Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
PANIMULA
Ang mga teorya sa pagbasa ay nagpapaliwanag kung paano matamo ang pag-unawa sa binasa. Ito rin ang nagpapaliwanag kung ano ang taglay na kakayahan ng mambabasa, anong mayroon sa tekstong binabasa at higit sa lahat tinitingnan ang pagbasa bilang proseso. Ang mga kaisipang pinanghawakan ng bawat teorya ay nagsisilbing gabay upang mapamahalaan ang sarili sa gawaing pagbasa, lalong-lalo ang sinumang estudyanteng kolehiyo.
TEORYANG ISKEMA
Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng mga bagong kaalaman na natipon sa pamamagitan ng pagbabasa ay idinagdag sa naunang iskema. Ang iskema na ito ay kumakatawan sa kaalamang natatago.
Gamit ng kanyang naunang impormasyon, ang mga mambabasa ay maaaring gumawa ng mga hula. Ang teksto ay kumikilos bilang “mga input.” Ang proseso ng pagbasa ay hindi umiikot sa teksto ngunit sa paligid ng konsepto o pag-iisip na nilikha sa ulo ng mambabasa.