Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa Pananaliksik na Akma o Mula sa Lipunang Pilipino
Ayon kay Abend (2013), ang mga teorya ay binuo upang "magpaliwanag, magbigay ng prediksyon o makatulong sa pag-unawa sa penomenon, at naglalayong suriin ang kabuluhan at palawakin pa ang umiiral na kaalaman."
nagbibigay lalim sa pananaliksik at nakapag-aambag ito sa pagpapalawak, pagpapaliwanag, at paglikha ng mga konsepto o kaisipan.
ekstrukturang nagtatahi o sumusuporta sa terya ng pananaliksik.
binubuo ng mga konsepto at teorya na magagamit sa pananaliksik
Ayon kay Renato Constantino, ang nasyonalismo ay hindi lamang isyung kultural, kundi politikal at ekonomiko rin.
"Ang edukasyong Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa."
Lahat ng mahalaga sa buhay - kasama na ang karunungan at edukasyon - ay dapat ialay sa bayan.
Sa halip na pamantayang global, katutubong kultura at kapakanan ng sambayanang Pilipino ang matatag na pundasyon ng edukasyon.
Ang tunay na dangal ng isang mamamayan ay masusukat sa kaniyang paglingap o pagmamalasakit sa kanyang bayang tinubuan.
Pambansang Salbabida at Kadena ng Dependensiya: Isang kritikal na pagsusuri sa Labor Export Policy (LEP) ng Pilipinas”
1. Ang puhunan nila sa Third World ay tumutubo nang malaki.
2. Kontrolado nila ang maraming pinansyal na institusyong gaya ng IMF, World Bank, at maging malalaking pribadong bangko na nag papautang sa mga bansang Third World.
3. Hindi nila gaanong tinutulungan ang mga bandang Third World na umunlad sa teknolohiya.
4. Migrasyon ng mga propesyunal mula Third World tunging bansang maunlad ay nakakabawas sa pangkalahatang tao (human resources) na kaylangan muna nilang maiahin sa dependensiya ang kaniyang sarili.
1. Ano-ano uring panlipunan ang nasa teksto, pelikula at iba pa.
2. Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa teksto, pelikula atbp.?
3. Sino ang nang-api at inapi, nagsamantalo o pinagsamantalahan sa teksto, pelikula at iba pa?
4. Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
5. Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga karakter?
6. Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
7. Aling uri ng panlipunan ang nagtagumpay sa huli?
Ang tatlong hakbangin ng panunuring pampanitikan ayon kay Tolentino (2009):
- Ang Feminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan, pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan.
- Ang Femenismo ay maituturing na malapit na malapit sa Marxismo bilang batayang teoretikal.
- Ang pokus ng femenismo ay ang pang-aapi o pagsasamantala sa isang particular na kasarian o ang mga kababaihan.
Ayon kay Karl Marx, kinikilala ng Marxismo na imposibleng magkaroon ng lahatang panig na panlipunang transpormasyon kung walang aktibong partisipasyon ng kababaihan at imposibleng magkaroon ng mga dakilang panlipunang pagbabago kung hindi kalahok ang kababaihan.
Ayon sa sanaysay ni Judy Taguiwalo (2013) Ang paglaya ng kababaihan ay hindi lubusang makakamit kung hindi mapapawi ang mga Iba't-ibang uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa ating lipunan.
Ang mga halimbawa ng diskriminasyon na ito ay inilahad ni August Bebel na dahil mas nakakahanap ang babae ng dumaraming pagkakataon sa trabaho sa tabi o bilang kapalit ng lalaki dahil mas kakaunti ang kanyang mga materyal na kahilingan kaysa sa lalaki.
Para naman kay Alexandra Kollontai:
(“The followers of historical materialism reject the existence of a special woman question separate from the general social
question of our day. Specific economic factors were behind the subordination of women; natural qualities have been a secondary factor in this process. Only the complete disappearance of these factors, only the evolution of those forces which at some point in the past gave rise to the subjection of women, is able in a fundamental way to influence and change their social position.”)
Sa sanaysay ni Judy Taguiwalo, kanyang sinabi na “may pagpulà or criticism sa Marxismo bilang bulag sa isyu ng opresyon ng kababaihan, naniniwala akong may malinaw na tindig sa teorya at praktika ang Marxismo sa usapin ng kababaihan at hindi komprehensibong Marxismo ang nagsasabing Marxismo ito nang hindi sinasaalang-alang ang aping kalagayan ng kababaihan at ang pangangailangan sa kanilang paglaya."
Mahalaga ang Marxistang programa para sa pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan ang pagkakaroon ng kababaihan ng sariling ikinabubuhay o ang paglahok sa produktibong gawain. Habang nakakulong ang kababaihan sa makitid na sulok ng tahanan at umaasa sa kalalakihan para sa kanilang ikabubuhay, mananatiling api at sekundaryo ang kanilang posisyon sa lipunan. Hindi nangangahulugan ito na awtomatikong magkakaroon ng pagkakapantay ang kababaihan at kalalakihan kapag nagkaroon ng sariling ikinabubuhay ang kababaihan. Pero naglalatag ito ng kondisyon para lumawak ang mundo at pananaw ng kababaihan sa mga usaping panlipunan. Kung gayon ang paglahok ng kababaihan sa produksyong sosyal ay “kailangan pero hindi nakasasapat para wakasan ang lahat ng manipestasyon ng pang-aapi sa kababaihan.”
Click to edit text
- Nilinang ni Zeus Salazar (1997)
- Ito ay perspektiba sa pagtalakay ng kasaysayan, kultura at iba pa.
- Nilinang ni Rhoderick Nuncio (2010)
- Ito ay nakapokus sa katutubong pagsipat sa paraan ng pagpapatawa ng mga Pilipino.
-Buod ng mga ideya ni Propesor Covar (1993)
-“Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino.”
- “Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino”
- Naglalahad ng kaisipan hinggil sa paraan ng pag-iisip at kamalayan ng Pilipino.
- sanganndaan ng ilang konseptong Marxista at ng mga konseptong sariling atin ang pagdadalumat.