FILIPINO 6
Bb. Janeth F. Bugas
Linggo 3: Agosto , 2022
Place your logo here
Mahalagang Tanong
Bakit mahalaga na magamit nang wasto/tama ang mga pangngalang salita?
Pagkatapos ng klase, ikaw ay inaasahang …
- natutukoy ang mga gamit ng pangngalan sa pangungusap;
Mga Layunin
- nagagamit ang mga pangngalan sa pangungusap; at
- nabibigyang-halaga ang gamit ng mga pangngalang salita sa komunikasyon.
Suriin:
- Gawin natin ito para sa kabataan ng susunod na henerasyon.
- Ang kalikasan ay kailangan nating iligtas.
Pagganyak
- Mga kababayan, panahon na para kumilos tayo.
MGA GAMIT NG PANGNGALAN
Aralin: Mga Gamit ng Pangngalan
Simuno – Ang PANGNGALANG PINAG-UUSAPAN sa pangungusap.
HALIMBAWA:
Si Juan Dela Cruz ay responsable sa mga gawain.
Simuno
Kaganapang Pansimuno
Kaganapang Pansimuno – Ang simuno at ang pangngalang nasa panag-uri ay IISA.
HALIMBAWA:
Si Juan Dela Cruz ay isang mabuting mag-aaral.
Pamuno
Pamuno – kung ang simuno at isa pang pangngalang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.
HALIMBAWA!
Si Juan Dela Cruz na isang mag-aaral ay matalino.
Pantawag – PANGNGALANG TINATAWAG sa pangungusap.
HALIMBAWA!
Juan, sikaping maging mabuting tao sa lahat ng oras.
Pantawag
Layon ng Pandiwa – kung ang pangngalan ay ang tumatanggap ng kilos at kasunod ng pandiwa.
HALIMBAWA!
Nagtanim ang bata ng bagong halaman.
Layon ng Pandiwa
Layon ng Pang-ukol – kung ang pangngalan ay pinaglalaanan ng kilos at kasunod ng pang-ukol.
HALIMBAWA!
Ang tema ng aralin ay tungkol sa kapaligiran.
Layon ng Pang-ukol
KAUKULAN NG PANGNGALAN
Aralin: Kaukulan ng Pangngalan
Palagyo - ito ang kaukulan ng pangngalan kung ang pangngalan ay ginamit na:
Simuno
Pantawag
Kaganapang Pansimuno
Pamuno
Palagyo
Palayon
Palayon – ito ang kaukulan ng pangngalan kung ang pangngalan ay ginamit na:
Layon Pandiwa
Layon ng Pang-ukol
Paari
Paari – ang pangngalan ay nasa kaukulang paari kung may dalawang pangngalang magkasunod at ang pangalawa ay nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang kalusugan ng mamamayan ay mahalaga upang makamit ang kaunlaran ng bansa.
Buksan ang Pluma 6 - pahina 34 (Madali Lang Iyan) at ating sagutan.
1
PANUTO: Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salita sa ibaba na ayon sa hinihinging gamit nito.
- kalikasan (simuno)
- Juan (pantawag)
- bata (layon ng pandiwa)
2
PAGPAPAHALAGA
Bakit mahalaga na magamit nang wasto/tama ang mga pangngalang salita?
Panuto: Magbigay ng 2 paksa naunawaan mo at 1 tanong na nais mo pang liwanin.
PAGLALAHAT
Maghanda sa Pagtataya 1 sa Martes. Tingnan ng Schoology para sa mga pag-aaralan.
TAKDANG-ARALIN
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Panalangin ni San Francisco ng Assisi
Click to edit text
Paalam!
SANGGUNIAN
- Baisa-Julian, A.G.,Lontoc, N.S. Marasigan, E.V., A. M. (2022). Pinagyamang Pluma 6 (3rd ed.). Phoenix Publishing House, Inc.
- Awit at Papuri Communications. 2020, October 4. Tagalog Peace Prayer of Saint Francis of Assisi • Panalangin ni San Francisco ng Assisi. Youtube. https://www.youtube.com/watch?v=VjPPiCCBry4&t=2s
Sanggunian at Online Tools
ONLINE TOOLS