Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sa ilalim ng ganitong sistema, walang sinoman sa prodyuser at konsyumer
ang maaaring makakontrol sa takbo ng pamilihan partikular sa presyo. Ito ay
nangangahulugang hindi kayang idikta nang isang prodyuser at konsyumer ng
mag-isa ang presyo.
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal.
Sa panig ng prodyuser, hindi nila ito kayang kontrolin sapagkat
maraming nagtitinda ng magkakaparehong uri ng produkto at serbisyo sa
pamilihan. Dahil dito, ang mga konsyumer ay may pamimilian kung saan at
kanino bibili ng isang partikular na produkto o serbisyo. Ito ay nangangahulugan
ng balangkas na lubhang napakaliit ng prodyuser kumpara sa kabuuang bilang
ng mga prodyuser sa pamilihan.
Sa panig naman ng mga konsyumer, walang sinoman ang may
kakayahang idikta ang presyo dahil lubha rin silang napakaliit kumpara sa
buong bilang ng maaaring bumili ng produkto o serbisyo. Dahil dito, ang lahat
ng prodyuser at konsyumer ay mapipilitang magbenta at bumili ng produkto at
serbisyo sa itinakdang presyo ng ekwilibriyo ng pamilihan. Ang sitwasyong ito
ay ipinaliliwanag ng konsepto ng price taker na kung saan ang prodyuser at
konsyumer ay umaayon lamang sa kung ano ang takbo ng presyo sa pamilihan
at walang kapasidad na magtakda ng sarili nilang presyo.
Ayon kay Paul Krugman at Robin Wells sa kanilang aklat na Economics
2nd Edition (2009).
Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser – Dahil sa marami at maliliit
ang konsyumer at prodyuser, walang kakayahan na maimpluwensiyahan
ang presyo na papabor sa interes ng sinoman sa pamilihan.
Magkakatulad ang produkto (Homogenous) – Ito ay nangangahulugang
maraming produkto na magkakatulad kung kaya’t ang konsyumer ay
maraming pagpipilian. Halimbawa, ang pechay, na galing sa Benguet ay
walang pagkakaiba sa pechay na galing sa Nueva Ecija.
Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon – Dahil walang direktang
sangkap para makabuo ng mga produkto. Bunga nito, maraming produkto
ang nagkakatulad na maaaring ipagbili sa pamilihan.
may kontrol sa mga salik ng produksiyon, maraming mapagkukunan ng mga
Malayang pagpasok at paglabas sa industriya – Ang pamilihan partikular
na ang sistema ng pagnenegosyo ay bukas sa lahat ng may kapasidad
na maibahagi. Walang kakayahan ang mga dating prodyuser na sila ay
hadlangan o pagbawalan sa pagpasok sa pamilihan. Ito ay nakatutulong
upang paigtingin ang kompetisyon sa pamilihan na nagdudulot para
siguraduhin ng mga prodyuser na ang kanilang produkto ay may mataas na
kalidad at tamang presyo upang tangkilin ng mga konsyumer.
Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan – Dahil ang sistema ay
malaya, ang pagdaloy ng impormasyon lalo na sa pagtatakda ng presyo
at dami ay bukas para sa kaalaman ng lahat. Malayang makagagawa at
makapagbebenta ang isang prodyuser sa pamilihan. Gayundin, ang mga
konsyumer ay malaya kung bibili o hindi bibili ng mga produkto at serbisyo
sa pamilihan.
Ang halimbawa nito ang ay mga panindang gulay, isda, karne sa palengke.