Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Naisipan namin ng aking mabuting kapatid na mag mungkahi ng bagong proseso sa pagpapagawa ng baril upang mapadali ang trabaho ng itim na panday at panday-armas.
Sa mga nagdaang araw, nagkaroon ng kakulangan sa mga materyales sa paggawa ng baril habang ang pangangailangan ng mga mamamayan ay patuloy na tumataas.
Ang resulta ay ang pag gugol ng mga panday ng maraming oras sa minahan upang makakuha ng materyales.
Sa kahirapan makakuha ng materyales, ang mga panday ay napipilitan ubusin ang sariling oras sa minahan. Ang resulta ay pagkabagot sa trabaho, pagkalungkot, pagkaumay, at pagka-stress upang mapunan ang ipinalista na kagamitan ng mga mamamayan. Sa parehong oras, ang mamamayan ay dumadagsa sa himpilan ng mga panday upang makakuha ng baril. Sa kawalan ng materyales, ang mga mamamayan ay umuuwing luhaan dahil walang maibentang armas ang mga panday.
Solusyon
Ang solusyon ay hikayatin ang mga mamamayan na mag mina ng mga materyales na kinakailangan upang magawa ang kanilang armas. Sa ganitong paraan, mapapagaan ang trabaho ng mga panday at ganahan na maglakbay sa maharlika at makisalamuha sa bawat miembro ng bayan.
Sa pagsunod sa itinalagang mungkahi, mapapagaan ang trabaho ng mga panday at bigyan ng motibasyon ang bawat miyembro ng bayan na magmina para sa kanilang armas.
Magmimina ng materyales ang mamamayan
Bibilin ng itim na panday ang mga materyales sa mamamayan
Gagawin ng panday ang weapon kit
Ibibigay sa panday armas ang weapon kit para buuin at ibenta sa mamamayan
Makikita sa ibaba ang kasalukuyang dami ng materyales para mabuo ang mga weapon kits sa 'Dati'.
Makikitang doble ang materyales na kinakailangan sa 'Pagkatapos' upang hikayatin ang mga mamamayan na maglaan ng oras sa pagkuha ng materyales at upang magkaroon ng 'imbak' ang mga itim na panday.
Pagkatapos
Dati
Revolver Kit
Repeater Kit
Mga Benepisyo ng Bagong Proseso