Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

MGA SANGKAP NG DULA

Tagapag-ulat:

JASMIRA MAY H. ZACARIA

Tagpuan

TAGPUAN

panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

WALANG SUGAT

HALIMBAWA

  • Tahanan
  • Digmaan
  • Simbahan

Tauhan

TAUHAN

ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula

WALANG SUGAT

HALIMBAWA

Tenyong - isang lalaking mapagmahal sa pamilya, kasintahan at bayan

Julia - ang babaeng pinakamamahal ni Tenyong

Lucas - kaibigan ni Tenyong

Miguel - lalaking ipinagkasundo kay Julia

Sulyap sa Suliranin

SULYAP SA SULIRANIN

bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula

Walang Sugat

HALIMBAWA

Naaresto ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo dahil inakalang siya ay rebelde.

Saglit na kasiglahan

SAGLIT NA KASIGLAHAN

saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan  Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

Walang Sugat

HALIMBAWA

Niyaya magpakasal ni Tenyong ang kanyang kasintahan na si Julia.

Kasukdulan

KASUKDULAN

climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

Walang Sugat

Ipinadala sa labanan si Tenyong at nagpadala naman ng liham sa kanya si Julia upang ibalita na siya ay ipinagkasundo kay Lucas.

HALIMBAWA

Kakalasan

ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian

KALAKASAN

Walang Sugat

Dumating si Tenyong sa kasal nina Miguel at Julia na sugatan at tila malapit nang mamatay. Pinagkumpisal siya ng pari at hiniling nito na maikasal kay Julia. Pumayag ang pamilya ni Julia sapagkat ang kanilang pagkakaalam ay malapit nang mamatay si Tenyong.

HALIMBAWA

Kalutasan

KALUTASAN

sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Walang Sugat

HALIMBAWA

Naikasal si Tenyong at Julia ngunit nalaman ng taumbayan na hindi totoo ang mga sugat nito at nagsigawan na "Walang Sugat".

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi