Sir Delson
WIKANG PAMBANSA
Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyonal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Sa unang bahagi ng Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
WIKANG OPISYAL
Filipino : Wikang Opisyal
Gagamitin ang Filipino bilang opisyal na wika sa pagtakda ng mga batas at mga dokumentong pamahalaan.
Ingles : Wikang Opisyal
Gagamitin naman ang Ingles bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.
Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya para sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito ang wikang ginagamit sa mga libro, gayundin ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams, instructions para sa mga gawain at pananaliksik.
Pakinggan ng mabuti ang awitin na may pamagat na “Wish” na inawit nina Donna Cruz at Jason Everly. Magtala ng tig-limang salitang Ingles at Filipino ayon sa napakinggang awitin at gamitin sa makabuluhang pangungusap.
1. Sa paanong paraan ipinarating ang nilalaman ng awiting napakinggan?
2. Bilang isang mag-aaral, ilan ang wikang iyong nalalaman? Paano mo ito ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay o pangangailangan?
1. Naisaalang-alang ang katuturan ng monolinggwalismo, bilinggwalismo at multilinggwalismo.
2. Nakapagbabahagi ng karanasan hinggil sa aralin; at
3. Nakagugunita at naisasagawa ang gawaing pantalakayan
Mula sa salitang ‘mono’ ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan na ang monolingguwal ay ang pagkakaroon ng iisang lingguwahe o wika.
Ang bilinggwalismo ay isang penomenong pangwika na tahasan at puspusang tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-ambag sa debelopment ng wika.
Ito ay dahil sa palipat-lipat ng mga taong naninirahan dito; kung magkagayon, bitbit din nila ang kani-kanilang wikang sinasalita.
Ito naman ay tumutukoy sa mga pangangailangan ng tao partikular na sa gamit ng impormasyon o mga gawaing pampananaliksik.
Ang palipat-lipat na tirahan ay nagbubunsod din ng pagkatuto ng ibang wika. Nagsisilbi itong survival para sa kanila.
Ang relihiyon ay nagtataglay rin ng malaking salik tungo sa pagkatuto ng ibang wika. May mga relihiyon kasi gaya ng Islam na mahigpit na pinanatili ang gamit ng wikang kung saan nasusulat ang kanilang iskriptyur.
Ito naman ay tumutukoy sa mga ugnayang panlabas ng isang bansa tungo sa ekonomikong pag-unlad nito.
Tawag sa patakarang pangwika na nakasalig sa paggamit ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.
Layunin ng multilinggwalismo samakatuwid ang unang pakinisin at gamitin ang mga wikang katutubo o diyalekto o wikang tahanan bilang pangunahing wikang pagkatuto at pagtuturo.
Mula sa unang baitang hanggang ikaapat, susundan ito ng Filipino, ang wikang pambansa, bago ibabad sa wikang Ingles. Halimbawa nito ay ang pagpapatupad ng Mothertongue Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa DepEd.
Maituturing mo ba ang iyong sarili na dalubhasa sa paggamit ng iyong mother-tongue?
Sampung taon mula ngayon, paano ka kaya manginginabang sa pagiging bilinngual/multi lingual?
1. Anong katangian mayroon ang ating bansa na hindi magiging angkop para sa sistemang monolingguwal?
2. Bakit kaya mula sa bilingguwalismo ay ipinatutupad ang multilingguwal na sistema ng wikang panturo sa K to 12 Curriculum?
3. Sa iyong palagay, paano makakaapekto sa isang batang nagsisimula pa lang mag-aral ang paggamit sa silid aralan ng wikang nauunawaan at ginagamit din niya sa araw-araw niyang pamumuhay?
1. Pagdating sa ating edukasyon, ano ang mas karapat-dapat na pagtuunan ng pansin? Bilinggwalismo o Multilinggwalismo? Patunayan.
2. Sa anong aspeto nakatutulong ang patakarang multilinggwal sa pagpapanatiling buhay at maunlad ng wikang Filipino?
Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng mga magagandang dulot ng multilinggwalismo bilang bahagi ng pag-aaral sa ilalim ng K-12 Curriculum ng DepEd. Maaaring isulat sa papel o gumamit ng editing applications.
PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS:
Nilalaman – 25
Paraan ng Pagkakasulat – 15
Presentasyon – 10
KABUUAN ----- 50