Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
"Labaw Donggon", isang Bisayang epiko na ginawa ni Mig Alvarez Enriquez
Labaw Donggon
Labaw Donggon
ang asawa nina
Abyang Ginbitinan Anggoy Doronoon
AT
ang ama nina
Asu Mangga Buyung Baranugun
Labaw Donggon
Buyung Paubari
Anggoy Alunsina
ina ni
Labaw Donggon
Anggoy Matang-ayon
Anggoy Matang-ayon
ina ni Abyang Ginbitinan
Abyang Ginbitinan
Abyang Ginbitinan
Anggoy Doronoon
unang asawa ni
pangalawang asawa ni
Labaw Donggon
Asu Mangga
Buyung Baranugun
panganay na anak nina Labaw Donggon At Anggoy Ginbitinan
panganay na anak nina Labaw Donggon At Anggoy Doronon
Buyung Saragnayan
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata
ang asawa ni Buyung Saragnayan
Buyung Saragnayan
ang asawa ni Nagmalitong yawa
kaaway ni Labaw Donggon
Sa Hinilawod ng Panay sa Visayas
Si Labaw Dunggon ang anak nina Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay isang napakakisig na lalaki na umiibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita nila ang buong bayan sa kanilan kasal. At di nagtagal umbing siyang muli sa isang babaeng nagngangalang Anggoy Doronoon at sila ay ikinasal.
At muli ay umibig si Labaw sa isang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata at agad niyang gustong maikasal sa binibini. Ngunit ang babae ay naikasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya, ay makapangyarihan din.
Dahil sa nais ni Labaw na maikasal kay Sinagmaling ay nakipaglaban siya kay Saragnayan na nagtagal ng ilang taon ngunit nauwi ito sa pagkatalo ni Labaw. At bilang parusa ni Labaw, ikinulong siya sa kulungan ng bahay ni Saragnayan.
Samantala ang mga asawa ni Labaw ay nanganak sa kanilang panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na Buyung Baranugun.Nais makita si Labaw ng kanyang mga anak. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Baranugun ay natagpuan nila at nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na napaktanda at ang kanyang katawan ay nababalutan ng mahabang buhok. Masaya sila sa pagkikita nila sa kanilang ama at pinangakong sila'y maghihiganti.
Dahil kay Labaw, nalaman nila na ang hininga ni Saragnayun ay itinatago at pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Kaya ay sinugod nila ni Asu Mangga ang baboy ramo at kinain ang puso nito.
Biglang nanghina si Saragnayun at alam niya kung ano ang nagyari kaya ay nagpaalam na siya kay Nagmaliton Yawa. Handa na siyang kalabanin ang mga anak ni Labaw ngunit si Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa laban. Napatay siya ni Baranugun.
Pagkatapos ng laban ay hinanap ni Baranugun at Asu Mangga ang kanilang ama na nakasilid sa lambat ni Saragnayun. Takot sila sa mga kapatid ni Saragnayun ngunit pinatay ni Baragnayun ang lahat ng ito at inuwi ang ama sa kanilang mga ina.
Nang makita nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw ay napaiyak sila sa pighati. Nalaman nila na hindi na makarinig si Labaw, hindi na rin nito nagagamit ang isip. Pinaliguan nila ito, binihisan, at pinakain. Inaalagaan nila ang asawa. Samantalang nakasal naman ang nga bayaw ni Anggoy Ginbitinan.
Nang malaman ito ni Labaw, bigla niyang sinabi na nais niyang mapakasalan si Nagmaliton Yawa at magkaroon ng isa pang anak na lalaki. Nagulat ang dalawang asawa ni Labaw, ngunit dahil mahal na mahal nila si labaw ay tinupad nila ang hiling ni Labaw. Humiga sa sahig si Labaw at pumatong ang dalawang babae sa kanya, naibalik ang kanyang lakas at sigla ng isip. Mssayang-masya si Labaw at ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa buon lupain