Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay aral sa kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.
Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa.
Ang katangian at tungkulin ng sosyolohikal ay:
1. Ito ay likha ng panahon at kasaysayan, kultura ideolohiya, lipunan, at kapaligiran.
2. Ito ay sumusuri sa konteksto ng iba't-ibang institusyon sa lipunan at ang kaugnayan nito sa indibidwal.
3. Ipinapahayag sa akda ang mga saloobin, mithiin, at pangarap na hango sa galaw ng panahon.
4. Imulat sa katotoohanan at kagalingang panlipunan ang indibidwal.
5. Pinahahalagahan ang kalayaan at kaisipan ng isang indibidwal.
6.Kapit sa ugnayang namamagitan sa mga buhay ng mga tauhan at ng mga pwersa ng lipunan o umiiral na suliranig panlipunan.
TATA SELO
ni Rogelio R. Sikat
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mgatao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-aring lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo namalakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente. Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan na lang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusanupang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.
Magbigay ng (5) katangian ng Teoryang Sosyolohikal
Ano ang kahalagahan ng mga akdang tumatalakay sa suliraning panlipunan? (5 puntos)