Bago pa lamang nagdadalaga si Matabagka ay hinahanggan na niya si Imbununga Ho Anlaw, ang anak ng Diyos ng araw, ang hari ng hangin. Tulad ni Matabagka ang mataas na damong dansuli sa mabining pagsayaw sa ihip ng hangin. Noon pa'y pinapangarap na niyang makapiliing ang lalaking ito sa pamamasyal sa papawirin sakay ng kanyang sunday. Si matabagka ay naninirahan sa kaharian ng Nalandangan na pinamumunuan ng kaniyang lalaking kapatid na si Agyu.
Marami na ang nagtangkang sakupin ang kaharian ngunit walang dayuhan ang nakatalo sa haring si Agyu. Isang araw, nabalitaan ni Agyu sa kaniyang espiritung tagapag-patnubay na binabalak na sakupin ni Imbunanga ang kaniyang kaharian. Labis na nagulat si Matabagka nang malaman ang kanyang pinanangarap ang siya palang sasaop sa kaniyang bayan.
Present all the details
D
Labis ang takot ni Agyu at Matabagka dahil nalaman nila na lulusob si Nalandangan dala ang Taklubo at Baklaw
Sa taklubo nakakulong ang hanging bagyo at sa Baklaw naman nakakulong a...
Sa taklubo nakakulong ang hanging bagyo at sa Baklaw naman nakakulong ang pinakamalakas na ipuipo. Ngunit nasambit ni Matabagka na hindi siya papayag na magtagumpay si Nalandangan at noon nga ay sinabi ni Agyu sa kaniya "Anong magagawa mo? Ikaw na isa lamang babae?".Hindi pumayag si Agyu na umalis si Matabagka ngunit talagang desidido ang dalaga at hindi nagpapigil.
C
Mabilis na nakarating si Matabagka sa tahanan ni Nalandangan. Pinagtakpan niya ang kaniyang katauhan at sinabing mula siya sa ikapitong langit at hinahanap niya ang kaharian ng Nalandangan. Agad na nahulog si Nalandangan kay Matabagka at hindi din naman napigilan ng matapang na dalaga ang kaniyang paghanga kay Nalandangan.
Sinabi ni Nalandangan na ituturo niya kay Matabagka ang kaharian kapalit ng paghahanda nito ng nganga para sa kaniya at ang pananatili nito sa kaniyang puso habang buhay.
B
Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumangayon na lamang sa hiling ng binata. Makalipas ang pitong araw ay idinaos ang marangyang kasal ng dalawa.
- Ernest Hemingway
Mahal na mahal nila ang isa't isa ngunit isang gabi ay natuklasan ni Matabagka ang taguan ng taklubu at baklaw ng asawa. nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ng asawa at nang makatulog ay tumalilis siyang tangay ang taklubu at baklaw.
- Frank Zappa
Nakita siya ng mga tanod at pinigilan ang kaniyang pagtakas. Gayunpaman ay nagpilit si Matabagka at mag-isang nagtanggol sa sarili laban sa mga mandirigma ng kaniyang asawa.
- Author
A
Sumilay ang umaga at nadatnan ni Imbunanga ang pakikipaglaban ng kaniyang asawa.
Sa kabila nang pagtangay ng taklubu at baklaw ay lalo pang humanga si Imbunun...
Sa kabila nang pagtangay ng taklubu at baklaw ay lalo pang humanga si Imbununga sa taglay na katapangan ng kaniyang asawa. At lalo naman napatunayan ni Matabagka ang pagmamahal sa kaniya ni Imbunanga nang iutos nito sa mga mandirigma na huwag sasaktan ang asawa. Dumaating din ang pangkat ni Agyu ngunit napagkasunduan nila na itigil na ang digmaan. Kumumpas sa hangin si Imbununga at sa isang iglap ay umihip ang malakas na hangin. Napalad ang ilan at ang iba naman ay napahiga sa lupa.
Nang malaman ni Imbununga ang katotohanan kay Matabagka ay napangiti pa siya sa katapangan at malasakit ng asawa sa bayang pinagmulan. Hindi na natuloy ang balak na lusubin ang Nalandangan at iginalang ni Imbinunga ang pagmamahal sa kalayaan ni Matabagka.
Ngayon, tuwing nakikita ng mga taga bukidnon ang pagsayaw ng mataas na damo...
Ngayon, tuwing nakikita ng mga taga bukidnon ang pagsayaw ng mataas na damong dansuli kapag umiihip ang hangin, sinasabi nilang ito sa Matabagka. At sa pagihip ng malakas na hangin, sinasabi nilang ito si Imbununga na patuloy na nagmamahal at nanunuyo kay matabagka