Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kagalingan sa

Paggawa

ANDES, CADAG, , CANTONJOS, MERCADER

13/04/2022

Paggawa

1

  • Ayon kay Pope John Paul II sa kanyang isinulat na “Laborem Exercens” noong taong 1981, ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang magkaroon nang “Kagalingan sa Paggawa”.

KAHULUGAN

  • Ang paggawa ng isang gawain o produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay maisagawa. Kailangang may angking kahusayan ang gagawa nito. Hindi sapat ang lakas ng katawan at ang layuning makagawa. May mga partikular na kakayahan at kasanayan ang kailangan sa paggawa.

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matututuhan at maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga:

LAYUNIN

A. Natatalakay ang konsepto ng kagalingan sa paggawa;

B. Natutukoy ang mga katangian at kakayahan sa paggawa; at

C. Naisasagawa ang aktibidad patungkol sa paggawa.

TATLONG (3) KAUGALIAN NA DAPAT TAGLAYIN UPANG MAISABUHAY ANG KAGALINGAN SA PAGGAWA

2

1

NAGSASABUHAY NG MGA PAGPAPAHALAGA

Ang isang matagumpay na tao ay may tiyak na pagpapahalagang humuhubog sa kaniya upang harapin ang anomang pagsubok na pagdaraanan sa pagkamit ng mithiin. Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang produkto o serbisyo na may kalidad.

A

Ang produktong kanyang lilikhain ay bunga ng:

  • Kasipagan
  • Tiyaga
  • Masigasig
  • Malikhain
  • Disiplina sa sarili

2

NAGTATAGLAY NG KAKAILANGANING KAKAYAHAN

B

Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan, kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at katangian n taglay at maaring taglayin. Sapagkat ito, ang magiging gabay mo upang magkaroon ng mayamang kaisipan upang maging maipamalas mo ang pagiging sistematiko at malinang ang tatlong yugto ng pagkatuto:

  • Pagkatuto bago ang paggawa
  • Pagkatuto habang gumagawa
  • Pagkatuto pagkatapos gawin ang isang gawain

3

NAGPUPURI AT NAGPAPASALAMAT SA DIYOS

C

Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan kung ito ay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng pagpuri at pasasalamat sa Kanya. Kapag ganito ang natatak sa iyong isipan, pagbubutihan at paghuhusayan mo ang lahat ng iyong gawain at ang balik nito ay pagpapala mula sa Diyos.

D

Ang mga hakbang na ito ay susi sa kaganapan nang iyong tunguhing makagawa ng isang gawaing di matatawaran ang kalidad. Ang kagalingan sa paggawa ng isang gawain ay ayon sa kung paano isinagawa ng maayos ang mga hakbang na dapat gawin o isaalang-alang.

MGA KAKAYAHAN NA MAKATUTULONG SA PAGKAKAROON NG MATALINONG PAG-IISIP UPANG MAISABUHAY ANG KAGALINGAN SA PAGGAWA

3

1

MAUSISA

(CURIOSITA)

A

Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa kanyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-eeksperimento, nakadidiakubre siya ng bagay at paraan upang mapaunlad ang kanyang buhay o sarili.

2

DEMONSTRASYON

(DIMOSTRAZIONE)

B

Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging matagumpay at maiwasang maulit ang anomang pagkakamali. Sa karanasang ito natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

3

PANDAMA

(SANSAZIONE)

C

Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Ang kakulangan ng bahagi nang katawan ay hindi hadlang upang isakatuparan ang tunguhin.

4

MISTERYO

(SFUMATO)

D

Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari. May mga pagkakataon sa buhay nang tao na nangyayari ang hindi inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay ang siyang magbibigay nang pagbabago sa buhay niya bilang tao.

5

SINING AT AGHAM

(ARTE/SCIENZA)

E

Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng sining, katuwiran, at imahinasyon. Binibigyang diin nito ang kaalamang magpapatibay upang lalo pang maging malikhain ang pag-iisip.

6

ANG KALUSUGAN NG PISIKAL NA PANGANGATAWAN

(CORPORALITA)

F

Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anomang bisyo na pwedeng makasama sa katawan.

7

ANG PAGKAKAUGNAY-UGNAY NG LAHAT NG

BAGAY (CONNESSIONNE)

G

Ito ang pagkilala at pagbibigay halaga sa lahat ng bagay at pangyayari na may kaugnayan ang bawat isa.

SANGGUNIAN

Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul 10 "Kagalingan sa Paggawa" pahina 8-16

4

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi