Business Processing Outsourcing
Business Process Outsourcing
BPO
- Tinatawag ding “sunshine industry” dahil ang operasyon ay kabaligtaran sa ating mga industriya.
- Ito ay isang uri ng outsourcing kung saan ang ilan sa mga kompanya na may mga sobrang trabaho ngunit kulang sa tao ay kumukontrata sa isang third-party provider upang matugunan ang mga trabahong hindi na kaya ng isang kompanya dahil kulang sa tao.
Call Center
Call Center
- Ito ay isang sentralisadong opisina na tumutugon sa mga tawag ng kostumer o parukyano kung sila’y may kailangang impormasyon, katanungan, o reklamo hinggil sa mga produkto o serbisyong ibinibigay ng isang kompanyang multinasyonal.
- Sila ay kinokontrata ng mga kompanyang kadalasan ay nakabase sa ibang bansa, pangunahin sa Estados Unidos upang pangasiwaan ang kanilang yunit na serbisyo para sa mga kostumer.
Ang Pamahalaan at ang BPO
Ang Pamahalaan at ang industriya ng BPO
Ayon sa ating pamahalaan, BPO raw ang maaaring sagot sa malaking bilang ng mga walang trabaho. Sa katunayan, isa sa labor agenda ng administrasyon ng dating Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagpapayabong sa industriya ng BPO.
Batay sa pag-aaral at ayon sa Associated Chambers of Commerce and Industry of India, noong 2014 pa lamang ay nahigitan nan g Pilipinas ang India sa industriyang ito. Tinawag na “BPO capital of the World” ang Pilipinas. Pero malinaw na hindi pa rin nito nagawang makapag-empleyo ng sapat o mabawasan man lang ang malaking bilang ng walang trabaho sa Pilipinas.
Ang kasalukuyang Estado ng mga Isyu sa BPO
Kasalukuyang estado ng mga Isyu sa BPO
- Kasiguraduhan sa trabaho
- Problema sa iskedyul
- Pagbabawal sa pagbuo ng unyon