Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Layunun ng Replektibong Sanaysay

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

1. Ikonsidera ang paglakap ng mga datos at mga bagay na kailangan gamitin.

2. Pagandahin ang panimulang bahagi.

3. Pagtalakay ng iba’t ibang aspekto ng karanasan.

4. Ang konklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay.

5. Kinakailangang malinaw na nailalahad ng manunulat ang kaniyang punto upang lubusang maunawaan ng mga mambabasa.

6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.

Paraan ng Pagsulat ng Replektibong Sanaysay ayon sa Nabasa

1. Matapos maunawaan ang binasa, gumawa ng balangkas ukol sa mahahalagang punto.

2. Tukuyin ang mga konsepto at teorya na may kaugnayan sa paksa. Makatutulong ito sa kritikal na pagsusuri.

3. Ipaliwanag kung paano nakaapekto ang iyong personal na karanasan at pilosopiya sa pag-unawa ng paksa.

4. Talakayin sa konklusyon ang kahihinatnan ng repleksyon.

May iba't-ibang kailangan tandaan sa pagsulat ng replektibong sanaysay...

Ang pangunahing layunin ng replektibong sanaysay ay hindi lamang matalakay ang natutuhan o maisapapel bagkus iparating ang pansariling karanasan at natuklasang resulta sa ispesipikong paksa.

Naglalayon din itong maipabatid ang mga nakalap na impormasyon,mailahad ang mga pilosopiya at karanasan sa pamamagitan ng paglalagay ng batayan o talasanggunian at maglalahad ng interpretasyon.

Hanggang sa Muli!!!

Salamat sa Pakikinig

Sangunian

https://prezi.com/szpusr9cartg/layunin-ng-replektibong-sulatin/

https://www.youtube.com/watch?v=HNwpDdcV0oE&spfreload=10

https://http543.wordpress.com/2016/10/18/replektibong-sanaysay/

Gabay sa pagsulat ng Repleksyong Papel

1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon

2. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyon.

3. Inaasahang hindi na magpapaliguy-ligoy pa.

4. Maaaring gumamit ng wikang pormal, o kumbensyonal.

5. Magbigay ng mga halimbawa o aplikasyong natutuhan sa klase.

6. Laging isaisip na ito ay gagraduhan batay sa talas ng inyong pagmumuni-muni.

7. Huwag balewalain ang mga mahalagang tuntunin bagaman ito ay isang personal na gawain.

8. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay.

9. Banggitin ang mga sangguniang galing sa iba't ibang sanggunian.

10. Maaaring maglagay ng pamagat

Kahulugan

Repleksiyon – Nangangahulugang pag-uulit o pagbabalik tanaw

Replektibong Sanaysay – Isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang particular na pangyayari. Isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa.

Ian Cortes

Zachie Rosel

JC Meer

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Replektibong Sanaysay ni kathuson

Gawa nina:

Para sa isang estudyante napakahirap na mag-aral ng iba’t ibang paksa sa isang semestre ngunit kahit na ganoon alam ko na pursigido ang bawat estudyante na matutunan ang itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro dahil alam nila na makakatulong ito para sa kanilang kinabukasan.

Ang Pagsulat ay isang uri ng sining, dito natin makikita kung ano nga ba ang nais ipahatid at ipasabi ng isang may-akda sa ibang tao. Napakalaking tulong ng pagsulat lalo na sa pang-akademiko dahil ito ang magiging tulay mo para mapatunayan na tama ang iyong sinasabi at mapanindigan mo ang iyong sinusulat.

Katulad na lang halimbawa ng Bionote, isa itong uri ng akademikong sulatin na kung saan makikita natin ang mga karangalan na natanggap ng isang tao sa buong buhay niya. At pati na rin ang Memorandum, dito sa sulatin na toh natutunan ko na ginagamit ito upang malaman ng isang tao kung ano nga ba ang pwedeng talakayin at mangyari sa isang pagpupulong na magaganap. Ang akademikong sulatin ay may iba’t ibang katangian batay na rin sa uri ng sulatin na iyong ginagawa at ang madalas na nagagamit sa akademikong sulatin ay ang Obhetibo, Pormal, Maliwanag at Orginasado, May paninindigan at Pananagutan .

Isa sa mga nagustuhan ko sa akademikong sulatin ay ang Posisyong Papel , dahil dito makikita natin na kailangan ay puro tama ang iyong sinasabi na kailangang tanggapin ng nakararami at higit sa lahat ay mabigyang katarungan ang mga opinyon mo sa ibang tao.Ang Akademikong Sulatin ay isang uri ng sulatin na kung saan naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon mapa-personal man o pang-akademiko ito.

Ang Pictorial Essay naman ay isang uri ng sulatin na kung saan dito makikita no ang maraming mga larawan kaysa sa mga salita. Para sa akin malaki ang naitutulong ng pictorial essay sa atin dahil sa pamamagitan nito maaari kang makagawa ng isang paksa na kung saan pwede mo itong idepende sa nangyayari sa tunay na buhay. At kahit marami ang larawan sa sulatin na ito ay may malaking tulong ito upang ipabatid sa nakararami ang gusto mong sabihin at iparating ang larawan na iyong ginamit ang siyang magiging tulay o sagot sa tanong na naiisip ng nagbabasa ng iyong paksang sinulat.

Ang Lakbay Sanaysay naman ay isang uri ng sulatin upang maitala ng isang tao ang kanyang mga naranasan sa paglalakbay. Dito ay may kailangang sundin na hakbang upang hindi ka magkamali at mahirapan sa iyong gagawin na sulatin, sa sulatin na ito ay may pinakaimportante ka dapat na malaman at ito ay kung ano nga ba ang naging REALISASYON mo sa iyong paglalakbay.

Ngunit kahit ano mang uri ito ng pagsulat ang pinakaimportante ay ang natutunan mo sa bawat sulatin na iyong ginagawa, kahit puro pagmamahal lang o puro pang akademiko ang nakasulat diyan ang mahalaga ay ang nilalaman nito at ang gusto mong sabihin sa ibang tao. Ang pagsulat ay nakakatulong sa lahat ng aspeto at sa lahat ng tao dahil ito ang nagiging daan mo para malaman mo ang iba pang impormasyon na dapat mong malaman. Kaya huwag nating baliwalain ang pagsulat dahil may malaking tulong ito sa ating lahat.

Isang halimbawa ng Replektibong Sanaysay ay ang....

12-Charles

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi