ay abusuhin, baratin, at hindi bayaran ng mga nagpapasalin.

Narito rin ang kalimitang tanong na kinakaharap ng mga nagsasalin at nagpapasalin: Paano ang presyuhan sa salin? Batay ba sa bilang ng pahina? Bigat ng paksa ng materyal na isasalin? Batay ba sa bilang ng salita? sa timeframe ng sabmisyon? Profayl ng magsasalin? Badyet ng nagpapasalin? Digri ng pamilyaridad ng nagsasalin sa nagpapasalin? Ilan lamang ang mga katanungang ito na kaugnay sa praktika ng salin na hindi pa rin natutugunan magpahanggang ngayon. Ito ang ugat kung bakit kahit pa sintanda ng sibilisasyon ang pagsasalin, hindi pa rin ito napo-professionalize kahit man lamang sa bansa.

Dahil kadalasan ding itinuturing ang pagsasaling teknikal bilang isang mekanikal na gawain, marami talaga ang umaasa na lamang sa mga translation softwares na nabanggit kanina. Para sa marami, kayang-kaya ng MT na makapagsalin sa Filipino ng mga tekstong teknikal.

Ang Paggamit ng Trigram Ranking bilang Metrong Pansukat sa Similaridad ng mga Wika

/ Using Trigram Ranking as Metric for Language Similarity

Trigram Ranking

Nathaniel Oco, Raquel Sison-Buban, Leif Romeritch Syliongka, Rachel Edita Roxas, Joel Ilao

Mga

halimbawang

Salin

Mga

halimbawa

sa kurso

Bersiyong MT (Google Translate)

Simulaang Lengguwaheng

Saklaw ng industriya ng mabuting pakikitungo ang iba't ibang mga hanapbuhay at maraming iba`t ibang uri ng mga negosyo, kabilang ang mga hotel, restawran, resort, at cruise ship. Ang kagalingan sa maraming larangan at malawak na pagpipilian sa karera ay ginagawang isang perpektong sektor para sa mga kamakailang nagtapos, mga mag-aaral na may sapat na gulang, at mga nagtatrabaho na propesyonal. Ang degree ng bachelor sa pamamahala ng mabuting pakikitungo ay nagbibigay ng isang malalim na pagtingin sa serbisyo ng pagkain at inumin, kasama ang mga pangunahing konsepto sa pananalapi, marketing, at pamamahala ng tauhan. Natututo ang mga mag-aaral na likhain at pangasiwaan ang mga de-kalidad na karanasan sa panauhin, kabilang ang mga pangyayaring pampalakasan, kumperensya, at mga five-star hotel.

The hospitality industry encompasses a variety of occupations and many different types of establishments, including hotels, restaurants, resorts, and cruise ships. The field's versatility and broad career option makes it an ideal sector for recent graduates, adult students, and working professionals alike. A bachelor's degree in hospitality management provides an in-depth look at food and beverage service, along with fundamental concepts in finance, marketing, and staff management. Students learn to create and oversee high-quality guest experiences, including sporting events, conferences, and five-star hotels.

Bersiyong MT (Google Translate)

Simulaang Lengguwaheng

Many students who are already employed in the field find that earning a bachelor's degree opens up new opportunities in facility operations and management. The degree is also a great option for professionals who are considering changing careers. Strengthening leadership skills through courses like public speaking, an undergraduate hospitality curriculum introduces critical concepts in public relations, marketing, and facility management. A degree may also lead to greater career mobility. Course instructors encourage students to build industry networks through on-campus associations and professional organizations. In addition, many schools maintain career centers, which provide job placement assistance, arrange internships, and help learners develop effective resumes. Whether you want a traditional on-campus college experience or prefer to take hospitality management courses online, bachelor's programs present opportunities to gain new skills and develop a specialty.

Maraming mga mag-aaral na nagtatrabaho na sa larangan ang natagpuan na ang pagkakaroon ng degree na bachelor ay magbubukas ng mga bagong pagkakataon sa mga operasyon at pamamahala ng pasilidad. Ang degree ay isa ring mahusay na pagpipilian para sa mga propesyonal na isinasaalang-alang ang pagbabago ng mga karera. Ang pagpapatibay ng mga kasanayan sa pamumuno sa pamamagitan ng mga kurso tulad ng pagsasalita sa publiko, isang kurso sa undergraduate na mabuting pakikitungo ay nagpapakilala sa mga kritikal na konsepto sa mga relasyon sa publiko, marketing, at pamamahala sa pasilidad. Ang isang degree ay maaari ring humantong sa higit na kadaliang kumilos ng karera. Hinihimok ng mga nagtuturo ng kurso ang mga mag-aaral na bumuo ng mga network ng industriya sa pamamagitan ng mga asosasyon sa campus at mga propesyonal na samahan. Bilang karagdagan, maraming mga paaralan ang nagpapanatili ng mga sentro ng karera, na nagbibigay ng tulong sa paglalagay ng trabaho, nag-aayos ng mga internship, at tumutulong sa mga nag-aaral na makabuo ng mabisang resume. Kung nais mo ng isang tradisyonal na karanasan sa kolehiyo sa campus o ginusto na kumuha ng mga kurso sa pamamahala ng mabuting pakikitungo sa online, ang mga programa ng bachelor ay nagpapakita ng mga pagkakataon upang makakuha ng mga bagong kasanayan at bumuo ng isang specialty.

Bersiyong MT (Google Translate)

Simulaang Lengguwaheng

Graduates of BS in Hospitality Management may pursue a career path in hotel, resort, events management companies, and travel and tour companies or agencies. They may apply as a front office desk clerk, travel agency staff, kitchen staff, housekeeping staff, cruise ship staff, waiter, or an accommodation assistant.

Ang mga nagtapos ng BS sa Pamamahala ng Pakikitungo ay maaaring magpatuloy sa isang landas sa karera sa hotel, resort, mga kumpanya ng pamamahala ng mga kaganapan, at mga kumpanya sa paglalakbay at paglalakbay o ahensya. Maaari silang mag-aplay bilang isang clerk ng desk sa harap ng tanggapan, kawani ng ahensya sa paglalakbay, tauhan sa kusina, kawani sa pag-aalaga ng bahay, kawani ng cruise ship, waiter, o isang katulong sa tirahan.

Pangunahing konsiderasyon sa isinagawang pagsasalin

Pangunahing konsiderasyon sa isinagawang pagsasalin

1. Pragmatiks ng salin

Pansinin na ang estilo ng salin sa pampublikasyong bersiyon ay umaayon sa kahingian ng estruktura ng pangungusap na nasa karaniwang ayos sa Filipino. Hangga’t maaari, iniwasan ang paggamit ng panandang pangkayarian na “ay” upang maging maikli, natural at madulas ang salin. Samakatwid, lihis ang estruktura ng mga pangungusap sa bersiyong ito sa estruktura ng wikang Ingles. Sa ibang salita, mas ginagamit ang estilo ng lengguwaheng ng wika ng target na mambabasa kaysa sa estilo ng lengguwaheng ng may-akda .

2. Konteksto ng salin

Ang saliksik-papel na isinumite ay bunga ng pag-aaral na kolaboratibo ng mga lumahok sa paglikom at paglilinis ng datos na ginamit para masubok ang trigram ranking. Kinailangang matiyak at masunod ang mga kahingian sa anumang pananaliksik gaya ng rekisitos sa pagbubuo ng tagasalin na matutong ikonsider ang mga tinatawag na “accomodatory situations,” na maaaring mangailangan ng tinatawag na “structural adjustments.” at kung kadalasa’y “textual manipulations.” Ibig lamang ipakahulugan ni Wils na hindi kailangang de-kahon ang pagsasalin. Malaya ang kamay ng tagasalin kung paano niya matitiyak ang kapakinabangang dulot ng materyal na isinasalin niya.

3. Intensiyon ng orihinal na awtor/salin

Layunin ng grupo ng nagsagawa ng pananaliksik at nagsulat ng artikulo na mailathala at nang sa gayon ay mapalaganap ang iba’t ibang pananaliksik na isinagawa ugnay sa MT software development para sa wikang Filipino. Ang Malay ang kaisa-isang journal sa Filipino ng DLSU- Maynila. Binibigyang konsiderasyon din ang isyu na ang mga pananaliksik ugnay sa wikang Filipino ay kinakailangang ma-disseminate at maipaabot sa kaalaman hindi lamang ng mga technical expert/s na maka-Ingles, kundi higit sa lahat, nararapat na maging ang mga guro at praktisyoner ng wikang Filipino ay maabot ng naturang kabatiran o apdeyt pangkaalaman. Ang usapin ng adbokasiyang pang-akademiko vs adbokasiya ng popularisasyon ay mataman pang sinisipat at hinihingan ng payo mula sa iba’t ibang larang.

4. Target na mambabasa ng salin

Inaasahang ang mga magbabasa ng salin ( kung sakali man at ilathala ng publikasyong Malay) ay sinumang marunong magbasa sa wikang Filipino, mga guro at praktisyoner ng wikang Filipino na maaaring nasa Pilipinas at/o ibang bansa. Kung gayon, makatwiran lamang na mas bigyang-konsiderasyon ang estilo ng pagwiwika ng mga inaasahang target na mambabasa bagama’t hindi maikakailang sa wikang Ingkes kadalasang nakaangkla ang disiplina ng teknolohiya.

Tungkol sa Ebalwasyon ng Salin

Tungkol sa Ebalwasyon ng Salin

Ayon kay Burton Raffel: “Walang perpektong salin.” Lahat ng salin ay pawang mga aproksimasyon lamang. Dahil walang perpektong estandard na maaaring gamiting batayan para sa ebalwasyon ng salin, wala ring halaga kung gayon ang pakikipagtalo kung tama ba o mali ang nagging salin dahil ang bawat pagturing sa anumang produkto ng salin ay laging kabuhol ng kultura ng orihinal na teksto na kailangang i-negotiate sa kultura ng salin.

Kung ang isasalin ay isang panalangin, marapat lamang na ito’y maging isang panalangin. Kung ang isasalin ay isang artikulong pangmeditasyon, kinakailangang ang artikulo ay makatulong sa pagsasagawa ng meditasyon ng babasa. Kung ang isasalin naman ay isang dula, kinakailangang ang salin ay maitanghal bilang isang dula. at kung ang isasalin ay isang tekstong teknikal, kailangan itong makatugon sa “utilitarian function” o halagang pangkapakinabangan nito. Sa ganitong pagtanaw, inaasahang maiiwasan natin ang paghahanap ng “mali” sa salin o ang tinatawag na “gotcha criticism” kung tatanggapin natin ang realidad na sa totoo lamang, wala naman talagang perpektong akda.

Tandaan natin na ang isang tagasalin, bago magsalin ay isa munang mambabasa. Ang produksiyon ng salin sa kabilang banda ay laging nasa kontrol ng kokunsumo nito o kung sa lengguwaheng ng pagsasalin, ang mga target na mambabasa. Aalalahanin nating muli ang mga katanungang nakaugat sa teorya ng motibo ng kapakinabangan.

Konklusyon

Konklusyon

(1) Hindi lamang pagsasalin ng nilalaman at impormasyon ang inaasahan sa anumang pagsasaling teknikal; mahalaga rin ang kakawing nitong tungkuling pangkomunikasyon na may pagsasaalang-alang sa konteksto at intensiyon ng salin, nagpapasalin, at target na mambabasa ng salin sapagkat ang mga salik na ito ang magbibigay-pahiwatig sa magsasalin kung ano ang lengguwahengng kanyang gagamitin sa kanyang salin;

(2) Hindi lamang suliranin sa pagtutumbas sa mga terminolohiya at kaaalaman sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na suliranin sa pagsasalin; mahalaga ring mabigyan ng karampatang atensiyon at pagpapahalaga ang mga usapin ng kawastuang pansemantika, kabisaan ng estilo ng mga pangungusap, at pagpapahayag na gagamitin sa salin, kahalagahan ng teksto bilang materyal na isinasalin, at mga kaakibat na daynamiks ng mga sitwasyong pangkomunikasyon nito.

(3) Walang iisa o tiyak na estilo ng pagsasalin o lengguwaheng ng pagsasalin ang makapagbibigay- garantiya sa pagsasaling teknikal; sapagkat ang isang materyal ay maaaring mabago, madagdagan, batay sa kahingian ng pag-aangkop sa sitwasyong pangkomunikasyon ng mga target na mambabasa; ang pagsasaling teknikal ay hindi usapin ng tekstong teknikal; kundi, usapin ito ng paggamit ng lengguwahengng teknikal.

(4) Tulad ng pagsasaling pampanitikan, maituturing ding isang malikhaing gawain ang pagsasaling teknikal. Mahalaga ang kakayahang pangwika, subalit mahalaga rin ang kahusayan o kompetensi ng isang tagasalin sa paghanap ng iba’t ibang pamamamaraan ng pagpapaliwanag sa kahulugan, pagtitiyak ng layunin sa pagpapakahulugan, pagtutumbas sa mga terminolohiya, at pahayag na kultural; at higit sa lahat.

(5) Kinakailangan, higit kailanpaman, ngayon ang panahon upang magkaroon ng isang ahensiya o isang sangay ng gobyerno na maaaring tumayo bilang tagapagbantay, tagapagtaguyod, tagapag- ingat, at tagapangasiwa sa mga usapin na may kinalaman sa programa at gawaing pagsasalin at ng mga nagsasalin. Totoong mabigat ang kahingiang ito sa usapin ng pagsasalin, subalit, isaalang-alang na ang papel ng wikang Filipino sa pagtataguyod ng intelektuwalisayong pangwika ay hindi matatawaran kung titingnan natin ito sa konteksto ng globalisasyon.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi