Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Batay sa mga sosyolingguwistikong teorya, ang pagbabago sa wika ay dulot din ng pamamalagay rito bilang panlipunang penomenon. Ibig sabihin, nagkakaroon ng kabuluhan ang anomang salita o pahayag ng individwal kung ito ay nailulugar sa loob ng lipunan at itinatalastas sa kausap o grupo ng mga tao.
Heterogeneous o pagkakaroon ng iba't ibang anyo bunga lokasyong heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, politikal, at edukasyonal na kaangkinan ng partikularr na komunidad na gumagamit ng wika.
Tinutukoy ng kakayahang sosyolingguwistiko ang kakayahang gamitin ang wika nang may naangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa tiyak na sitwsyong pangkomunikasyon.
Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit natin ng pormal na wika ("Magandang araw po! Kamusta po kayo?") sa pakikipag-ugnayan sa mga nakatatanda at may awtoridad, kaiba sa paggamit natin ng impormal na wika ("Uy! Kamusta ka naman?") sa ating mga kaibigan at kapareho ng estado.
Halimbawa, inaasahan sa atin ang paggamit natin ng pormal na wi...
S - Setting and Scene
P - Participants
E - En...
S - Setting and Scene
P - Participants
E - Ends
A - Act Sequence
K - Key
I - Instrumentalities
N - Norms
G - Genre
Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes ...
Nakapaloob ang modelong nasa itaas sa tinatawag ni Hymes na etnograpiya ng komunikasyon. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugang sistematikong pag-aaral sa tao at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.
Bahagi ng kakayahang sosyolingguwistiko ang pagkilala sa mga pagbabago sa wika at pag-aangkop ng gamit nito ayon sa lunan at sitwasyon. Sa mga naunang aralin ay natalakay na natin ang mga varayti ng wika. Ang mga varayti na ito ay nagpapahiwatig ng:
Bilang halimbawa, pansinin ang humig...
Bilang halimbawa, pansinin ang humigit-kumulang na anyo ng diyalektong Cebuano-Filipino, dulot ng hindi pag-uulit ng pantig gaya ng tagalog at hindi paggamit ng panlaping um na hinahalinhan ng panlaping ma-:
"Huwag kang magsali sa laro."
"Madali ang pagturo ng Filipino."
Dahil ang Cebuano (o Sugbuang Binisaya) ay isang tiyak na wikang nagsisilbing unang wika ng tagapagsalita sa mga halimbawa sa itaas, nakaiimpluwensiya ito sa kaniyang pagkatuto at pagsasalita ng pambangsang wikang Filipino. Ito ang tinatawag na interference phenomenon na siyang lumilikha ng iba pang natatanging varayti ng Filipino, Ilokano-Filipino, Bikolnon-Filipino, Kapampangan-Filipino, Hiligaynon-Filipino, at iba pa. Dahil din sa kaalaman sa mga wika, sa proseso ay nagbabago ng tagapagsalita ang gramatika sa pamamagitan ng pandaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng alituntunin. Kilala ito bilang interlanguage o mental grammar ng tao. Halimbawa nito ang mga salitang gaya ng malling, presidentiable, at senatoriable na hindi matatagpuan sa "standard" na ingles.