Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

WIKA,

LIPUNAN, at

KULTURA

Karyl Aren Cavan

11- Peter of Gubbio

WIKA

WIKA

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Bawat dalubwika, o linguist, ay may sariling pagpapakahulugan sa wika. Ito ang daan sa pagkakaunaawaan ng mga tao. Ang mga ideya at saloobin ay hindi maibabahagi sa iba kung wala ang wika upang maipahayag ito. Ang wika ay mahalagang bahagi ng buhay ng tao at ng lipunan. Wika ang nag-uugnay sa mga tao sa kanilang pakikipag-usap o pakikipagtalastasan.

LIPUNAN

LIPUNAN

Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ito din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao.Ang kahalagahan ng lipunan ay higit pa sa kahalagahan ng yaman o anumang salapi ito ay isang grupo ng tao kung saan nagtutulong tulong ang mga tao. Dito rin nila nakikita ang kanilang mga pangangailangan sa buhay.

LIPUNAN

KULTURA

Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang "kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay-bagayMahalaga ang isang kultura sapagkat ito ang nagbibigay ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo na kasapi sa isang komunidad o lipunan. Ang bawat kultura mayroon ang mga pangkat o grupo ay natatangi sa iba pang pangkat. Ibig sabihin, ang kultura ay isang kayamanan na mayroon ang isang pangkat na sila lang ang mayroon.

KULTURA

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi