Kabutihan ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
(Ikaapat na Grupo)
Macatangay, Trisha Mae
Macatangay
Panuto:
Ayusin ang mga "jumbled letters" para makabuo ng mga salita. TANDAAN na ang unang makapag- taas nang kamay ay ang siyang tatawagin ng mga reporter na nasa unahan at siyang magkakaroon ng pagkakataon upang makasagot.
Ang mga salitang inyong mabubuo ay mayroong karampatang premyo. Kapag nanalo na ng isang beses ay hindi na maaari pang makasagot muli "tandaan na mahalagang magbigay pagkakataon para sa iba nating kamag- aaral" (give chance to others)
Panuto
Premyo
Kapag tama ang sagot, kukuha ang nanalo nang isang papel mula sa ating sobre at kung anong numero ang kaniyang mabubunot ay may katumbas na premyo.
Premyo
1. HNOKLAOTIYE
"Jumbled Letters"
(1) Kabutihan ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
(1)
(2) Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
(2)
(3) Paggamit ng Teknolohiya Upang Sagutin ang isang Usapin
(3)
(4) Mga Teorya na may Kaugnayan sa Teknolohiya
(4)
(5) Mga Dulog Deskriptibo (Descriptive Approaches)
(5)
Bilang isang mag- aaral gumagamit ka ba ng Teknolohiya?
Kabutihan ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
(1) Kabutihan ng Teknolohiya
Gampanin ng Teknolohiya sa Edukasyon
Malaki ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pagpapanday ng karunungan ng mga mag- aaral sa anumang akademikong institusyon sa Pilipinas at maging saan mang panig ng mundo katulad ng mga sumusunod:
1
1. Ang teknolohiya ay nakatutulong sa indibidwal na proseso ng pagkatuto ng bawat mag- aaral.
2
2. Ginagamit na rin ang teknolohiya sa interaksyon ng mga mag- aaral at dalubguro sa loob ng klase.
Halimbawa: Projector at Laptop (PowerPoint Presentation)
3. Malaki ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag- aaral na magsulat at magbaybay.
Halimbawa: Youtube
3
4. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para sa mga pangkatang gawain at pagkatuto ng mga mag- aaral.
Halimbawa: Smartphone (Group chat), Laptop o Kompyuter (paggawa ng mga powerpoint presentations)
4
5
5. Inihahanda ng teknolohiya sa klase ang mga mag- aaral sa totoong mundo ng trabaho na kailangan nilang harapin sa hinaharap.
6. Ginagawang simple ng teknolohiya ang trabaho ng isang dalubguro.
6
Negatibong Dulot ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
(2) Negatibong Dulot
1. Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya dahil na rin sa halaga na kailangang gugulin upang magkaroon nito para sa bawat mag- aaral.
2. Maaari itong makasagabal sa mga gawaing pagkatuto dahil sa mga applications o aaplikasyon na taglay nito, tulad na lamang ng Facebook, YouTube, Twitter, at marami pang iba.
3. Ang paggamit ng teknolohiya ay nangangailangan ng ibayong pagsasanay o kasanayan ng parehong dalubguro at mga mag- aaral.
Paggamit ng Teknolohiya Upang Sagutin ang isang Usapin
(3) Paggamit ng Teknolohiya
1. Pagtukoy at pag- unawa sa suliranin sa pamamagitan ng obserbasyon.
2. Pagbuo ng plano kung paano dapat na bigyan ng solusyon ang suliranin;
3. Pagpapatupad o implementasyon ng plano;
4. Pagsusuri o ebalwasyon sa isinagawang implementasyon ng plano.
Ang mga sumusunod ay mga proseso na dapat isaalang- alang upang solusyunan ang isang suliranin gamit ang teknolohiya:
(4) Mga Teorya
Mga Teorya na may Kaugnayan sa Teknolohiya
Ang pag- aaral sa teknolohiya ay maaaring ikategorya sa:
Mga Kategorya
Deskriptibo na teorya-
ang deskriptibo na teorya ay isang pagtatangka na sagutin o tukuyin ang kahulugan at kabuluhan ng teknolohiya.
1. Deskriptibo na Teorya
Kritikal na teorya-
ay kadalasang ginagamit ang teoryang deskriptibo bilang batayan ng artikulasyon ng kanilang mga usapin, pagsusuri kung anong pamamaraan ng ugnayan ang maari pang baguhin.
2. Kritikal na Teorya
Mga Dulog Deskriptibo
(5) Mga Dulog Deskriptibo
1 at 2
1. Panlipunang Pagbuo ng Teknolohiya (Social Construction of Technology- SCOT)
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na hindi ang teknolohiya ang nagpapasya sa kilos o aksyon ng tao, bagkus ang kilos o aksyon ng tao ang siyang bumubuo o gumagawa ng teknolohiya. Kasama sa pangunahing konsepto nito ang mga sumusunod:
A. Interpretative Flexibility
Nangangahulugan ito na mayroong pleksibilidad kung paano nag-iisip ang tao o kung paano niya binibigyan ng interpretasyon ang artifacts, maging kung paano nagkakroon ng pleksibilidad kung paano hinulma o binigyang disenyo ang artifacts.
B. Relevant Social Group
Inilalarawan nito ang pangkat na mayroong magkakatulad na pagpapakahulugan hinggil sa artifact;
C. Closure and Stabilization
Ipinapakita kung paanong ang isang mahalagang pangkat ay nakaaabot sa mabuting pagpapasya o consensus;
D. Wilder Context
Ang sosyo- kultural at kalagayang pampulitika ng isang pangkat sa lipunan ay hinuhulma ang kanyang norms at values, na sa bandang huli naman ay nakaiimpluwensiya sa kahulugan na ibinibigay sa artifact.
2. Actor- network theory (ANT)-
Nagtataglay ito ng magkakahalong network (heterogenous network) ng mga tao at mga hindi tao (humans and non- humans) bilang magkakapantay na magkakaugnay na mga aktor. Pinagsusumikapan nito na maging patas sa deskripsyon ng tao at mga hindi tao na kasangkot at ang reintegrasyon ng likas at lipunan ng mundo.
Halimbawa: Si Latour (1992) ay nagbigay ng argumento na sa halip na tayo ay mangamba na iugnay ang anyo ng tao o personalidad sa mga hindi tao ay katulad ng teknolohiya, maaari naing akapin ito dahil ito ang katotohanan: na ang teknolohiya ay ginawa ng tao, kapalit ng kilos o gawi na nagagawa ng tao, at hinuhulma ang aksyon o kilos ng tao.
BUOD
KABUTIHAN AT KASAMAANG DULOT NG TEKNOLOHIYA SA LARANGAN NG EDUKASYON
►Kabutihang dulot ng Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
1. Nakatutulong sa proseso ng pagkatuto ng mga mag- aaral
2. Ginagamit bilang paraan ng interaksyon ng mga mag- aaral at dalubguro sa loob ng silid- aralan.
3. Nakatutulong upang mahasa ang kakayahan ng mga mag- aaral na magsulat at magbaybay.
4. Malaking papel ang gampanin ng teknolohiya sa mga pangkatang gawain at pagkatuto ng mga mag- aaral.
5. Inihahanda ng teknolohiya ang mga mag- aaral sa totoong mundo ng trabaho na kailangan nilang harapin sa hinaharap.
6. Malaking tulong ang nagagawa ng teknolohiya upang mas mapadali ang Gawain o trabaho ng mga dalubguro.
• Negatibong dulot nang Teknolohiya sa Larangan ng Edukasyon
1. Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit ng teknolohiya.
2. Kakulangan ng sapat na badyet o halaga na kailangang gugulin upang magkaroon ng teknolohiya ang bawat mag- aaral.
3. Ang paggamit ng iba’t- ibang social media na aplikasyon gaya ng Facebook at YouTube ay maaaring makasagabal sa mga gawaing pagkatuto.
4. Kinakailangan ng ibayong pagsasanay ng mga dalubguro at mag- aaral sa paggamit ng teknolohiya.
• Paggamit ng Teknolohiya upang sagutin ang isang usapin
Proseso na dapat isaalang- alang upang masolusyunan ang isang suliranin gamit ang teknolohiya:
1. Pagtukoy at pag- unawa sa suliranin o obserbasyon
2. Pagpaplano ng solusyon ng isang suliranin
3. Implementasyon ng plano;
4. Pagsusuri o ebalwasyo ng isinagawang implementasyon ng plano.
• Dalawang Kategorya ng Teorya na may Kaugnayan sa Teknolohiya
Deskriptibong Teorya- na isang pagtatangka na sagutin o tukuyin ang kahulugan ng teknolohiya.
Kritikal na Teorya- na kadalasang ginagamit ang teoryang deskkriptibo bilang batayan ng artikulasyon ng mga usapin.
• Mga Dulog Deskriptibo o Descriptive Approaches
Panlipunang Pagbuo ng Teknolohiya (Social Cosntruction of Technology- SCOT) –kung saan ang teoryang ito ay nakatuon sa kilos o aksyon ng tao na siyang gumagawa ng teknolohiya. Ito ay mayroong apat na konsepto:
a. Interpretative Flexibility
b. Relevant social group
c. Closure and stabilization
d. Wider context
2. Actor- network theory (ANT)
Na kung saan ito ay nagtataglay ng magkakahalong network (heterogenous network) ng mga tao at mga hindi tao (humans and non- humans) bilang magkakapantay na magkakaugnay na mga aktor.
Panuto
Panuto:
Ang bawat pangalan/ apelyido ng mag- aaral ay may katumbas na emoji. Sa larong ito, kung sinong emoji o kung kaninong pangalan ang unang makaabot o makapunta sa finish line ang siyang sasagot sa inihanda naming katanungan. Ang tamang sagot ay may katumbas na premyo.
TANDAAN: Ang mananalo o mayroong tamang sagot ay bubunot nang isang pirasong papel mula sa loob ng kahon at kung anong numero ang kaniyang mabunot ay mayroong katumbas na premyo.
1. Magbigay nang dalawang kabutihan ng teknolohiya sa larangangan ng edukasyon.
Mga Katanungan
2. Bakit nasabi na maaaring makasagabal ang mga social media na nabanggit sa gawaing pagkatuto?
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng teknolohiya sa mga pangkatang gawain.
4. Paano masusuri ang isinagawang implementasyon ng plano?
5. Ibigay ang pagkakaiba ng Deskriptibo na Teorya sa Kritikal na Teorya.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pakikinig!