Mga Pagbabago sa Kulturang Pilipino sa Panahon ng Espanyol
March 1, 2021
Kasuotan at Pagkain
Mga Pagbabago sa kulturang Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Kasuotan
Pagsusuot ng sombrero, salawal, pantalon, jacket at sapatos ng mga Pilipinong lalaki.Ang mga babae naman ay magsuot ng terno, palda, kamisang maluluwang ang manggas, gayundin ang paggamit ng sapatos, panwelo o alampay at payneta.
Pagkain
- Pagluluto at pagkain ng mga putaheng gaya ng menudo, pochero, adobo, estofado, embotido, asado, relleno, afritada at iba pa.
- Pagkahilig sa mga pagkaing tulad ng leche flan, hamon, longganisa, tocino, chorizo, atsara at sardinas
- Pag-inom ng kape, tsokolate at serbesa
- Paggamit ng tinidor, kutsara, kutsilyo, pinggan at serbilyeta sa hapag-kainan
Mga Kulturang Materyal
Arkitektura
Arkitektura
- Pagbabago ng estilo ng mga gusali at mga tahanan. Gumamit ng mga bato, mga ladrilyo at matitigas na kahoy tulad ng mulawin at narra. Kapansin-pansin din ang estilong Baroque sa mga gusali. Ito ay malimit na makikita sa mga lumang simbahan, kumbento at maging sa mga paaralang tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Arkitektura
- Makikita naman sa matatandang bahay na yari sa bato ang azotea na kalimitang ginagawang pahingahan lalo na kapag mainit ang panahon
Mga Kulturang Di Materyal
Mga Kulturang Di Materyal
Relihiyon
- Paglaganap ng Kristiyanismo sa buong kapuluan na kinikilalang pinakamalaganap na relihiyon sa bansa sa kasalukuyan
Mga Kulturang Di Materyal
Mga Kulturang Di Materyal
Relihiyon
- Pagsisimba, pagrosaryo at pagsasagawa ng orasyon
- Pagdarasal ng "Ama Namin," "Aba Ginoong Maria," "Luwalhati sa Ama," at ang "Ang Kredo"
- Pagpapahalaga sa mga sakramento ng pananampalatayang Katoliko tulad ng binyag, kumpisal, komunyon, kasal at bendisyon sa maysakit at pumanaw
Mga Kulturang Di Materyal
Mga Kulturang Di Materyal
Relihiyon
- Pagdiriwang sa kapanganakan at kamatayan ng isang patron sa pamamagitan ng pista
- Pagdiriwang ng Pasko bilang pag-alala sa araw ng kapanganakan ni Hesus
- Paggunita sa Mahal na Araw, pag-alaala sa pagpapasakit at kamatayan ni Hesus
Mga Kulturang Di Materyal
Mga Kulturang Di Materyal
Relihiyon
- Pagdarasal para sa kaluluwa ng mga namatay
- Pagdalaw sa libingan kung Araw ng mga Patay
- Pag-awit ng pasyon kung Mahal na Araw
Edukasyon
Edukasyon
- Pagpapatayo ng mga paaralang pamparokya na pinamahalaan ng mga prayle o kura paroko kung saan ang pagtuturo ng rehiyon ang sentro ng pag-aaral
Edukasyon
- Pagtatag ng mga paaralang pansekundaryang itinayo ng mga misyonero upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagkuha ng iba't ibang kurso sa kolehiyo
- Pagpapatayo ng mga paaralang pangkolehiyo sa mga pangunahing lungsod ng bansa. Itinuturo sa mga kolehiyo ang teolohiya, doktrinang Kristiyano, Wikang Latin at Espanyol, heograpiya, matematika, etika, pilosopiya, lohika, retorika at panulaan. Itinatag ng mga Heswita noong 1589 ang Colegio de San Ignacio sa Maynila na itinuturing na kauna-unahang kolehiyo sa bansa para sa mga lalaki. Ito ngayon ang kasalukuyang Ateneo de Manila. Ang Colegio de Santa Potenciana naman ang kauna-unahang kolehiyo para sa mga babae na itinatag noong 1594. Ang Unibersidad ng Santo Tomas ang unang pamantasang itinatag sa Maynila noong 1611.
Pamahalaan at Pamayanan
Pamahalaan at Pamayanan
- Pagtatag ng pamahalang sentralisado na pinamumunuan ng gobernador-heneral kung saan ang mga barangay ay pinagsama-sama upang gawing pueblo o bayan at ang pagsasama-sama naman ng mga bayan upang maging lalawigan
Pamahalaan at Pamayanan
- Pagtatayo ng plaza o liwasang-bayan sa bawat pueblo. Matatagpuan malapit dito ang paaralang-bayan, munisipyo, pamilihan, simbahan at kumbento na tirahan ng mga pari at madre. Ang ganitong ayos ng pamayanan ay tinatawag na plaza complex. Sa paligid naman ng poblacion ay makikita ang mga bahay ng mayayaman at mga opisyal ng pamahalaan
Pangalang Espanyol
- Paggamit ng mga pangalang Kristiyano tulad ng Juan, Maria, Carlos at Juana.
- Paggamit ng mga apelyidong Espanyol tulad ng Garcia, Cruz, Valles, Santos at iba pa.
- Isang listahan ng mga apelyidong Espanyol ang ipinalabas ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria noong 1849 na tinawag na Catalogo Alfabetico de Apellidos, dito namili ang mga katutubo ng kanilang apelyido
Pangalang Espanyol
https://issuu.com/filipinasheritagelibrary/docs/catalogo_alfabetico_de_apellidos/2