Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

PAGSULAT SA FILIPINO SA LARANGAN NG AKADEMIK

Aralin-3: Layunin sa Akademikong Pagsulat

1) Nakikilala ang Layunin sa Akademikong Pagsulat

2) Naiisa-isa ang gabay bilang hulwaran sa angkop na paraan ng akademikong sulatin.

3) Naisasaalang-alang ang tamang pagsunod sa Layunin sa Akademikong Pagsulat

LAILANE COSTIBOLO-ALLAM

Layunin ng Akademikong Pagsulat

ARALIN-3

LAYUNIN SA ARALIN-3

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.

Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa ng pag-aaral o sulatin.

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag-aaral.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag-aaral.

Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba’t ibang anyo ng akademikong sulatin.

Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.

Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili.

Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong sulatin.

Narito ang ilang gabay bilang hulwaran kung paano ang angkop na paraan ng akademikong sulatin.

Pagpapaliwanag o Depinisyon

  • Ang pagpapaliwanag o pagpapaunawa ay isang gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat/senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
  • Ang depinisyon ay paraang eksposisyon na tumatalakay o nagbibigay-kahulugan sa isang salita. Ito rinay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na maunawaan. Bawat disiplina o larangan ay may tiyak na mga salitang ginagamit kaya’t kailangang ipaliwanag ito sa pamamagitan ng depinisyon.

pagtatala o enumerasyon

  • Ang pagtatala/paglilista o enumerasyon ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing ideya. Ang ayos ng mga detalye o ideya ay maaaring magkapalitan na hindi mababago ang kahulugan. Ito ay pinakapangkaraniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto. Ang mga impormasyon ay isa-isang itatala at tatalakayin. Madalas na nakaayos ito nang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.

Pagtatala o Enumerasyon

pagkasusunod-sunod

Pagsusunod-sunod

  • Ang pagsusunod-sunod ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon sa pamamaraang (a) sekwensyal, (b) kronolohikal at (c) prosidyural. Sinasagot nito ang mga tanong na papaano, gaya halimbawa ng: paano nagsimula, nadebelop at nagtapos ang mga pangyayari? Paano isinagawa ang proseso ng paggawa? Papaano ang pagkakabalangkas? Malinaw na naipapakita sa mga tekstong ito ang mga pangyayari, kaparaanan, kasaysayan mula sa simula hanggang sa wakas.

pinaghahambing at pagkokontrast

Paghahambing at Pagkokontrast

  • Ang tekstong ito ay nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman, konsepto, pangyayari, tao at iba pa. Karaniwang ginagamitan ito ng paglalarawan ukol sa katangian o kalikasan ng mga pinaghahambing at pagkokontrast upang malinaw na maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito. Ang hulwarang paghahambing at pagkokontrast ay madalas gumagamit ng mga panandang: kasing, tulad ng, gaya ng, sa ganoon, ganito, pero, ngunit, subalit, sa halip, datapwat, sa kabilang dako o banda, habang, samantala, atbp.

sanhi at bunga

Sanhi at Bunga

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari. Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng kadalinanan ng pangyayari.

Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat:

dahil

kung kaya

kasi

sapagkat

kung

kapag

Problema at Solusyon

Suliranin at Solusyon

  • Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtalakay sa ilang problema o suliranin at paglalapat ng solusyon o kalutasan. Ang mga problema at solusyon sa teksto ay maaaring lantad o ipinahihiwatig lamang. Inihahayag ditto ang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang eskalasyon ng mga pangyayari o sitwasyon ay makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumabsan ng aksyon.
  • Sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, matutukoy ang problema sa dinaranas na suliranin ng pangunahing tauhan. Ito ay lalong magpapatibay sa pagkakahawak ng manunulat sa atensyon ng kanyang mambabasa na maaasahang hindi titigil hangga’t hindi niya nakikita kung ano ang nagging kalutasan ng suliranin. Ito rin ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kayat sinasabing ito ang sanligan ng akda.

Pag-uuri-uri o Kategorisasyon

Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap, at detalye. Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng mga detalyeng inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang binangggit sa teksto.

Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon, at Suhestiyon

Pagpapahayag ng Saloobin, Opinyon, at Suhestiyon

  • Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsangayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap.
  • Ang opinyon ay ipinapahayag ang sariling pananaw at pagkaunawa sa isang pangyayari,bagay, pook at tao.
  • Ang suhestiyon ay isang ideya o plano na inilagay para sa pagsasaalang-alang. Ang suhestiyon ay isang bagay na nagpapahiwatig ng isang tiyak na katotohanan o sitwasyon. Ito ang proseso kung saan ang isang kaisipang humahantong sa iba pa lalo na sa pamamagitan ng pagsasama ng mga ideya. Ito rin ay ang sikolohikal na proseso kung saan ginagabayan ng isang tao ang mga saloobin, damdamin, o pag-uugali ng ibang tao.

Mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksyon ay:

  • Ang masasabi ko ay...
  • Para sa akin...
  • Sa aking palagay
  • Ang paniniwala ko ay...
  • Ang pagkakaalam ko ay...
  • Kung ako ang tatanungin...
  • Ang pagkakaalam ko...​

paghihinuha

Ang paghihinuha ay pagbibigay ng saloobin sa binasa o pagbubuo ng sariling palagay, pasiya, o resulta ng pangyayari ayon sa mga detalyeng inilahad o binasa.

Paghihinuha

Pagbuo ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

  • lagom-Ito ay ang pagpapahayag ng pangunahing nilalaman ng anumang uri ng sulatin ngunit ito ay simple lamang upang mas madaling maunwaan ang isang pananaliksik. Makikita sa lagom ang buod ng kwento o akda na ginamitan niya ng kanyang sariling salita.
  • Rekomendasyon-bahaging ito ay inilalahad ang mungkahi ng isang mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Kabilang dito ang mga mungkahi ng isang ideya na may layunin na matulungan ang isang tao o isang sitwasyon. Dito sinusulat kung sino ba ang maaring maging saklaw ng pag-aaral at ang mungkahi sa kanila upang higit pang mapaunlad ang isang paksa.
  • Dito nilalalahad ang pinakaideya ng paksa ng isang pananaliksik at ito ay karaniwang nakikita sa huling talata ng isang akda.
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi