Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

GAWAIN 5

Presented by

PILAPIL

DELA CRUZ

SANTOS

YABUT

MANERO

FAMISAN H.

IBAÑEZ

AGATON

SITWASYON

Si Bing ay labis na nag-aaalala sa kaniyang matalik na kaibigang si Clarissa. Wala silang lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan upang mag-usap. Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya nauuunawan ng kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamadaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si Clarisssa.

Inamin ni Clarissa na hindi siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa niya, sa mga nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siyang sa mga susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa kaniya.

Nararamdaman ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo ng kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seseryosohin.

SULIRANIN

Sinasabihan si Clarissa ng nobyo kaniyang ina ng malalaswang salita at maraming beses na hinihipuan siya nito. Nararamdaman ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso. Sinubukan niyang sabihin ito sa ina subalit pinapaglagay lamang ito ng kaniyang ina na paraan ng pagbibiro ng kaniyang nobyo na hindi niya dapat seryosohin.

SOLUSYON

SOLUSYON

  • Subukan muling kumbinsihin ang ina na talagang siya’y inaabuso ng nobyong kaniyang ina.
  • Isumbong sa awtoridad ang nangyayaring pang-aabuso.
  • Maglayas na lamang.
  • Humanap ng ebidensiya na magtuturo sa pang-aabuso ng nobyo ng kaniyang ina.

BATAYANG

GAMIT SA PASIYA

BATAYAN

Ang batayang ginagamit sa pagpapasiya ay ang karapatang natin bilang tao, kung gaano kalala ang sitwasyon at kung anong maaaring mangyari kung ito'y mapapabayaan. Sa sitwasyon ni Clarissa, nalalabag ang kaniyang karapatang pantao na isang napakaseryosong isyu at ang nagpapalala dito ay pinagpalagay lamang ito ng kaniyang ina na biro lamang ng kaniyang nobyo na hindi dapat seryosohin at hindi siya pinaniwalaan. At kung hindi ito masosolusyunan ay maaaring hindi lang paghipo at pagpapahayag ng malalaswang salita ang gawin sa kaniya ng nobyo ng kaniyang ina.

NAPAGPASIYAHANG SOLUSYON

SOLUSYON

Ang napili naming solusyon na dapat gawin ay ang pagsusumbong sa awtoridad ng nangyayaring pang-aabuso.

PAGTATASA NG SOLUSYONG NAPILI

Sa ilang buwan na kaniyang pagtitiis, maraming pang-aabuso na ang natamo niya. Siya ay hinihipuan o kaya'y sinasabihan ng malalaswang salita ngunit hindi siya pinanigan ng kanyang ina. Kaya naisip namin na ang pinakamainan na solusyon ay ang paglapit sa mga awtoridad o may kapangyarihan kung nalalabag na ang iyong mga karapatan. Ang pang-aabusong seksuwal ay masama at labag sa batas kaya ang sinumang gumagawa nito ay maaaring makulong. Kapag batas na ang nagparusa sa kinakasama ng kanyang ina, matitigil na ang pang-aabuso sa kaniya.

MGA

TANONG

TANONG

1. Ano ang naging posisyon mo sa suliranin ni Clarissa?

1

Kami ay pumapanig sa kanya at naniniwala kaming kailangan niyang gumawa ng aksyon dahil siya'y naaabuso. Kailangan na isumbong ni Clarissa sa mga awtoridad ang umaabuso sa kanya dahil nalalabag na ang kanyang karapatang pantao. Ilang buwan niya na rin namang tiniis ang seksuwal na pang-aabusong nararanasan niya.

2. Ano ang naging batayan mo sa paggawa ng posisyon o paninindigan?

2

Aming pinagbatayan ang sitwasyon ni Clarissa. Kung siya ay hindi pinaniniwalaan ng kanyang ina, mabuti ng lumapit siya sa mas nakakataas upang siya'y matulungan.

3. Tama at mabuti ba ang nagawa mong posisyon? Pangatuwiranan.

3

Ito ay tama at mabuti sapagkat karapatang pantao na ang nilalabag ng nobyo ng kaniyang ina. Isa pa, para na rin niyan tinulungan ang kaniyang ina na makita kung ano talaga ang tunay na kulay ng kaniyang nobyo at maiiwasan siyang masaktan at ang kanyang anak nito sa hinaharap.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi