Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Made by : Bulos and Amper
B
A
B
A
Y
L
A
N
Ika-16 – ika-17 Siglo
Ang mga babaylan, na may tungkuling panrelihiyon na sinasabing tumutukoy sa babae ay mayroon ding lalaking babaylan na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
Hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.”
Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal. Habang sila ay tinatanggap at iginagalang sa lipunang pre-kolonyal, para sa mga Espanyol, ang mga babaylan ay hindi lamang nakalilito, sila rin ay kinatatakutan dahil sa kanilang makapangyarihang posisyon
Ilan sa mga babaylang ito ay nag-iba ng gampanin dahil sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mula noon, ang lipunang Pilipino ay higit sa lahat tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Dito umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Sumunod dito ang A Different Love: Being Gay in the Philippines noong 1994 na isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community
Mas umiral pa ang konseptong LGBT, sa tulong ng international media at lokal na interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Maraming pagsulong ang nailunsad na naging daan para sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT.
Naging malaking yugto naman para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap na pagsali ng Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
Ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992. Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP). Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong 1999.
Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBT.
Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang Ladlad. Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad.