Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Pebrero 6, 2020

Huwebes

Introduksyon

  • Kailan at Saan ninyo ito madalas makikita?
  • Anu anong tradisyon ng mga Pilipino ang alam ninyo?

Pista

Pagganyak

Panuto: Kumpletuhin ang concept cluster na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ideyang inyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna

Pagmomodelo

Isa sa mga tradisyong Pilipino ang pagdaraos ng pista. Ang

Kaugaliang ito ay impluwensiya ng mga Espanyol na nanakop

Sa bansa. Ang pista ay taunang pagdiriwang ng isang bayan sa

Kaarawan ng patrong kinikilala roon.

May kani-kaniyang paraan ng pagdaraos ng pista ang bawat bayan

Sa Pilipinas. Ang sumusunod ay isang makulay na paglalarawan ng

Pista sa isang bayan. Sa panahon ngayon na mahirap ang buhay.

Dapat pa bang ipagpatuloy ang tradisyong ito?

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa

Aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at

Masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi

Magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang

Mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa

Ibang bayan.

Walang tigil ang masipag na banda ng musiko

Sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng

Masiglang tugtugin. Umaambag din sa sigla at saya ang

Malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at

Pondahan at maging sa mga tahanan man.

Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga

Panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may

Makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas

Na may iba-ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na

Lansangan at maging sa maliliit na kalye man.

Naku, higit sa lahat, kabi-kabila ang handaan. May

Naglilitson doon at dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang

Nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran.

Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan

Ang inihandang mga pagkain ng magkakamag-anak,

Magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapos-

Tapos. Ganiyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang

Pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang

Espiritwal ng okasyon.

E, bakit nga ba may pista? Hindi ba't nagdudulot lamang

Ito ng malaking gastos? Hindi ba't malaking pag-aabala ito?

Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang

Pagpipista at pamimista. Ito'y isang kaugaliang minana pa

Natin sa ating mga ninuno.

Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal

Sa mga biyayang ipinagkaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw

Ng pagdakila, pagpupuri, at pagpaparangal sa Panginoon.

Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan

Ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na

Ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Fran-

Cisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal

Na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni

San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng

Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ano ang pista?

1. Bakit may pista?

2. Ilarawan ang pagdiriwang ng

pista

sa tesktong binasa.

3. Sang- ayon kaba na ipagpatuloy

ang tradisyon ng pagdaraos ng

pista? Ipaliwanag

Pagsasanay

Sinulog

Tukuyin ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar. Gamitin ang diksyunaryo. Isulat ang sagot sa pisara.

* magkamayaw

*nagpapagaraan

*bunghalit

*banderitas

*umaambag

January in Cebu

Gawain ng Grupo

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging pamilyar at di pamilyar sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga karanasan. Ibigay ang kahulugan.

Isahang Pagsasanay

Ano ang natutunan mo sa aralin? Naibigay mo ba ng wasto ang mga

Kahulugan ng mga salitang pamilyar at di –kilala?

Paano at ano ang iyong ginawa?

Watttah- Wattah

Pagtataya

Higantes

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng salitang naka highlights. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

1. Ang mga talipandas ay pumupunta sa

handaan kahit hindi inimbita.

2. Ang mga may kapansanan ay may

kakayahang maghanapbuhay.

3. mabuhay ng may dignidad ang mga tao

4. Ang kahirapan ay hindi sagwil sa

edukasyon.

5. Ang buhay ng taong dakila ay

magniningning sa lipunan.

Takdang Aralin

Magbigay ng 5 salitang pamilyar at 5 di kilala/ di pamilyar sa iyo. Ibigay ang kahulugan nito.

Topic

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi