Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin ang pahayag sa bawat bilang. .
MELC’s Baitang 8 Ikatlong Markahan
LAYUNING PAMPAGKATUTO
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
• nakikilala ang positibo at negatibong pahayag;
• napahahalagahan ang impak ng positibo at negatibong pahayag; at
• nakasusulat ng mga halimbawa ng positibo at negatibong pahayag.
https://www.youtube.com/watch?v=4GAiJxdczG0
Integrasyon (English 8)
EN8RC-IIIg-3.1.12
Sagutin ang mga tanong.
• Ano ang katuturan sa pag-aaral ng positibo at negatibong pahayag?
• Kung ikaw ang mapagsasabihan ng isang positibong pahayag, ano ang iyong mararamdaman?
•Kung mapagsasabihan ka naman ng negatibong pahayag, ano naman ang mararamdaman mo?
• Ano ang larawan ng isang mundo na puno ng negatibong pag-iisip?
• Ano naman ang larawan ng isang mundo na puno ng positibong pag-iisip?
• Bakit mahalagang matutuhan ninyo ang wastong paggamit ng positibo at negatibong pahayag?
BALIK-ARAL
• Ano ang genre ng kuwentong ating tinalakay noong nakaraan?
• Ano ang pamagat ng mga kuwentong ito?
• Paano makikilala ang ganitong uri ng kuwento?
• Ano ang paksang pinag-uusapan sa binasang komentaryong panradyo
• Paano ipinahayag ng mga komentarista ang kanilang saloobin sa paksang pinag-uusapan?
• Alin sa kanilang pahayag ang maituturing mong negatibo? Bakit?
• Alin ang positibo? Bakit?
Pangkatang Gawain
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang gawain.
1. (Verbal-Linguistic)
Magsagawa ng isang maikling talk show panradyo na ginagamitan ng positibo at negatibong pahayag.
2. (Logical-Mathematical)
Sumulat ng limang positibong pahayag at limang negatibong pahayag.
3. (Visual-Spatial)
Gumuhit ng isang larawan ng mundong malayo sa negatibong pag-iisp ang mga tao.
4. (Musical-Rhythmic)
Bumuo ng isang awiting nagpapahayag sa kahalagahan ng positibo at negatibong pahayag.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Kahusayan sa gawa - 20 pts.
Pagkamalikhain - 10 pts.
Basahin ang bawat pangungusap. Gawing positibo pahayag ang negatibong pangungusap at gawing negatibong pahayag ang positibong pangungusap.
1) Napakahusay ng nabuong plano upang masolusyunan ang problema.
2) Hindi ko gusto ang taong mapamintas.
3) Gustong-gusto ko ang mamasyal tuwing Sabado.
4) Hangang-hanga ako sa pagiging mapagkumbaba ni Allan.
5) Hindi ko natipuhan ang pagdadabog ng aking kapatid kanina.
6) Si Jose Rizal ay hindi karapat-dapat maging pambansang bayani ng Pilipinas.
7) Masarap daw ang kumain sa bukid ayon kay Jose.
8) Sa mata ni Liam, si Lapu-lapu ang pinakaduwag na bayani.
9) Para kay ZJ, ang kanyang ama ang hindi mahusay na mang-aawit.
10) Batay sa resulta ng imbestigasyon, si Juan nga ang nagnakaw sa pera.
KASUNDUAN
Pag-aralan ang mga pahayag na opinyon, katotohanan at hinuha.