Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

PANITIKAN NG BIKOL

Ika-6 na Grupo (Calpo, Flores, Tiongson, Quintana)

Alamat Ng Bulkang Mayon

Ang isang Alamat ay isang kuwentong bayan na nagsasaad ng mga pangyayari na nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ito ay isang malikhaing akda na nagpasalin-salin sa bawat henerasyon, kung kaya’t walang kuwento ang pinaka tiyak. Gayun man ay nagbibigay pa rin ito ng mga aral kagaya ng katapatan, pagiging masunurin, at pagmamahal na walang kahambing.

TUNGKOL

SA ALAMAT

TUNKOL SA ALAMAT

Video link: https://www.youtube.com/watch?v=D6aAtEd06fs

BUOD NG ALAMAT NG BULKANG MAYON

BUOD

  • Noong unang panahon ay may kabigha-bighaning dalaga na nagngangalang Daragang Magayon na anak ni Rajah Makurog ng Rawis at Darawi. Dahil sa kanyang kagandahan ay nabighani ang mga kalalakihan mula sa iba’t ibang tribo, at isa na roon si Pagtuga. Si Pagtuga ay isang magaling na mangangaso at malakas na pinuno ng Iriga. Pilit niyang hiningi ang kamay ni Magayon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mamahaling regalo kay Rajah Makurog, ngunit hindi parin siya natitipuhan ng dalaga.
  • Isang araw, habang naliligo si Magayon sa ilog ng yawa ay nadulas siya sa bato. Dahil hindi siya marunong lumangoy ay sinama siya ng agos ng ilog. Sa mabuting palad ay narinig ni Alapaap ang kanyang saklolo at agad niya itong niligtas. Mabilis na nag tapat ng pag-ibig ang binata sa dalaga na siya namang agad na pinaunlakan ng dalaga. Nagpunta sila sa Rawis upang humingi ng basbas mula kay Rajah Makurog. Nakita ni Rajah Makurog ang saya sa labi ng kanyang anak na siya namang kanyang ikinagalak. Binasbasan niya ang kanilang relasyon at ipina-handa ang kanilang kasal.
  • Umuwi si Alapaap upang ibalita sa kanyang pamilya ang masayang pangyayari habang binihag ni Pagtuga ang Rajah dahil sa kanyang pagtutol sa kasal. Sinubukan ni Pagtuga na takutin si Rajah Makurog at sinabing pakakawalan niya siya kung ipapaksal niya si Magayon sakanya. Nagmatigas si Rajah Makurog at sinabing ang desisyon na ito ay wala sa kanyang mga palad kundi kay Magayon. Dinala si Magayon kay Pagtuga at tinakot na papatayin niya ang kanyang ama kung hindi siya nito pakakasalanan. Malungkot na pumayag ang dalaga.

>

  • Upang mabawi si Magayon, sumugod si Alapaap sa Rawis dala ang kanyang mga mandirigma. Nag laban ang dalawa at napatay ni Alapaap si Pagtuga. Sa kasiyahan ni Magayon at tumakbo ito patungo kay Alapaap ngunit isang ligaw na sibat ang tumarak sa likod ng dalaga na kanyang ikinamatay. Bago pa man siya masalo ni Alapaap ay isa nanamang sibat ang tumama sa kanya.
  • Sila ay nilibing ni Rajah Makurog. Lumipas ang mga araw at napansin ng mga tao na unti-unting tumataas ang lupa kung saan sila inilibing. Sa pag tagal ng panahon ay naging isang tatsulok ang lupa na ubod ng ganda. Ito ay naglalabas ng mga nagbabagang bato sa kanyang bunganga. Mula noon ay tinawag nila itong “Mayon,” mula sa Magayon.
  • Naniniwala ang mga ninuno na ito raw ay mga palatandaan na kinukuha ni Pagtuga ang regalong ibinigay nito kay Magayon katulong si Linog. Sa mga pangkaraniwang araw, kapag ang tuktok ng bulkan ay napapalibutan daw ng mga hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni Alapaap si Magayon. At kapag naman daw umuulan at bumubuhos ito pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Alapaap dahil sa pagkawala ng kanyang minamahal.

INTERPRETASYON SA TAUHAN

TEKNIKAL

  • Daragang Magayon - isang ulirang anak na kayang isuko ang kanyang kasiyahan para sa buhay ng kanyang Ama.
  • Alapaap - isang binata na gagawin ang lahat para sa tunay na pag-ibig.
  • Pagtuga - isang pinunong hindi marunong tumanggap ng katotohanan.
  • Rajah Makurog - Isang mapag mahal na Ama sakanyang anak

Ang paksa ng Alamat ng Bulkang Mayon ay ang trahedya ng isang tunay na pagmamahalan. Ipinaparating nito na ang tunay na pag-iibigan ng dalawang tao ay hindi mahahadlangan ng kamatayan.

PAKSA

ARAL

Sa kuwentong ito na naka sentro sa pag-ibig, binigyang paalala ang kahalagahan ng pagpaparaya. Ang kasakiman ni Pagtuga ang nagdulot ng kasawian ng hindi lamang ng pisikal na katawan ni Magayon at Alapaapg, kundi maging ang kanilang mga pangarap sa isang masayang bayan. Dapat ay matutunan nating tanggapin na may mga taong hindi para sa atin.

TUNGKOL SA ISTORYA

Pista ng Penafrancia

Kung Penafrancia Fyesta ni Merlinda C. Cantre

Ang storya na ito ay tungkol sa kung paano ipinagdiriwang ang pista ng Nuestra Senora de Penafrancia na nagpapakita ng malalim na debosyon at pananampalataya ng mga katoliko na taga-Naga na kanilang tinatawag bilang “ina”.

  • Ang totoong imahen ay nasa Espanya (orihinal na nasa Salamanca, Spain)
  • Estatwa na gawa sa kahoy ng Birheng Maria
  • Ginaganap sa lungsod ng Naga
  • Nakalagak sa Penafrancia Basilica

Ikalawang sabado ng setyembre

BUOD

  • Ang kapistahan ay nangyayari tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Setyembre, sa araw ng sabado at linggo. Ang pista ay dinudumog ng mga tao na nanggagaling pa sa malalayong lugar na ang iba mga mamimista, manininda, at mga deboto ni Inang Penafrancia
  • Buwan pa lamang ng Hunyo ay unti-unti ng pinaplano ang pagdiriwang ng kapistahan. Kung ang lungsod ng Naga ay nagpaplano para sa mga gawain ng pista, ang mga mamamayan ay nag-iipon na ng pera para sa maraming gastusan sa pagsapit ng pista. Umuuwi ang mga kapamilya na nagaaral o nagtatrabaho pa sa Maynila para sa kompletong pagdiriwang ng mahal na ina.

Ginaganap ang traslacion na kung saan ang pagprusisyon kay Inang Nuestra Senora de Penafrancia na nanggaling sa Basilica Minore na kanyang tirahan papunta sa simbahan ng Cathedral. Ang prusisyon ay nagsisimula ng alauna ng hapon at nagtatapos sa ikaanim ng hapon. Ang prusisyon ay pinangungunahan ni Divino Rostro. Ang imahen ni Inang Penafrancia ay nasa hulihan ng prusisyon na pinapasan ng mga lalaking iisa ang kulay ng damit na suot

imahe ng Divine Rostro

Dalawang araw ang talagang pista ng Penafrancia at ito ay Sabado at linggo.

  • Sabado ay kapistahan ng mga barangay o lugar sa kasentruhan o bago dumating sa simbahan ng Penafrancia
  • Linggo ay para sa mga lugar pagkalipas ng simbahan ng Penafrancia na kinabibilangan ng San Felipe, Pacol, at iba pa.

Ikatlong linggo ng setyembre bago dumating ang Sabado at Linggo

  • Miyerkules nito ay mga panoorin sa kalsada katulad ng Civic at Military parade na pinangungunahan ng mga estudyante galing sa iba’t-ibang lugar sa kabikolan
  • Kabilang din sa parada ang mga maestra sa palabas nilang kiri-kiti
  • Kasama din sa parada ang mga opisyales ng mga barangay sa Naga City, ang mga estudyante na naka-enrol sa CAT at ROTC, mga pulis, mga kinatawan ng mga malalaking negosyo

Sa mismong araw ng kapistahan ay isinasagawa ang fluvial Procession, isang prusisyong tubig upang isauli ang birhen ng Penafrancia sa tahanan nito sa basilica minore. Sa bicol river idinadaan ang prusisyon kung saan may malaking bangka na sakay sakay ang mga lalaki. Maraming deboto ang nag aabang sa daanan ng birhen ng Penafrancia na may hawak na kandila at nagwawagayway ng puting panyo. Mahaba ang prusisyon kaya naman halos pagabi na kung mairating ito sa Basilica

PAKSA

TEKNIKAL

Ang storya na ito ay tumatalakay sa pagiging espesyal ng pagdiriwang ng mga katoliko sa Naga para kay Inang Penafrancia. Ang kanilang hindi matatawarang debosyon at pananampalataya para sa Ina ay makikita sa kanilang pagkakaisa at pagbabayanihan maging matagumpay lang ang kapistahan.

PAKSA

Ang likas na pagiging relihiyoso ng mga pilipino ay talaga namang hindi matutumbasan sa kung paano natin ipagdiwang ang kapistahan ng ating mga patron.

Ang pista ng Penafrancia ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng lungsod ng Naga

ARAL

TUNGKOL SA MAY AKDA

Tikbalang ni Araceli Calomos-Delgad

Si Araceli Calomos-Delgado ay isang Bikolanong manunulat at guro, kung saan ang tubong ciudad niya ay Naga. Siya ay nagtuturo sa University of Nueva Caceres at sa Naga Teacher’s College.

Naihayag ang ilan sa mga naisulat niya sa Bangaraw at sa Bikol Reporter.

Naging pinalista siya sa Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon na isang rehiyonal na patiribayan sa pagsulat ng literatura sa Bikol, para sa kanyan rawidawit na Magmata ka na, Uryol.

BUOD

TEKNIKAL

ARAL

KAHULUGAN

  • Uban - kulay puti at abuhing buhok ng tao
  • Tikbalang - Mitolohikong nilalang na may ulo, mahahabang binti at hitang hawig kabayo, at katawan at mga kamay na hawig ng sa tao.
  • Kumaripas - Mabilis na kilos
  • Nalapnos - Balat na napaso

KAHULUGAN NG MGA SALITA

Isang tanghali habang naglalaro sina Pising at Ilu ay nasitsitan siya ng isang matandang lalaki na nangangalang Mang Punying, isang matanda na ang trabaho ay manaid ng palay sa linang pagkatapos ng anihan tagabantay sa bilaran ng palay. Sinabihan siya nito na naghahanap daw ito ng mabibigyan ng pera napagkasunduan nila na sa bawat uban na mabubunot ni Pising mula sa matanda ay bibigyan siya nito ng dalawamput limang sentimos. Ang pagsapit ng dilim ay umuwi na si Pising sa kanilang bahay. Ipinapabalik siya kinabukasan upang bunutan ito muli ng uban.

Bumalik si pising sa matanda upang kunin nito ang kanyang bayad ngunit sinabihan siya na kutuhan muna siya bilang dagdag sa kanyang bayad. Napagod si Pising sa pag kuto at siya’y pinagpahinga kubo kubo ni Mang Punying at siya ay tinabihan nito at nakatulog. Nang magising si Pising, mabigat at pakiramdam niya, parang binugbog ang katawan sakanyang pagbangon ay napansin niya na wala siyang suot na salawal at may dugo sakanyang puwit. Sabi ni Mang Punying hinubadan daw siya ng isang tikbalang at ipinagtanggol daw siya ni mang punying mula dito. Nanghihina si pising na umuwi sakanilang bahay at nakausap ang kanyang lola sinabi ng kanyang lola na mabisa ang asido na panlaban sa tikbalang

BUOD

Kinabukasan bumalik si Pising kay Mang Punying na may dala dalang barilbarilan na ang laman ay gaas. Muli pinatulog na naman siya sa kubo kubo at may ipinainom sa kanya. Nagpanggap lamang siya na siya natutulog. Maya maya ay may naramdaman siya na kumakapkap sa kanyang salawal at humahaplos sa kanyang binti at may pumaibabaw sa kanya. Kinapkap niya ang kanyang baril barilan at binaril ang tikbalang. Sinilaban ito at kumaripas ng takbo papauwi. Nagising nalang si Pising ng nanay niya na aalis sapagkat nalapnos daw ang mukha ni Mang Punying

URI NG PANITIKAN

Bikolanong PIksyon - kung saan ang akda ay mula sa imahinasyon ng manunulat

TEKNIKAL

ANYO NG PANITIKAN

Akdang Tuluyan sa Maikling kwento kung saan nagpapahayag ng kaisipan na isinulat ng talata.

TEMA NG PAKSA

Katatagan ng loob at kasakiman

TAUHAN

TEMA NG PAKSA AT TAUHAN

  • Pising - isang batang babae
  • Ilu - ang kanyang kaibigan at kalaro
  • Ang nanay at lola ni Pising
  • Mang Punying - ang matanda at tikbalang

ARAL

Ang aral mula sa akda ay nagpapaalala sa atin na huwag tayong makipag usap makisalamuha sa mga taong hindi pamilyar sa atin dahil baka ito pa ang dahilan ng ating kapahamakan (uwag tayong magpalinlang sa mga taong mapagsamantalasapagkat sa panahon ngayon dumadami na ang mga kaso sa mga taong pananamantala lalong lalo na sa mga kababaihan.

INTERPRETASYON

Bus Pasiring Pili, Camarines Sur ni Carlo A. Arejola

Carlo A. Arejol

TUNGKOL SA MAY AKDA

  • Mayo 31, 1969 - Hulyo 20, 2017
  • Emplayado, tagapagturo, manunulat
  • Mayroong walo (8) likhang panitikan; tula, kwentong pambata, dula
  • Umani ng maraming parangal bilang isang Makata (poet), mananalaysay (story teller), manunulat ng dula (playwright), tulad ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
  • Ito ang pinaka mataas na parangal ng bansa para sa mahusay na paggawa ng literatura.
  • Ang kanyang mga likha ay makikita sa mgaNational na magasin, libro, literary journal, at anthalogy na inilimbag ng Cultural Center of the Philippines
  • Siya ay convenor/tagapag-ayos/organizer ng Juliana Arejola Fajardo Worksyap sa Pagsulat sa Bikol
  • Siya ay tagapangulo ng Premio Tomas Arejola Para sa Panitikan ng Bikolnon na kapwa itinatag ng Arejola Foundation for Social Responsibility

BUS PAPUNTANG PILI, CAMARINES SUR

ANG

AKDA

Ni Carlo A. Arejola

Salin ng may akda na orihinal na Bus Pasiring sa Pili, Camarines Sur

PARA

KAY RR

Ito ay nailathala sa aklat na Ani, Volume 31, The Love Issue, 2005 ng Cultural Center of the Philippines

PINAG

MULAN

  • Ang aklat na ito ay koleksyon ng mga literaturang mula sa iba’t-bang manunulat, na may iba’t-ibang genre e na ang pangunahing tema ay pag-ibig.
  • Sinasabing inilathala ang akdang ito ng may kalakip na paumanhin dahil sa kawalan ng mga may akda ng pahintulot kay Arejola. Magkagayonman, isinama pa rin nila ito dahil sa taglay nitong katutubong kulay sa eksklusiv sa Bikol at mga Bikolano

URI NG

PANITIKAN

PATULA

Tula na may malayang taludturan - walang takdang sukat at tugma, walang bilang ang mga pantig sa bawat taludtod ngunit may mga magkasing tunog na salita at mga tayutay.

TAYUTAY NA MATATAGPUAN SA TULA

Metapora - Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.

  • Bago marating ang bituka ng manok
  • Inihambing ang destinasyon sa bituka ng manok

2. Pagmamalabis/Hayperbole

Ito ay pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

  • Isang kalsada na tila walang katapusan
  • Mahaba ang kalsada

3. Pagtutulad/Simili

Hindi tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.

  • Bagitong maituturing sa gulang
  • Bago pa lamang ang bayan
  • At kung magmahal, masidhi, mainit
  • Tulad ng sili na pansangkap sa laing
  • Itinulad sa katangian ng sili ang pagmamahal na mainit at masidhi

4. Pagtatao

Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao

  • Dinadalaw ng di kukulang sa tatlung malalakas na bagyo taun-taun
  • Nakararanas sila ng bagyo
  • Pinakamalaki sa lalawigan ng Rehiyon V
  • Pili ang kabisera o kapital nito
  • Isa lamang probinsya kasama ang Camarines Norte ngunit nahati na sa 2 lalawigan
  • Pangunahing hanapbuhay ay a pagsasaka, pangingisda, at paghahayupan
  • Isarog ay isa sa 4 na distrito sa Camarines Sur

HEOGRAPIYA NG CAMARINES SUR

KABUUANG MENSAHE

MENSAHE

NG TULA

  • Ang tulang tinalakay ay para sa iniibig ng persona na itinago sa inisyal sa RR.
  • Binabatid ng may akda na ilarawan ang pisikal na katangian ng bayan, ang kulturaang meron ang mga Bikolano katulad ng paraan ng pakikitungo sa tao, pakikitungo ng mga Bikolano sa iniirog ng kanilang kababayan, paraan ng pamumuhay sa araw-araw, ang klimang mayroon dito, mga paraan ng pagluluto at pagkaing tampok sa bayan.

MGA SAKNONG

UNANG

SAKNONG

Literal ngunit makulay at deskriptibong inilarawan ng persona sa tula ang daan papuntang Pili Camarines Sur

  • Bago marating ang lugar, ang bus ay dadaan sa mahabang kalsada sa gilid ng mga bundok, matatagpuan din nila ang mga dagat.
  • Naipakita rin dito na may mga bahagi ng Bikol na naging sibiilsado tulad ng pagbanggit sa kalsada, bayang matao. Naipakita na nagkaroon na ng access ang mga tao sa pampublikong transportasyon at maaring mga pamilihan, establisyemento na matatagpuan sa bayan.
  • Sa kabilang banda, may mga katutubong bahagi pa rin naman ang rehiyon. Napatunayan ito sa pagbanggit ng “baryo”, “dampa” at “bahay na batong sinauna”
  • Ipinakita rin ang kanilang tradisyon na ang padre de pamilya ay siyang tagapagtaguyod ng bahay.

IKALAWANG SAKNONG

Inilarawang ng persona ang heograpikal na katangian at history ng Pili, Camarines Sur

  • Nang isulat ito ng may akda inilarawan niya ito bilang isang bagong bayan .Ang Pili ay tinaguriang 1st class na bayan at ito ang kapital ng Camariner Sur. Dito matatagpuan ang Naga Airport.
  • Ang bayang ito ay itinatag ng mga Amerikano noong 1901. Pinangalanan itong Pili gaya ng nabanggit sa tula. Nais ng mga Amerikano na ang bayang ito ang maging bagong provincial

urban center sapagkat ang Naga ay bahaaing lugar. Isa pa, maganda ang lokasyong ito para sa mga sundaling AMerikano sapagkat kinokonekta nito ang gma pangunahing distrito ng probinsya

  • Ang mga bundok ay pinanirahan ng mga Cimaronnes or Remontados noong unang panahon. Ito ay grupo ng tao (tribo) na tumakas mula sa pamumuno ng mga Espanyol at nanirahan sa bundok kung kayat tinawag silang Remontados mula sa salitang espanyol na “Remontar”

IKATLONG SAKNONG

Inilarawan dito ang kapayakan ng bayan, at ang mayamang kultura ng mga Bikolano pagdating sa lutuing pagkain, pag-uugali, at paraan ng pamumuhay

  • Bagama’t nagiging sibilisado na ang lugar, inilahad pa rin ang pagkakaroon ng payak at tahimik na pamumuhay. (pagsuot ng tsinelas, mangilan-ngilang nagpupunta sa sinehan, upuang kahoy na walang kutson)
  • Masasaksihan din ang mayaman at orihinal paraan ng pagluluto sa mga putahe, sariling mga produkto. IPagdating sa pagluluto ng pagkain, mayroon silang natatanging lasa kagaya ng pagkaing maanghang, ginataan, pinaksiw, sinampalukan, tinapa. Mayroon din silang produkto na Pili at tabios na tanging dito lamang makukuha.
  • Ipinakita rin na ang mga tao roo’y magalang at matinding magmahal, magiliw sila sa bisita at mayroon sila na malapit na ugnayan sa pamilya. (close familiy ties)
  • Kapag ang mga Bikolano ay may iniibig, dinadala at ipinakikilala niya ito sa kanyang mga kababayan.

REPLEKSYON

REPLEKSYON

"

  • Bilang isang mag-aaral natutunan ko na makulay at nag uumapaw ay kulturang mayroon ang mga Bikolano. Nakita ko na ito ang naging dahilan kung bakit naging kalat ito sa maraming rehiyon. Naging popular ito hindi lamang sa Pilipinas kundi nadala ito hanggang sa ibang bansa partikular na ang mga lutuin at pagkaing Bikolano.
  • Pagdating sa kanilang pag-uugali, magandang gayahin ang kanyang pagiging magalang, simple at totoo, masidhi kung magmahal. Huwag natin alisin ang pagrespeto sa ating mga kausap partikular ang mga nakatatanda sa atin. Matuto rin tayong maging simple at totoo. Isapuso din natin na kung tayo ay iibig, siguraduhin natin ipakita natin ang tunay na tayo; maaaring sa pagpapakilala sa pamilya at pagdala sa lugar na ating kinalakihan.
  • Katulad ng persona sa tula, bilang mag-aaral at bilang Pilipino, gawin nating hamon at inspirasyon na ipagmalaki ang bayang ating pinagmulan. Maging maalam tayo sa historya ng ating lugar, Ugaliin nating laging ibahagi ang ating kultura. Ipakita sa tao ang ating magalang na pag-uugali. Maging tunay sa pag-ibig. Tangkilikin ang mga lutuin at pagkaing atin. Ang mga gawaing ito ay hindi kapupulutan ng pera ngunit sa pamamagitan nito ay mapapanatili nating buhay at dumadaloy at makulay ang identidad ng ating rehiyon, pagkakakilanlan ng ating bansa.

"

SALAMAT! SALAMAT! SALAMAT! SALAMAT! SALAMAT!

REFERENCES:

  • https://www.academia.edu/27966404/Final_Requirement
  • https://www.wikiwand.com/bcl/2004_Premio_Tomas_Arejola_para_sa_Literaturang_Bikolnon
  • https://www.catholicsandcultures.org/feasts-holy-days/penafrancia-divino-rostro-philippines

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi