Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

b

Y

X

2

g

m

1

p

Pagsusuri sa

Makabagong Anyo ng

Wika Dulot ng Paggamit

ng Teknolohiya

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sandigan Nito

Panimula

Sa ating panahon ngayon, teknolohiya na ang mas malawak na umuusbo...

Sa ating panahon ngayon, teknolohiya na ang mas malawak na umuusbong

sa mga makabagong kabataan sa ating bayan o ang tinatawag nating mga post millennials. Sila ang nagbibigay daan sa paglikha

ng mga makabagong wika at mga terminolohiya na nauuso sa ating lipunan ngayon. Maituturing nating panahon ng mga malilikhaing tao ang ika-21

na siglo sapagkat nakabubuo sila ng makabagong imbensyon at

nakatutuklas ng mga makabuluhang kaalaman.

Ang ating wika ay kaalinsabay ng umuunlad ng ating kultura. Ang dalawang ito ay hindi maaaring mapaghiwalay, marahil may mga pagkakataong ang mga salita na may kaugnayan sa ating kultura ay hindi kayang matumbasan ng iba pang mga wika. Bumababa ang antas ng pagkapormal ng mga salita habang patuloy ang paggamit ng mga impormal na salita.

Tila ba dumarami na ang nagaganap na pagbabago sa ating wika. Dahil dito, naaapektuhan ang palabaybayan ng wikang Filipino. Nagkakaroon ng pagbabagong bihis ang mga salita na nagiging mas komprehensibo at mas madaling maunawaan dahil sa hiram nitong mga titik at pantig. Dito rin natin masisilayan ang mga pagbabagong patuloy na nagaganap sa wika dahil sa impluwensiya ng teknolohiya at umuusbong nating kultura.

Ang pananaliksik-papel na ito ay tumutukoy sa kung ano na nga ba ang pinagbago ng ating wika simula nang dumating ang makabagong henerasyon. Dito rin natin masisilayan ang mga pagbabagong patuloy na nagaganap sa wika dahil sa impluwensiya ng teknolohiya at umuusbong nating kultura.

Layunin ng Pag-aaral

  • Pag- aralan ang pagbabagong anyo ng wikang Filipi...
  • Pag- aralan ang pagbabagong anyo ng wikang Filipino.

  • Mapalawak ang kaalaman ng tao sa ating wika.

  • Masuri ang pagbabagong naganap sa ating wika dahil sa teknolohiya na nagiging malaking impluwensiya sa pagbabago at pag- unlad nito.

  • Makatulong sa mga tao upang maunawaan ang mga makabagong salita sa pamamagitan ng pagtukoy sa pinagmulan nito.

Paglalahad ng Suliranin

Sa aming pananaliksik na may paksang “Pagsusuri sa Makabagong Anyo ...

Sa aming pananaliksik na may paksang “Pagsusuri sa Makabagong Anyo ng Wika Dulot ng Paggamit ng Teknolohiya”, ninanais na masagot ng mga sumusunod na katanungan.

1. Paano nakaaapekto ang pagbabagong anyo ng wika sa pag-aaral ng tao?

2. Paano nakabubuti o nakasasama ang pagbabagong anyo ng wika sa pakikipagtalastasan?

3. Paano nakabubuti o nakasasama ang pag-usbong ng teknolohiya sa paraan ng paggamit natin ng wika?

4.Paano nakaiimpluwensiya ang mga milenyal sa pagbabagong anyo ng ating wika?

5. Paano nakaaapekto ang teknolohiya, ang mga milenyal, at ang pagbabagong anyo ng ating wika sa palabaybayan ng wikang Filipino?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Para sa mga mag-aaral

Para sa mga mag-aaral

Para sa mga guro

Para sa paaralan

Para sa lipunan

Para sa mga dalubwika

Para sa mga susunod pang

henerasyon

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang gagawing pananaliksik ay magaganap sa iba’t ibang paaralan. Ito a...

Ang gagawing pananaliksik ay magaganap sa iba’t ibang paaralan. Ito ang mga paaralan ng Integrated School of Montessori, Inc. at Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan). Ang pagsasagawa ng aming pagsisiyasat ay para sa mga mag-aaral na may edad 14 hanggang 18

at nasa ika-siyam hanggang sa ika-sampung baitang sa Mataas

na Paaralan na may nalalaman sa mga makabagong anyo ng wika o mga salita. Ang pananaliksik na ito ay iikot sa dalawandaan at limampu’t isang (251) mga mag-aaral sa mga nasabing mga paaralan.

Katuturan ng mga Katawagang Gamit

1. Post millennials - sila ang henerasyon kilala bilang Gen. Z. Sila ang mga tao...

1. Post millennials - sila ang henerasyon kilala bilang Gen. Z. Sila ang mga taong nagpausbong sa makabagong anyo ng wika.

2. Palabaybayan - ito ang nagbabago o umuunlad habang ang panahon ay umuusbong. Ito ay nagbabago dahil sa iba't ibang salik na nakaaapekto rito.

3. Internet Slang - ito ay varayti ng mga salitang ginagamit ng tao sa internet. Ito ay maaaring pinaigsing mga salita na nauuso.

4. Mass media - ito ay paraan ng komunikasyon na gumagamit ng

telebisyon, dyaryo, magasin, radyo, internet at iba pa na umaabot ng mayayabong na bilang ng mga tagatangkilik.

5. balbal- ito ay nangangahulugang salitang kanto o salitang kalye.

6. lodi – binaliktad na titik ng salitang idol. Ito ay nangangahulugang “hinahangaan” sa wikang Filipino.

7. petmalu – binaliktad na pantig ng malupet o malupit.

8. werpa – binaliktad na pantig ng salitang Ingles na power.

9. walwal – Ito ay nangangahulugang uminom, magsaya o magdiwang.

10. charot – nangangahulugang isang biro lamang ang unang pahayag na nabanggit sa isang pag-uusap.

Kabanata II 

Teoretikal na Balangkas  

Kabanata II 

Teoretikal na Balangkas  

Kaugnay na

Teorya

Ayon sa artikulong isinulat ni Cohn, C.(n.d.), na Social Media’s Effect ...

Ayon sa artikulong isinulat ni Cohn, C.(n.d.), na Social Media’s Effect on Language, kailangan nating makipagsabayan sa wika ng mga post millennials na nakukuha nila sa mga makabagong teknolohiya. Kapag tayo ay hindi nakipagsabayan sa wika ng mga ito, maaaring maganap ang nasasaad sa Tore ni Babel sa ating mundo. Ang Tore ni Babel ay nasasaad sa Bibliya at pinaniniwalaang pinagmulan ng wika ng tao. Inilalarawan rito na hindi lahat ng salita ay may pinagmulang wika dahil ang iba ay kusang umuusbong na lamang.  

Kaugnay ng

Pag-aaral

Pagpapabuti ng kahusayan at pagkakaroon ng maganda...

Pagpapabuti ng kahusayan at pagkakaroon ng magandang komunikasyon ang dalawang magandang dulot ng teknolohiya ayon kay Ponce, C. (2017), sa kanyang artikulo tungkol sa mabubuti at di- mabubuting dulot ng teknolohiya sa pag-aaral.

Ayon sa pananaliksik-papel ni Diama, J.T. (2015), sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami na ring pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga social networking sites, text messaging, mass media at iba pa. Ayon dito, dahil sa laganap ang iba’t ibang uri ng media ay mabilis na magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao. Ito ang naging dahilan upang makabuo ng maraming makabagong salita na hindi nararapat na mabuo sapagkat ito ay hindi naaayon sa lenggwaheng nakasanayan natin.

Ayon kay Manibo, P. (2016), ang mass media ay malaking impluwensya sa atin. Ang mga napapanood ng tao sa telebisyon ay nakakaapekto sa ating wika sa pamamagitan ng paggamit ng mga pinaikling salita, mga makabagong salita, mga masamang salita, at iba pa.

Ayon kay Lumbres, Y. (2016) , sa pag-unlad ng ating bansa nagbabago na rin ang ating sariling wika, ito ay marahil sa iba’t ibang uri ng pakikipagtalastasan gamit ang makabagong teknolohiya. Talamak din ang paggamit ng akronim sa social media kung saan sumasagisag ang iilang letra sa isang salita o sa pagpapakahulugan nito. Isa pa sa nauso sa kasalukuyang panahon ay ang makabagong salita o slang word tulad ng “werpa”. Lalaganap din ngayon ang paggamit ng salitang balbal kung saan ito ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Ayon kay Almario, V., na isinaad ni Jimenez, F. (2014), sa kanyang artikulo tungkol sa pagsabay sa uso ng wikang Filipino, ang wika ay sumasabay sa panahon na kung saan ang makabagong mga salita na madalas gamitin ay nagiging tanyag, ang makalumang salita naman ang naibabaon sa limot at nawala sa sirkulasyon. Sumasang-ayon siya na natural lamang ito lalo na sa panahong mabilis umusbong ang teknolohiya at pabago-bago ng panahon.

Ayon kay Caroll, J. (1964), na isinaad ni Mangyao, R. (2016), sa kanyang pananaliksik-papel, ang wika ay sistema na sumasagisag sa mga nilalaman at tinatanggap ng lipunan at ito ay nagbabago kada henerasyon.

Kaugnay na

Literatura

Isinasaad sa isang pahayagan ng BBC News na malaki ang epekto ng Internet ...

Isinasaad sa isang pahayagan ng BBC News na malaki ang epekto ng Internet sa paglaganap ng makabagong uri ng wika tulad ng “internet slang”. Halimbawa na rito ang mga “memes” kung saan ito ay tinatangkilik ng masa na dumarating sa punto na karamihan ay nakaiintindi nito at ginagamit sa araw-araw na pamumuhay upang gamitin bilang pang komunikasyon. Ayon kay Kleinman, Z. (2010), sapagkat ang wika ay patuloy na nagbabago at umuusbong, ang Internet ang nagpapabilis ng proseso nito.

Ayon kay Davies, S. (2016), maraming mga salita na nabubuo at sumisikat sa social media tulad ng “hashtag” at “photobomb”. Bukod sa pagbubuo ng mga makabagong salita ang social media ay nagdudulot rin ng pagbabago sa kahulugan ng mga makabagong salita.

Ayon kay Glance, D. (2015), sa kanyang pahayagan na The Conversation, na ukol sa pagkakaroon ng makabagong pananalita na may sariling kahulugan ang mga tanyag na bagay at kaganapan ng Google, kung saan kapag sinabi mo na “igo-google kita” ibig sabihin ay maghahanap ka ng impormasyon tungkol sa tao, kung saan naintindihan dahil sa kasikatan ng salita kaya’t alam ang gamit nito sa konteksto ng pananalita. Idinagdag pa niya na hindi ito unang pagkakataon na nangyari ito, ngunit sa tulong ng teknolohiya ay kasabay ng nagbabago ang ating pag isip at nagbabago rin ang wika.

Sinusuportahan ni Reed, J. (2014), ang malaking impluwensiya ng social media sa wika, sapagkat ito ay nagsisilbing pangunahing pamamaraan ng komunikasyon sa mga tao sa kasulukuyan. Naipapasa at nababahagi ang mga nauusong mga salita sa isa’t isa, lalo na kapag ito ay nanggagaling at sinusuportahan ng mga tanyag na indibidwal at mga artista. Ito ay instrumento ng pagbabago na nagaganap sa panahon ngayon, na patuloy na nakahahanap ng sari-saring paraan upang magbago ang wika at ang gamit nito sa araw- araw na pamumuhay.  

Ayon kay Tenore, M. (2013), mayroong mga nakabubuting dulot ang teknolohiya at social media sa wika. Ang ilan sa mga ito ay ang paggawa ng mga bagong salita na may sariling kahulugan na maaaring makabuti sa pakikipag-usap, ang pagkakaroon ng tamang kaalaman sa tamang pamamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang mga sitwasyon, at ang patuloy na pagpapaalala sa tao na patuloy na nagbabago ang wika.

Ayon kay Kolowich, L. (2014), hindi lamang Internet ang nakaiimpluwensiya sa mga makabagong wika ngayon. Nariyan ang mga produktong gawa ng teknolohiya tulad ng mga gadgets na nagpapausbong sa mga ganitong uri ng salita. Mas mabilis din nating naiaangkop ang mga ito kaysa sa mga salitang naituturo sa atin mula pagkabata. Ang mga salitang ito ay nabubuo ng iba’t ibang tao sa buong mundo at kumakalat na lamang sa pamamagitan ng Internet.

Balangkas na Konseptuwal

Balangkas na Konseptuwal

Kabanata III Metodolohiya ng

Pag-aaral

Kabanata III Metodolohiya ng

Pag-aaral

Pamamaraan at

Teknik

Pamamaraan at

Teknik

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibo...

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik ang Descriptive Survey Research Design kung saan gagamit ito ng mga talatanungan (survey questionnaire) para sa pangangalap ng mga datos. Ang paraang ito ay mas magpapadali sa mga mananaliksik upang masuri ang mga nakalap na impormasyon.

Mga Respondente

Talahanayan ng mga Respondente sa Integrated School of Montessori, Inc.

Talahanayan ng mga Respondente sa Integrated School of Montessori, Inc.

Talahanayan ng mga Respondente sa Sacred Heart Academy of Sta. Maria, Inc.

Talahanayan ng mga Respondente sa Sacred Heart Academy of Sta. Maria, Inc.

Talahanayan ng mga Respondente sa Integrated School of Montessori, Inc. ...

Talahanayan ng mga Respondente sa Integrated School of Montessori, Inc. at Sacred Heart Academy of Sta. Maria, Inc.

Instrumento ng Pananaliksik

Instrumento ng Pananaliksik

Sa aming pananaliksik, kami ay gumamit ng Internet upang mangalap ...

Sa aming pananaliksik, kami ay gumamit ng Internet upang mangalap ng impormasyon para sa aming pag-aaral. Nagsagawa rin kami ng survey sa mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng survey questionnaire.

Paglalapat ng Estadistika

Paglalapat ng Estadistika

% =

X 100

Ang gagamitin naming formula sa pag-iinterpreta ng mga nakalap naming datos ay ang Percentage Formula na nasasaad sa ibaba. Dito malalaman ang bahagdan ng mga sumagot sa aming mga katanungan.  

Bilang ng mga sumagot

Kabuuang bilang ng mga respondente

% =

Tritment ng mga Datos

Tritment ng mga Datos

Kami ay gagamit ng Pie Graph upang mas madaling ma-interpreta ang mga kasaguta...

Kami ay gagamit ng Pie Graph upang mas madaling ma-interpreta ang mga kasagutang aming nakalap. Dito maipapakita ang bahagdan ng mga mag-aaral batay sa kanilang mga kasagutan. Gagamit din kami ng Venn Diagram upang mas maipakita ang pagkukumpara sa mga kasagutan ng aming mga respondente.

Kabanata IV Interpretasyon ng mga datos

Tanong Blg. 1

Sa panahon ngayon, masasabi mo bang nagbabago ang ating wika? Ipaliwanag ang kasagutan.

Tanong Blg. 1

Sa panahon ngayon, masasabi mo ba...

Integrated

School of

Montessori, Inc.

Integrated

School of

Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Maraming tao ang nagiimbento ng salita. Nauuso ang mga salita sa social media.

Binabago ang salita.

Pag-usbong ng balbal, gay linggo, conyo at jejemon.

Hindi- Walang nagbabago dahil umuunlad lamang ito.

Tanong Blg. 2

Magbigay ng tatlong makabagong salita ...

Tanong Blg. 2

Magbigay ng tatlong makabagong salita at ibigay ang kahulugan nito.

Mga nangungunang salita:

Mga nangungunang salita:

1. lodi

2. petmalu

3. werpa

4.walwal

5. charot

Tanong Blg. 3

Nakabubuti ba ang pagbabagong anyo ng ating wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay? Bakit?

Tanong Blg. 3

Nakabubuti ba ang pagbabagong anyo ...

Integrated

School of

Montessori, Inc.

Integrated

School of

Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Umuunlad at nagbabago ang wika.

Naapektuhan ang pakikipag-usap.

Mas nagkakaunawaan ang tao.

Hindi- Nakalilimutan ang nakasanayan.

Hindi nagiging tama ang balarila.

Hindi nakabubuti.

Tanong Blg. 4

Anu–ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagbabago sa pagbabagong anyo ng wika? Sa paanong paraan?

Tanong Blg. 4

Anu–ano ang mga salik na nakaaapekto ...

Integrated

School of

Montessori, Inc.

29

0

6

0

Integrated

School of

Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

72

1

25

2

Sacred Heart Academy of

Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Tanong Blg. 5

Nakatutulong ba sa pag-aaral a...

Tanong Blg. 5

Nakatutulong ba sa pag-aaral ang pagbabagong anyo ng ating wika? Sa anong paraan?

Integrated School of Montessori, Inc.

Integrated School of Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Napadadali at napabababaw ang salita.

nagkakaroon ng kaalaman kung kailan dapat ito gamitin.

Hindi- Hindi nagagamit sa pormal na pakikipag-usap.

Nakaguguglo sa wika.

Tanong Blg. 6

Paano nakaaapekto ang pagbabagong anyo ng ating wika sa komunikasyon at sa pakikipagtalastasan?

Tanong Blg. 6

Paano nakaaapekto ang pagbabagong anyo ...

Tanong Blg. 7

Malaki ba ang naging papel ng teknolohiya ...

Tanong Blg. 7

Malaki ba ang naging papel ng teknolohiya sa pagbabagong anyo ng ating wika?

Integrated

School of Montessori, Inc.

Integrated

School of Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Dito lumalaganap at kumakalat ang mga salita sa ibang tao.

Dahil sa impluwensya ng social media.

Dito nabubuo ang mga salita.

Tanong Blg. 8

Paano nakaaapekto ang pagbabagong an...

Tanong Blg. 8

Paano nakaaapekto ang pagbabagong anyo ng ating wika sa palabaybayan o ispeling ng wikang Filipino?

Tanong Blg. 9

Nakaaapekto ba ang pagbabagong anyo ...

Tanong Blg. 9

Nakaaapekto ba ang pagbabagong anyo ng wika sa ating kultura? Bakit?

Integrated School of Montessori, Inc.

Integrated School of Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Pagkalimot at pagkawala sa kultura.

Sumasalamin nito ang ating bansa.

Pagdaragdag ng makabagong salita.

Hindi- Hindi ito nagbabago.

Tanong Blg. 10

Sa iyong palagay, nararapat ba...

Tanong Blg. 10

Sa iyong palagay, nararapat bang matutunan ng lahat ng tao ang ganitong uri ng mga salita?

Integrated

School of Montessori, Inc.

Integrated

School of Montessori, Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Sacred Heart Academy of Sta. Maria (Bulacan), Inc.

Mga kadahilanan:

Mga kadahilanan:

Oo- Upang makisabay sa pagbabagong nagaganap.

Nakatutulong sa komunikasyon.

Hindi- Hindi ito nakabubuti sa tao.

Kailangan maisaayos ang ating wika.

Dahil nakalilimutan natin ang orihinal nating wika.

Kabanata V

Paglalagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Kabanata V

Paglalagom, Kongklusyon, ...

Paglalagom

Kongklusyon

Rekomendasyon

Salamat po!

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi