Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok, at Pagkonsumo

Presented by Saver Ford

Kahulugan ng Kita, Pag-iimpok, at Pagkonsumo

Kahulugan ng Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo

  • Ang kita o kinita (Ingles: income) ay ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan” sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon, na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi.
  • Ang pag-iimpok naman ay ang paraan ng pagpapaliban ng paggastos upang magamit ang pera na iyon sa mga bilihin o mga kagamitan na kakailanganin o ninanais sa hinaharap .
  • Ang pagkonsumo naman ay tumutukoy sa paggastos o paggamit ng mga produkto o serbisyo upang tugunan ang mga pangangailangan ng isang tao

7 Habits of a Wise Saver

7 Habits of a Wise Saver:

1. Kilalanin ang iyong bangko.

Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod at mga taong namamamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa katayuang pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang Philippine Deposit Insurance

Corporation (PDIC), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), at ang website ng bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at radyo ay makapagbibigay ng mga impormasyong kailangan mong malaman.

2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.

Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang iniimpok. Huwag malito sa investment at regular na deposito. Basahin at unawain ang kopya ng term and conditions, huwag mag-atubiling linawin sa mga tauhan ng bangko ang hindi

nauunawaan.

3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.

Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong pangangailangan at itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko. Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko.

4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.

Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM), certificate of time deposit (CTD), checkbook at iba pang bank record sa lahat ng oras. Palaging i-update ang iyong passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon

sa bangko. Ipaalam sa bangko kung may pagbabago sa iyong contact details upang maiwasang maipadala ang sensitibong impormasyon sa iba.

5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan nito.

Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita ng identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong naging transaksiyon.

6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.

Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000 sa deposito ng bawat depositor. Ang investment product, fraudulent account (dinayang account), laundered money, at depositong produkto na nagmula sa hindi ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong (insurance) ibinibigay ng PDIC.

7. Maging maingat.

Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa pangkalahatan, ang sobra-sobrang interes ay maaaring mapanganib. Basahin ang Circular 640 ng Bangko Sentral para sa iba pang impormasyon tungkol dito.

Kahalagahan ng Pag-iimpok at Pamumuhunan sa Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansa

Ang mga salaping inilalagak ng mga depositor sa bangko ay lumalago dahil sa interes sa deposito. Ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na kaukulang tubo. Ibig sabihin, habang lumalaki ang naidedeposito sa bangko, lumalaki rin ang maaaring ipautang sa mga namumuhunan. Habang dumarami ang namumuhunan, dumarami rin ang nabibigyan ng empleyo. Ang ganitong sitwasyon ay indikasyon ng masiglang gawaing pang-ekonomiya (economic activity) ng isang lipunan. Ang matatag na sistema ng pagbabangko ay magdudulot ng mataas na antas ng pag-iimpok (savings rate) at kapital (capital formation). Ang ganitong pangyayari ay nakapagpapasigla ng mga economic activities na indikasyon naman ng pagsulong ng pambansang ekonomiya. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)ay ang ahensiya ng pamahalaanngnagbibigayngproteksyonsamgadepositorsabangkosapamamagitan ng pagbibigay seguro (deposit insurance) sa kanilang deposito hanggang sa halagang Php250,000* bawat depositor. Ang isang bansang may sistema ng deposit insurance ay makapanghihikayat ng mga mamamayan na mag-impok sa bangko. Kapag maraming nag-iimpok, lumalakas ang sektor ng pagbabangko at tumitibay ang tiwala ng publiko sa katatagan ng pagbabangko.

Kahalagahan ng Pag-iimpok at Pamumuhunan sa Pag-unlad ng Bansa

SALN (STATEMENT OF ASSETS, LIABILITIES AND NET WORTH)

SALN

Ang SALN ay isang dokumentong inaatas ng batas ng Pilipinas sa mga politiko ng Pilipinas, mga empleyado, at mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas (kasama ng kanilang mga asawa at mga anak na mababa sa 18 taong gulang na nakatira sa kanila) na kanilang isusumite na nagdedeklara ng kanilang mga ari-arian (gaya ng mga lupain, sasakyan, bahay, at iba pa) at mga utang (gaya ng mga pagkakautang at iba pa), mga negosyo at mga interes na pampananalapi.

Ang pagsusumite ng isang SALN ng mga politiko at empleyado at opisyal ng pamahalaan ay inaatas ng Artikulo XI, Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko". Ito ay kinabibilangan ng isang pagpapahintulot sa Ombudsman ng Pilipinas o mga kinatawan nito na makakuha ng mga dokumento na nagpapakita ng mga ari-arian, mga negosyo at mga koneksiyong pinansiyal mula sa lahat na angkop ahensiya ng pamahalaan.

Dapat isinusumite ng mga opisyal ng pamahalaan at politiko ang kanilang SALN pagkatapos maluklok sa opisina, kada taon at pagkatapos na umalis o maalis sa puwesto.

Layunin

Ang layunin ng SALN ay labanan ang mga kurakot na politiko sa Pilipinas na maaaring magpayaman gamit ang kanilang posisyon sa pamahalaan. Ang isang politiko ay sinasabing lumikom ng kayamanang kinuha mula sa masama (ill gotten wealth) o hindi maipaliwanag na kayamanan (unexplained wealth) kapag ang kabuuan ng kanyang mga ari-arian pagkatapos ng ilang mga taon ng panunungkulan sa pamahalaan ay hindi tumutugma sa kanyang angkop na sahod bilang politiko o opisyal ng pamahalaan (halimbawa ang sahod ng Pangulo ng Pilipinas ay ₱120,000 kada buwan) gayundin mula sa mga iba pang legal na mapagkukunan ng kita sa parehong panahon.

Gayunpaman, ang mga kurakot na politiko ay maaaring hindi tapat na magdeklara ng kanyang ari-arian sa kanyang SALN upang maitago ang kanyang hindi maipapaliwanag na kayamanan sa ombudsman.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi