Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

MERKANTILISMO

MERKANTILISMO

GABAY NA TANONG

GABAY NA TANONG

GABAY NA TANONG

1.Ano ang ibig sabihin ng merkantilismo?

2. Ano ang layunin ng merkantilismo?

3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe?

GABAY NA TANONG

4. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampulitika rin ang layunin ng merkantilismo?

5. Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismong ekonomiko?

6. Ano ang kahulugan ng bullionism?

7. Ano-ano ang mga epekto ng merkantilismo?

KAHULUGAN, LAYUNIN, PINAGMULAN

ANO ANG IBIG SABIHIN NG MERKANTILISMO?

  • Ang kayamanan ng isang bansa ay nakabase sa dami ng ginto at pilak.

  • Patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sa pag-iipon ng mahahalagang metal tulad ng ginto at tanso.
  • Isang sistema sa pamamagitan ng pamahalaan upang itaguyod ang kayamanan at kapangyarihan ng estado.
  • Patakarang pang-ekonomiya na umiral sa Europa noong ika-16-18 siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan.
  • Ang kapangyarihan ng isang bansa ay lumalakas kapag mas malaki ang pagluluwas (export) kaysa sa pag-angkat(import).

ANO ANG LAYUNIN NG MERKANTILISMO?

Itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa.

PAANO NAGSIMULA AT NAKATULONG ANG MERKANTILISMO SA PAGLAKAS NG EUROPE?

  • Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa.

  • Hango sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America .

3 PANINIWALA

3. Ang pakikialam ng gobyerno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran, kapag pinairal ito upang matamo ang kaunlaran ng bansa.

1. Ang pagluluwas ay mainam sa kalakalan para sa loob ng bansa at sa mga karatig lugar.

2. Ang kayamanan ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong ginto at pilak.

  • Ang patakarang merkantilismo ay umunlad sabay ng pag-unlad at pagtaas ng mga bansang-estado.

BAKIT SINASABING HINDI LAMANG PANG-EKONOMIYAA KUNDI PAMPULITIKA RIN ANG LAYUNIN NG MERKANTILISMO?

Politikal ang pangunahing layunin sapagkat hindi upang palawakin ang kalakalan kundi upang magkaroon ng malaking kitang magbibigay -daan upang ang hari ay:

1. Makapagpagawa ng mga barko.

2. Pondohan ang kanyang hukbo.

3. Magkaroon ng pamahalaang katatakutan at irerespeto sa buong mundo.

ANO ANG KAHULUGAN NG NASYONALISMONG EKONOMIKO?

NASYONALISMONG EKONOMIYA

Kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan.

KAHULUGAN

Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan.

Pinasigla ang mga industriya ng pagmamanupaktura dahil ito ang nagbibigay ng buwis na siyang sumusuporta sa gastusin ng gobyerno.

BULLOINISM

ANO ANG KAHULUGAN NG BULLOINISM?

Sentral sa Merikantilismo

Ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito.

Kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis.

Mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa.

EPEKTO NG MERKANTILISMO

EPEKTO

Napalakas ang kapangyarihan ng mga bansang mananakop.

UNA

Ginalugad at sinakop ng mga merkantilista ang mga lupain na makapagtutustos sa kanilang ginto o maging kalakal na likas na wala sa kanilang mga hawak na bansa.

Halimbawa: Pagkolonya sa Pilipinas

Hindi pinahintulutan ang mga kolonya na magtatag ng mga industriyana maaaring kakompetensiya nila sa paglikha ng mga produkto.

Naging tungkulin ng mga kolonya ang pagtustos ng mga panangkap at pagkonsumo ng mga kalakal na ginawa ng bansang nanakop.

Nagbigay-daan sa pag-aagawan sa kolonya sa bagong daigdig.

PANGALAWA

PANGATLO

Yumaman ang Portugal dahil sa kalakalan ng mga alipin (Africa) at spices o pampalasa (Asya).

PANG-APAT

Lumawak ang dating maliit na kalakalan sa Mediterranean dahil sa Panahon ng Eksplorasyon.

Naging pandaigdig na rin ang lawak ng kalakalan sa pagbubukas ng ibang ruta sa kalakalan.

PANGLIMA

Nagwakas ang monopolyo ng Venice, Genoa at Pisa.

PANG-ANIM

PANGPITO

Naging mahahalagang daungan ng mga kalakal ang Lisbon, Bordeaux, Liverpool, Bristol at Amsterdam.

PANGWALO

Nagbunga ng pagdami ng mga uri ng kalakal na ipinagbibili sa pandaigdig na pamilihan sa Europa.

  • Hilagang Amerika – mais
  • Kanlurang Indies – pulot at rum

  • Timog Amerika – kakaw at quinine (puting substance na nakukuha sa balat ng punong-kahoy)

  • Aprika – garing o pangil ng elepante(ivory), balahibo ng ostrich at alipin

HALIMBAWA

PANGSIYAM

Malaki ang kaugnayan ng pagkakatuklas at paggalugad sa pagdami ng mahahalagang metal na ikinakalakal.

Mexico

Bolivia

Peru

PANGSAMPU

Nabigyang-daan ang pagdami ng metal ang pagsulong ng kapitalismo.

Ginamit ng mga tao ang ginto at pilak bilang salapi at hindi bilang kalakal.

1.Nagbago ang sistema ng palitan ng mga kalakal.

2. Nalinang ang bagong konsepto ng paghahangad ng tubo (profit) at pangangalakal.

RESULTA

Matagumpay na pinaunlad ng merkantilismo ang industriya at mga pook kolonyal.

Ngunit ang tagumpay ay nagbigay ng malaking pagtutol sa patakarang merkantilismo ng ilang mga tao sapagkat lalong yumaman ang mga makapangyarihang bansa.

Umani rin ng negatibong reaksiyon at pagbatikos ang paggamit ng ilang mananakop na bansa sa kanilang mga kolonya sa kalakalan sa ibang mga bansa.

MALAYANG KALAKALAN

ANO ANG IBIG SABIHIN NG MALAYANG KALAKALAN?

KAHULUGAN

Isang patakaran kung saan ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok sa mga pagluluwas ng mga kalakal.

Ang hindi nangingilala o nakikialam na pamahalaan ay hindi nagsasagawa ng paglalapat ng mga taripa sa mga inaangkat na bagay o ng mga tulong na pondo o tulong na pananalapi para sa mga bagay na iniluluwas.

ADAM SMITH

Scottish Economist

Isinulat ang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of the Nations”

Binigyang-diin na ang gobyerno ay hindi dapat makilahok sa mga negosyo sapagkat may likas na puwersa na tutulak sa isang malakas na ekonomiya.

GAWAIN

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi